Cresent's POV: "Pauwi na ako kaso nakita kitang mag-isa dito eh. Kaya sasamahan mo na kita." Nakangiting sabi nya sa akin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. S-Shemay! Nilalagnat na talaga ang mukha ko. (>>/// Wag kanang mautal pa Cresent. Halata ka na masyado. Ngumiti lang sya at hindi na nagsalita. Palihim kong tiningnan ang sketch pad ko. Buti nalang at hindi nya nakita. Sya kasi ang dinu-drawing ko. Ang gwapo-gwapo nya kasi. Kahit kanina sa library pagkakita ko sa kanya, crush ko na agad sya. "Hi Gray." Napaangat naman ako ng tingin ng may babae na nagsalita. Actually dalawa silang babaeng magkasama. "Hi." Balik bati sa kanila ni Gray. Kinilig naman sila ng ngumiti ito. "Yiiieeeh! Ang cute-cute mo talaga Gray." "Salamat." "Aalis na kami Gray. Ingat." "Kayo rin.

