Malinaw sa akin iyong sinabi niya. Halata namang hindi niya intensyon na ibulong ‘yon at gusto niya talaga marinig ko ‘yon. Tsaka isa pa, madali lang namang intindihin iyong sinabi niya. “I’ll be back.” bigla niyang dugtong. “Okay po.” Pagkatapos ng paalam niyang ‘yon, umalis na rin siya kaagad nang hindi ako nililingon. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyang hindi ko na siya matanaw pa. Wala rin akong ideya kung saan siya pumunta pagkatapos niyang lumagpas sa isang book shelf. Marahil may isang secret door dito mula sa library papunta sa isang kwarto. Nalaki itong library at base sa napapansin ko sa kanya hindi imposible itong naiisip ko. Isa pa, iyon lang ang nakikita kong rason kung papaano siyang nakapasok dito nung hinahanap ko ‘yong susi. “Ano naman kaya ang ga

