Allison's POV: Nang makapasok ako ng bahay ay bahagya pa akong nagulat dahil nakita ko si Blake na nakaupo sa sofang pang-isahan na nakaharap sa pintuan at animo'y hinihintay ako. Diretso lang syang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. 'Yang mga matang yan Blake. Mas lalong tinutunaw ang puso ko. Tsk! "Anong gusto mong ulam Reyes?" Tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya. Hindi sya sumagot at titig na titig parin sya sa akin. Ano bang problema ng lalaking 'to? Dumiretso nalang ako sa kusina para magluto. Pero laking gulat ko ng may nakahain na mga pagkain. Kumpleto na lahat, may wine pa. "Anong meron?" Tanong ko at nilingon sya na sana hindi ko ginawa. O__O Ang lapit ng mukha nya sa akin. Hindi ko naramdaman ang paglapit nya. Bahagya pa syang yumuko para pumantay an

