“Ano po ‘yon?” Maaga akong pinatawag ni Madam at pinapunta sa kusina. Nabusog ako kaagad sa masarap na amoy na galing sa niluluto nung chef. Gumala ang paningin ko sa mga nakahain. Nagutom tuloy ako bigla kahit kakatapos ko lang namang kumain. Pero nagmadali ako sa pagkain kasi nalaman kong pinapatawag ako ni Madam. “Ikaw ang maghahatid ng pagkain kay Sir niyo tuwing umaga kapag hindi siya baba galing sa taas. Madalas naman siyang ganoon kaya dapat lang alamin mo kung anong plano niya.” paliwanag ni Madam. Napatango ako sabay sabing. “Opo.” kahit hindi ko alam kung paano gagawin iyong sinabi niya. “Tsaka isa pa Freia, sanayin mo na rin ang sarili mo na laging makakasama si Sir niyo kasi ikaw ang personal maid niya.” bilin pa nito. Ngumiti ako at muling tumango. Iyon nga an

