Kabanata 3: Rock And Roll

1100 Words
Nakakamangha talaga! Iyon ang masasabi ko at hindi maalis sa isipan ko habang mabuting sinusuri ang buong lugar. Pasimple akong humawak sa mga libro at dinama ang texture nito. Medyo may kalumaan ang disenyo nito pero maayos pa ang itsura. Nabasa niya na kaya ‘tong lahat? Grabe ang ginugol niya para magbasa ng ganito kadaming libro tapos makakapal pa. Mukhang bago pa naman ang halos lahat maliban sa hinawakan ko. Parang hindi nagalaw ang mga ito o sadyang maingat lang talaga ang may-ari nito. Nagsimula na akong maglinis. Wala namang kalat sa totoo lang! Pwede nga akong magpanggap na nalinis ko na tapos lagyan ko lang nitong mamahalin nilang spray keri na pero ‘di ko sinubukang gawin. Malinis ang buong kwarto pero nilinisan ko pa rin. ‘Di ba double cleansing! Parang skin care lang. Habang naglilinis ako nagpatutog ako. Masyado kasing tahimik at nakakatamad lang lalo na kumilos. Naka-full volume ang phone ko at rock music ang pinatutog ko mula sa paborito kong banda. Feeling ko naman hindi ako maririnig mula sa labas. I bang my head to the rhythm of the music as I motioned up and down the vacuum cleaner to the carpet. Then, singing along with my favorite part of the song. “And I admit I’m a bit of a fool for playing by the rules. But I’ve found my sweet escape when I’m alone with you.” pagsabay ko sa kanta.  Hindi ako marunong kumanta. Never akong kumanta sa harap ng maraming tao. Kahit kailan hindi talaga. Ikakamatay ko ata kapag nagkataong papakantahin ako sa harap ng mga tao. Kahit sa bahay hindi ako kumakanta. Pero one time na mahina akong kumanta may nakarinig pa sa akin at iyon inaasar akong kantahan ko raw siya. Kahinaan ko ata ‘yon pero dahil wala namang tao at ako lang bigay todo ako sa kanta. Nang matapos na ako sa sahig, kinuha ko ang spray bottle at isang basahan, sinimulan ko ng punasan ang coffee table. Hindi ko mapigilan ang pag-indayog ng katawan ko kasabay sa kanta na pinapatugtog ko ngayon. Nabubuhay ako sa awit at talaga namang hindi ako mababagot maglinis kasaliw ng awitin. Napahinto ako sa pagpupunas nang huminto ‘yong kanta. Kinuha ko ‘yong phone ko para tignan, kaya naman pala kasi lowbat na ako. Hindi pa pala ako nakakapag-charge simula nung dumating ako dito. Binalik ko na lang ulit sa bulsa ko ang phone at bumalik sa gawain. Niligpit ko din ang papel na nandoon sa coffee table. At may pansin akong kakaiba para sa akin na pumukaw sa mata ko. Isang sobre na may initial lang na ‘S’. Bago ko pa makita ang laman ng papel. Napaangat ako ng tingin ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nun si Madam. Mabilis kong inipit sa libro ang papel at inayos 'yon ng pagkakalagay sa lamesa. At bumalik na muli pagpupunas sa coffee table at pasimple akong lumayo doon at pumunta sa may book shelves. Buti na lang din na-lowbat ang phone ko at hindi ako naabutan ni Madam na nagpapatugtog. I don’t know kung pwede ba o hindi. Tatanong ko lang sa kanya if ever. O baka narinig niya kaya siya pumasok dito sa loob. “Hindi ka pa tapos?” tanong niya. “Patapos na rin po.” nakangiti kong sabi. Habang hinihiling ko sa isip ko na sana hindi niya nga narinig ‘yong pagpapatugtog ko kanina. Tumango siya. “Oh siya, maiwan muna kita.” Akma na siyang magpapaalam pero tinawag ko siya na kinahinto siya. Mukhang hindi nga rinig mula sa labas. “Tatanong ko lang po kung pwede ako magpatugtog habang naglilinis?” nahihiya ko pang tanong. Nag-isip siya saglit pero tumango din sa huli na nagpangiti sa’kin. “Oo naman basta ba hindi gaanong malakas. Iyong sakto lang para hindi din nakakaabala sa iba. Dapat iyong maririnig ka pa rin kapag tinawag ka at iwasan mong mag-ear phone. Tsaka kapag nandito lang ako at ‘wag kapag nandito ang amo natin. Tsaka ‘wag lagi. Okay ba?” mahaba niyang paliwanag na nagpa-awkward sa ngiti ko. In short, lang nung sinabi niya ‘wag na akong magpatugtog. “Sige po. Salamat.” pinilit kong ngumiti. “Tsaka nga pala aalis ako at baka gabihin ako o bukas ng umaga makauwi.” bilin niya. Ako naman, hindi ko maitago ang pagiging kuryoso ko. “Sa’n po kayo pupunta?” “Hospital.” Tumango ako at hindi na muling nagtanong pa. “Ingat po kayo.” Umalis na din si Madam pagkatapos nung usapan namim at ako naman bumalik na sa trabaho ko at sa susunod sisiguraduhin kong full charged ang phone ko para rock and roll magdamag nang hindi magpapahuli. Nalinisan ko na ‘yong buong library nang hindi naaalala iyon ng sobre na pumukaw ng pansin ko kanina lang bago dumating si Madam. “Tapos ka na?” bungad na tanong sa’kin ni Jessy nang mabutan ko siya na nagliligpit ng mga damit niya. Tumango ako sabay sagot ng… “Oo. Ikaw tapos ka na rin?” medyo nahihiya pa akong magtanong sa kanya dahil kakarating ko lang pero at least mas mabait talaga siya compare doon sa dalawa. “Tapos na rin pero pupuntahan pa ako mamaya pagkatapos ko rito.” pagtutukoy niya doon sa may mga ligpitin niya. “ dagdag niya pa. “Jessy… nakapasok ka na ba roon sa library?” pag-open ko nang bagong topic. Umiling siya at bahagyang ngumiwi. “Alam mo mas matagal na ako sa iyo rito pero mas ikaw pa ang unang nakapasok sa aming lahat.” “Lahat?” gulantang kong sabi. “Lahat.” pag-uulit niya sa sinabi ko. “Pero iyong mga dating personal maid niya bago ako dumating at iyong sinundan mo nakapasok na doon.” Tumango akong muli sa sinabi niya. Isang ligpitin na lang ang tinapos niya bago siya tumayo at nagpaalam sa’kin na aalis siya. Hindi ko na nga siya tinanong pa dahil baka importante ‘yon at makaabala pa ako. Pwede ko naman siyang tanungin mamaya. Nagligpit na rin ako ng mga gamit ko at nilagay iyong sa puting kabinet na nakalaan para sa akin. Napahinto ako at kinuha ko ‘yong picture ko noon kasama ang magulang ko. Mabilis na nanlabo ang mata ko dahil sa pangingilid ng luha ko. Bago pa ito kusang bumagsak, pinaalis ko na ito at bumuntong-hininga. Miss ko na silang dalawa. Saglit pa lang ako rito pero gusto ko na kaagad na umuwi sa amin. Pero naalala ko rin na hindi pala pwede. Kailangan kong manatili rito para sa misyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD