Kabanata 2: The New Maid

1397 Words
I smiled at the other two girls who were there but they rolled her eyes at me and smirked. Nagulat ako sa katarayan niya pero hindi ko na lang pinansin. Problema nila? Pagkatapos ng maikling speech ni Madam at pagpapakilala sa akin na nagawa na naman kahapon pa. Nahiya tuloy ako bigla. Pagkatapos nun pumunta na kami sa sari-sarili naming gawain. Napag-alaman ko na si Jessy pala ang nakatukang mamalengke ngayong araw at siya rin ang maghuhugas ng mga pinagkainan. I, on the other hand, was assigned to be the one who gives food to our boss and cleans his room. Kahit nagtaka ako hindi na ako nagtanong pa. Pero para saan ang pagkain kung wala naman siya dito?! Kinuha ko na ang vacuum cleaner para makapagsimula ng maglinis. Binigay sa’kin ni Madam ang susi sa kwartong lilinisan ko sa ikalawang palapag. Hanggang second floor lang itong bahay pero sobrang lawak. Modern pa ang design. Halos silver, black at white ang kulay ng buong paligid. Bago pa ako tuluyang lamunin ng pagkamangha ko lumakad na ako papunta sa dapat kong puntahan. Pero may paalala siya. “Huwag mong iwawala ang susi na ‘yan. Bawat kwarto sa taas ay may iba’t-ibang susi kaya kapag nawala mo ‘yan hindi ka na makakaakyat muli sa taas. At ibang klase ng susi na hindi nabibili dito sa Pilipinas.” Ang gara naman! Naintindihan ko naman. Dapat maging responsible kami sa mga binibigay sa’min lalo na’t pinagkatiwalaan kami. Tinignan ko ang susi na hawak ko at kakaiba nga ang itsura nito at parang makaluma. Halos modern ang buong bahay parang ito lang ata ang makaluma. Pagliko ko sa hallway makita ko ‘yong isang kasambahay na nagtaray sa’kin. Wala lang siguro siya sa mood nun kaya ngumiti ulit ako pero parang hindi niya ako napansin at nagdere-deresto ng lakad hanggang sa mabangga niya ako. Nabitawan ko ang vacuum cleaner sa lakas ng pagkakabangga niya sa sa’kin. Pinulot ko ‘yon kaagad at tumingin sa nabangga ko. I stand corrected myself, binangga ako. “Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan!” pagalit niyang sabi. Nagulat ako sa tono ng pananalita at reaksyon niya na para bang may iba pa akong kasalanan bukod sa pagkabangga ko sa kanya. Nakakainit ng ulo ‘yong init ng ulo niya sa’kin. Pero kailangan kong manatiling kalmado. Pero halata naman kasing sinadya niya akong banggain puwera na lang kung bulag siya. Kunot-noo ako at huminga ng malalim. Pinipigilan ang sarili na sagutin siya. “Sorry. Sa susunod iiwas na ako.” Well, kung ayaw nila sa’kin, ayaw ko din sa kanila. Hindi naman sila ang dapat kong pakisamahan kundi ang boss namin. Pantay-pantay lang naman kami dito. Tsaka wala akong oras para sa ganitong sitwasyon. Tinalo niya pa si Madam sa kasungitan niya. “’Wag kang mapagmataas porket ikaw ang naka-assign sa paglilinis ng kwarto ni Sir.” Nabigla ako sa paratang niya. Wala akong maalalang nagmataas ako sa kanila. Tsaka nagsisimula pa nga lang ako ngayong araw. “Kung gusto mo edi ikaw na lang. Bakit hindi mo sabihin kay Madam?” walang buhay kong sabi. Lalong umasim ang mukha niya sa galit. Bahagya pang lumaki ang butas ng ilong niya sa inis sa sagot ko. “Akala mo kung sino ka! Eh, bago ka lang naman dito!” New maid nga ako kaya naguguluhan ako kung bakit ganyan ang inaasta niya ngayon sa harap ko. “Hindi ako-“ “Freia.” napahinto ako sa pagsasalita at napalingon sa taong nasa likod ng kaharap ko. Si Madam. “May problema ba?” Tumingin ako kay Madam, walang ekspresyon ang mukha niya kaya hindi ko masabi kong anong tumatakbo sa isip niya. Pagkatingin ko naman sa kaharap ko, nanlalaki ang mata niya na parang binabalalaan akong ‘wag magsalita. I smirked, rolling my eyes at her then looking at Madam. “Kasi po…” sinadya ko talagang pabitin ang sasabihin ko tapos sumulyap muli sa kaharap ko. She looks tense and scared. “Nagpapakilala lang po siya.” I cheerfully said but full of