Pinakiramdaman ko ang malamig na tubig sa katawan ko habang hindi gumagalaw sa pwesto ko. Nanatili ako dito sa pwesto ko na hanggang dibdib ko ang tubig, medyo malayo ako kay Johanness pero parang ang lapit lang naming dalawa dahil sa lagkit ng tingin niya. Hindi ko siya pinansin at nagsimulang lumangoy sa ilalim. Saglit lang ang tinagal ko sa pagsisid at umahon na rin. Inalis ko ang tubig na nasa mukha ko para hindi maharangan ang paningin ko. Ang tagak na rin pala noong huling makapaglanggoy ako. I miss the touch of natural water on my skin. It’s very refreshing and hydrating. “Nagustuhan mo ba?” “Oo.” Pansin kong paunti-unti siyang lumalapit sa akin. Kaya naman kunwaring hindi ko siya napansin sa ginagawa niya kaya lumangon ako sa kabilang direksyon. Pag-ahon ko nasilayan ko ang na

