Kabanata 4: Lost Key

2164 Words
I charged my phone and took a bath.   Habang naliligo kanina bigla kong naramdaman na parang may nakalimutan ako. Isang bagay na hindi ko dapat makalimutan pero nakalimutan ko nga. Hanggang sa matapos akong maligo iniisip ko pa rin kung ano iyon.   "Ano 'yung nakalimutan ko?" inis kong bulong sa sarili ko.   Tinignan ko ang phone ko para i-check kung full charge na ba ito at nakita ko ang text message ni W.   W: Hindi ka tatagal d’yan. Alam mo na hindi ka sanay sa ganyan.   Napabuntong hininga na lang ako at nilapag ang phone ko. May point naman pero nandito na ako at kailangan ko ‘tong gawin. Hindi ko rin alam ang sasabihin kaya nagdesisyon akong hindi mag-reply sa kanya. Napahinto ako sa pag-iisip nang biglang sumagi sa isip ko kung ano nga iyong kanina ko pang iniisip na maaaring nakaligtaan ko.   Nakailang kapa ako sa katawan ko pero hindi ko makita ang susi.   Kanina pa ako nakabalik sa headquarter namin at mamayang gabi ko pa kasi 'yon ibabalik kay Madam pagkabalik niya galing sa ospital.   Iyon nga ang sabi ni Madam na may schedule daw kasi siya ng check-up ngayon, syempre may edad na din kasi siya. At higit sa lahat, kasama 'yon sa benepisyong matatanggap namin sa pagtatrabaho dito. Talagang swerte ako na nakapasok ako dito kasi bukod sa maayos ang pasahod may benepisyo pang binibigay hindi katulad ng iba.   Pero tama na ang pag-iisip doon. Hindi ko mahanap 'yong susi!!!   Hinanap ko sa higaan ko pero wala akong makita kahit na halughugin ko pa ang buong kwarto wala talaga!   Kahit sa pwesto kanina ni Jessy wala rin. Kahit sa mga sulok-sulok ng kwarto namin wala talaga akong makitang susi.   “Anong nangyayari sayo?” takang tanong ni Jessy.   Bahagya pa akong nagulat pero makabawi rin naman kaagad.   “Nandyan ka na pala.” mahina kong sabi habang nalilito sa aking nakatingin.   “Anong nangyari bakit tumutuwad ka siya sa sahig?” may lahong pagbibiro ang tono niya.   “May hinahanap lang ako.” sabi ko habang naghahanap pa rin sa ilalim ng higaan namin katulong ko ang flashlight pero wala din talaga roon.   Tumayo ako at luminga-linga at nakita ko ang bag ko. Kinuha ko iyon.   “Anong hinahanap mo?”   “Nawala ko 'yong susi.” sagot ko ng hindi siya nililingon dahil abala na ako sa pagkalkal ng bag ko.   Alam kong wala 'yon doon pero nagbabakasakali lang na biglang lumitaw ang susi. Huling pagkakatanda ko nasa bulsa ko ‘yon. Hindi ko naman nilagay ‘yon kung saan lang.   Naramdaman ko ang paglapit ni Jessy.   “Naku ka! Mapapagalitan ka ni Madam.”   Napakamot ako. “Alam ko.” ibinalik ko na ang gamit ko sa bag at hinarap siya. I frustately sighed. “Mamaya ko pa naman kailangang ibalik ‘yon o bukas, basta pagkarating ni Madam dapat may maibalik ako.” dismayado kong sabi.   “Swerte ka girl!” napaangat ako ng tingin sa kanya. Pumalakpak pa siya. “Hindi uuwi mamayang gabi si Madam.”   Nabuhayan ako ng loob at nilapag ang bag ko sa may kama. Buong atensyong tinignan si Jessy. “Bakit daw?”   Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko sure eh. Pero ang sabi bukas pa daw 'yon ng tanghali si Madam uuwi.”   I sighed with a breath of relief. Buti na lang talaga.   Pero kailan ko pa ring hanapin ang susi. Tinulungan ako ni Jessy sa paghahanap pero wala kaming nakita sa mga lugar na pinuntahan ko. Maingat din kami sa kilos namin dahil baka makahalata ‘yong ibang kasama namin dito lalo na kay Shiela. Siguro ako kapag nalaman niya magsusumbong ‘yon kay Madam.   Pasimple kaming naghahanap habang naglilinis. At kahit sa mga lugar na hindi ko naman nadaan kanina pinuntahan na namin.   Nalibot na namin lahat pero may isa pang hindi. Bukod sa isang lugar kung saan ako naglinis.   “Pa'no ka makakapasok e kung nawala mo nga 'yong susi?” mahinang bulong sa akin ni Jessy.   Nasa labas kami ngayon at naglilinis sa mga swimming pool.   “Ako na ang bahala,” pabulong ko ding sagot.   Maingat kaming nag-uusap dahil kanina pa kami pinagmamasdan nila Shiela. Binubulungan niya din ‘yong isa naming kasama at nahuhuli kong nakamasid ang mga mata nila sa’min. Buti magaling si Jessy at tulad ko kapag dumadaan sila sa’min. Iniiba namin kaagad ang topic.   “Ano namang gagawin mo?” nilingon niya ang direksyon kung nasaan sila Shiela. “Tignan mo 'yong dalawang bruha, mainit ka sa paningin nila kaya mag-iingat ka.” paalala niya.   “Naku! Kapag talaga nalaman ng isa sa kanina. Yari ka! Kaya hangga’t maaari itago mo muna na naiwala mo ang susi.” paalala niya pa.   Tumango ako at nag-approve sign ako.   Pareho kaming mahinang natawa. Pero sa loob-loob ko sobrang kinakabahan ako.   Paano kung hindi ko mahanap? Anong gagawin ko? Paano ako magpapaliwanag kay Madam? Siguradong matatagal ako dahil sa kapabayaan ko.   Katulad ng plano ko, gabi ako kumilos. To be exact, madaling araw na nung kumilos ako para makasiguradong tulog na ang lahat.   Maingat ako sa bawat galaw ko papuntang ikalawang palapag. Dala-dala ang isang itim na hair clip, iyon ang ginamit ko pang sundot sa pinto. Alam kong may chance na hindi ‘yon gumana dahil iba ang style nito kaysa sa alam ko kaya naka-ready na rin ang speech ko para kay Madam. Medyo nahirapan pa ako dahil sa panginginig ng kamay ko at makailang beses ko din itong kinalikot pero sa huli, matagumpay ko namang nabuksan ang pinto.   Abot langit ang ngiti ko. Hindi makapaniwala na magagawa ko 'to. Akala ko impossible pero walang imposible sa taong mawawalan ng trabaho. Tsaka akala ko hindi gagana ang trick na ‘to, pwedeng-pwede pala. Minsan na rin namin itong na-practice ni W. Pero medyo matagal na rin kaya nakakapag-alangan.    Ito na Frea kaya mo ‘to!   Pagpapalakas ko ng loob ko.   Sumilip muna ako sa paligid bago pumasok sa loob at marahang sinarado muli ang pinto.   Wala namang pinagbago sa library. Kung anong itsura noong iniwan ko, iyon pa din naman ang nadatnan ko. Kahit 'yong inipit kong papel sa isang libro nandoon pa rin. Hindi ko pa naman kailangan iyong sobre para tignan. May iba pang pagkakataon ako para doon.   Pero hindi iyon ang pinunta ko dito kundi 'yong susi.   Tumingin ako sa mga book shelves at ilalim ng coffee table pero wala akong nakita! Tanging lampshade lang sa hourglass stool at itong flashlight ng phone ko ang gamit ko para safe. Alam ko din namang walang aakyat dito pero iba na kapag sigurado.   Huminga ako ng malalim at nakapamewang nagmasid sa paligid habang nag-iisip kong saan ko maaaring nahulog ang susi.   “Nagsayaw lang naman ako kanina…” mahina kong bulong. Pilit inaalala ang lahat. “Tapos…”   May nakita akong maliit na basket at nilapitan iyon. Nanlaki ang mata ko ng makitang nandoon ang susi.   Hinalikan ko pa ‘yong susi nang makita ko. “Yes!” matagumpay kong sabi at bahagyang sumayaw sa saya.   Hindi na ako mapapagalitan ni Madam!   Hindi ko alam kung paano nakarating ‘yon doon pero hindi ko na ‘yon inintindi basta nakita ko lang ‘tong susi.   “Anong ginagawa mo dito?”   Deep voice with a serious tone that made me shiver and freeze like ice.   Napatigil ako at naging statue ang katawan sa gulat. s**t! Alam kong wala akong kasama dito.   Nakaharap ako sa pinto at hindi naman 'yon bumukas kaya paanong may nakapasok dito? Hindi kaya multo ang nagsalita? Walang ibang pumasok sa kwarto bukod sa akin. Kung ganoon sino ‘tong nagsalita kanina?!   Hindi ko magawang lumingon dahil kinabahan ako at natatakot din na baka multo nga ‘yon.   Pinagsakop ko ang kamay ko at mahinang nagdasal at humingi ng tulong sa taas.   “Hindi na po ako uulit. Aayusin ko na ang trabaho ko basta po ilayo niya lang ako sa multong ito.” bulong ko.   Narinig ko ang yabag niyang papalapit. Mariin akong pumikit at nagdasal muli.   Napatalon at napatili ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Automatic na nag-response ang katawan ko kaya mabilis kong kinuha ang kamay niya at inikot iyon sa likod niya. Mahigpit para siguradong hindi siya makawala.   “Nice,” mahina niyang sabi.   I flinched and my heart skipped a beat because of that.   Nahahawakan ko? s**t! Hindi ata 'to multo.   Kaagad kong binitawan ang kamay niya at umatras. Lagot! Totoong tao pala.   Hinarap niya ako at inikot-ikot ang kamay niyang hinawakan ko. Hindi ko naman binali ‘yon. Self-defense lang ang ginawa ko pero parang nasobrahan ata. Hindi naman din siyang mukhang nasaktan dahil sa ginawa ko.   Napalunok ako at akma ng aalis, hawak ko na ang door knob nang pigilan niya ang pinto sa pagbukas. Napatitig ako sa kanya at masasabi ko na ang amo ng mukha niya. Nagsimula ang tingin ko sa itim na itim niyang mga mata pababa sa matangos ang ilong at manipis niyang labi. May cleft chin din siya at ngayon lang ako nakakita ng ganitong ka-define na panga. Daig niya pa ang artista. Dahil sa yellowish light na galing sa table lamp nagagawa kong makita ang mukha niya.   Para siyang si Superman! Pero ‘yong tingin niya ay hindi para iligtas ako kundi parang kakainin niya ao ng buhay kapag wala akong ginawa.   Nag-iwas ako ng tingin at umatras pagilid. AnMas lalong sumama ang tingin siya sa'kin.   Siya kaya ang boss namin dito?! Lintik na kung gano'n. Bukas wala na akong trabaho. Tama si W. Hindi ako tatagal sa trabaho ko. Ano na lang ang gagawin ko kapag nagkataon?!   “Uulit ko, anong ginagawa mo dito?” bahagyang napatalon ako sa sobrang lamig ng boses niya.   “K-kinuha ko lang 'tong susi.” sabay pakita ng susi na naiwan ko.   Tinignan niya 'yon at muling bumalik ang tingin sa'kin. Nakakunot ang noo niya at masama pa rin ang tingin. Wala naman akong ginawang iba ah!   “Sige po. Mauna na ako…” bahagya pa akong tumango bilang pagpapaalam sa kanya at hinawakan ko ang door handle para buksan pero inunahan niya ulit ako at ni-lock 'yon.   Nanlalaking mata ko siyang tinignan. A loud smirked escape from his mouth. Humilig siya sa pinto habang naka-krus ang kamay.   “Bago ka lang dito?” mapanuri niyang sabi.   “O-opo.”   “So, hindi mo pa ako kilala?”   Umiling ako bilang sagot at yumuko.   “Saan mo natutunan 'yon?” dahil sa tanong niyang 'yon napaangat ako ng tingin sa kanya. Hawak ang balikat niya at ginalaw-galaw ang kamay na parang minamasahe.   “Ang alin?” inosente kong tanong.   “Iyong ginawa mo sa kamay ko?”   “Self-defense lang naman ang ginawa ko. Lahat may alam noon.”   “Pero hindi lahat marunong. You’re talented.”   Paano naman niya nasabi?   Napakamot ako sa ulo bago napalunok. “Dati kasi akong nag-aral ng taekwondo.” nahihiya kong sabi.   He pursed his lip in a tight line as he raised his eyebrows. “Anong belt mo?”   “Brown lang.” sabi ko sabay mahinang natawa.   Mabilis nagbago ang ekspresyon niya, naging seryoso ito sa hindi ko alam na kadahilanan. Parang mangangain siya ng buhay dahil sa tingin niya.   Ilang beses akong napalunok at nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko.   “Alam mo kung anong ayoko sa lahat?”   “H-huh?” nahihirapan kong sabi.   “Alam mo kung anong ayoko sa lahat?” pag-uulit niya.   Napaawang ang labi ko at marahang umiling. Hindi ko maalis ang tingin sa mga mata niya.   Umalis siya sa pagkakasandal sa pinto at humakbang papalapit. Napaatras naman ako. Sobrang lapit na naming dalawa na para bang may balak siya iba.   I shouldn’t think of that. Dapat mas isipin ko kung paano makakaalis dito… sa lalaking ‘to.   “Una, ayokong inuulit ang sinasabi ko.”   Humakbang siyang muli na ikinaatras ko pero tumama ang likod ko sa isang malamig na kahoy. Umatras pa ako kahit wala na akong maatrasan pa.   “Pangalawa, ayoko sa sinungaling.”   Flabbergasted, I swallowed hard but I felt like something was stuck on my throat.   Wala naman akong sinabi para ikagalit niya.   Hinabol niya ng tingin ang mata ko, ganun din ang ginawa ko. There’s something in his eyes that I just wanted to look but it were also scary. Kahit wala naman akong makita kundi ang madilim niyang mata.   “O-okay.” iyon lang ang lumabas sa bibig ko.   “I hate the fact the you look innocent when I have this guts that you’re not.” inis niya sabi pero sa palagay ko hindi siya naiinis sa akin kundi sa sarili niya. “What are you doing here?”   Mas nalito ako sa sinabi niya. Makapagsalita siya akala mo kilala niya ako. Nakaramdam ako ng pagkainis dahil doon.   Umayos ako sa pagkakasandal at nilabanan ang titig niya. “Walang akong alam sa sinasabi mo.” mariin kong sabi.   He narrowed his eyes and licked his lips. “Prove to me then.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD