Ginapangan ako ng hiya nang maabutan siyang bihis na samantalang ako hindi pa! Napakamot ako sa ulo. “Teka, magbibihis lang ako.” Sumulyap siya sa kwarto ko bago muling binalik sa akin ang tingin. “Sige. Hintayin na lang kita doon sa sala.” Tumango naman ako at sinarado ko lang iyong pintuan nang makaalis na siya. Hindi na ako nag-isip na maligo dahil wala ng oras. Magpapabango na lang ako at hindi naman ako nangangamoy kaya okay lang. Konting ayos lang sa buhok ko at hindi ko na rin nagawang mag-lipstick o pulbo dahil sa pagmamadali ko. Natural lang ang itsura ko ngayon. Hindi naman ako haggard kaya hindi naman nakakailang. Pero nandito pa rin iyong nahihiyang pakiramdam dahil ako pa ang hinihintay. Parang ako ang amo sa aming dalawa. Nainis! “Sorry, naghintay ka pa.” I shyly sai