sarcasm when I glimpsed at this angry bird girl. She sighed with a breath of relief and turned around to look at Madam. Ngiting-ngiti ang bruha. Feeling niya siguro niligtas ko siya hindi no! “O-opo. ‘Di ba Freia?” kabado niyang sabi. Bago palang ako dito at gulo na kaagad kaya naman mas mabuti pang hindi ko sabihin at hindi ko alam kung paano magalit si Madam. Pero alam ko sa sarili kong hindi ko gugustihin pang malaman. “Oo naman. Anong pangalan mo ulit?” natatawa kong sabi pero walang gana. Napakamot ako sa ulo ko. “Medyo makakalimutin kasi ako sa pangalan.” Well, hindi ko naman talaga alam ang pangalan niya. Tapos may galit pala siya sa’kin kahit wala pa akong ginagawa. Pwede pala ‘yon? “S-Shiela,” Hhndi maitago ang pagka-utal sa boses niya. Hindi na siya makatingin ng maayos habang nakatingin kay Madam. “B-balik na po ako sa gawain ko.” “Mabuti pa nga.” seryosong sabi ni Madam. Sinundan ko si Shiela na mabilis na umalis, hindi man lang siya lumingon ulit, gano’n siya katakot. Madam sighed. “Ganyan talaga ‘yang si Shiela tuwing may bago dito kaya umaalis kaagad.” I pouted a bit. “Kung gano’n bakit hindi siya ang tanggalin?” wala ko sa sariling bulong. Natutop ko ang bibig ko at mariing tinikom ang bibig ko at pasimpleng tumingin kay Madam. Seryoso pa rin ang mukha ni Madam, walang pinagbago mula kanina. Hindi ako sigurado kung narinog niya nga ba ako pero mukhang hindi naman. “Bakit mo tinapik ang bibig mo?” taka niyang sabi. Mahina ako ng natawa at umiling. “Wala lang po. Para po kasing may kumagat sa labi ko.” Palusot ko. Hindi niya nga talaga narinig. Buti na lang. “’Wag po kayong mag-alala, hindi naman ako natatakot sa kanya.” Pag-iiba ko ng usapan. “Naiingit lang ‘yon sapagkat ikaw ang nilagay ko na maging personal na yaya ng amo natin.” paliwanag niya. “Bakit naman po?” kuryoso kong tanong. “Hindi siya bagay sa trabaho na 'yon. Maiinis lang sa kanya ang amo natin. May pagkamasungit pa naman ‘yon.” Marahan akong tumango at tinuro ang sarili ko. “Sa tingin niyo po sa akin hindi maiinis 'yong amo natin?” Natawa si Madam at umiling. “Sa tingin ko hindi.” Mainitin siguro ang ulo ng amo namin. “Siguro may edad na 'yon kaya masungit. Alam niyo na po ‘pag nagkaka-edad madaling uminit ang ulo.” “Pero hindi po lahat ah. Tulad niyo po, mahinahon at malakas pa at higit sa lahat, maganda pa.” magiliw kong sabi na may konting pang-uuto. Tumawa si Madam. “Ano ka bang bata ka?” para siyang kinikilig. “Ang lakas mo palang mang-uto.” Umiling kaagad ako. “Hindi po ah.” Sabay kindat sa kanya. Umiling lang din siya na may ngiti pa rin sa labi. “Gano’n nga siguro kapag natanda na.” tumingin siya sa taas. “Kapag nakilala mo siya, ikaw na ang humusga.” Tumango ako at hindi mapigilan ang excitement. I smiled to Madam. “Akyat na po ako.” sabay turo sa taas. She smiled and nodded. Nakakatuwang hindi na maalis ang ngiti sa labi ni Madam. Pakiramdam ko gusto kong manatili lamang ang mga ngiti sa labi niya. Alam kong may edad na siya kaya dapat lagi lang maging masaya. Sumagi sa isip ko kung nasaan kaya ang pamilya niya? Medyo may kabigatan itong vacuum cleaner dahil na rin sa laki nito. Ngayon, lang ako nakakita ng ganito. Sa laki nito makakatulong ‘to para mapabilis ang trabaho ko. Naturo na din naman sa akin ni Madam kung saan banda ang kwarto. Sa pangatlong karto ako maglilinis. Of course, I used the key that Madam gave to me to open the door. Naisip ko sanang subukan sa ibang kwarto ang susi na ito kung totoo bang may kanya-kanyang susi ang bawat kwarto pero natakot ako. Mahal ko pa ang trabaho ko. I went inside and astonished to what place this is. A library. Ang daming mga libro bes! Malamang library nga e. Napangiti ako sa sarili ko pero hindi maalis ang pagkamangha sa mata ko. Pero ang problema kung saan ako magsisimulang maglinis. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD