Pagkatapos nang usapang iyon, wala naman siyang ibang ginawa kundi ang utusan ako. Minsan nga sumagi sa isip ko na parang sinasadya niya lang iyon kahit hindi naman importante iyong pinapagawa niya. Kase ba naman kaya ko na isip ‘yon, inutusan niya akong tumingin sa relos niya kung anong oras na imbes na kaya naman niyang gawin 'yon. Duh! Nasa kamay niya lang naman ‘yong relos kaya bakit sa akin pa inutos na tignan iyon. Pero syempre hindi ako umalma pa. Halos naging normal naman ang buhay ko rito sa mansyon. Madalas na ganoon ang trato niya sa akin at palagay ko masasanay din ako. Hindi pa rin nawala sa isip ko ang kagustuhang matanong siya at ngayon maglalakas-loob ako para maitanong na iyon. Ilang araw pa ang lumipas na ganoon lang at sa wakas sa tingin ko nagkaroon na ako nang laka

