Kinabukasan, maaga akong nagising dala na rin siguro na hindi ako masyadong makatulog kagabi. Hindi ko alam kung naninibago ba ako sa hinihigaan ko kahit na sobrang lambot naman ng kama o sadyang hindi ako nakatulog dahil sa ang daming tumatakbo sa isip ko. Nakakatulog naman ako pero magigising din. Kaya hindi ko ramdam kung nakatulog ba talaga ako. In short, wala akong maayos na tulog kagabi. May nakita akong mga pagkain at pwedeng lutuin sa refrigerator pero hindi naman ako magaling magluto kaya medyo nag-alangan ako kung susubukan ko bang magluto para sa kanya o hindi na lang. In the end, nagluluto pa rin naman ako pero hindi iyong mahirap at iyong alam ko lang dahil basic lang naman ang alam ko. Ang niluto ko lang naman ay bacon, sunny side up eggs, at toasted bread na sakto para

