Blake's POV: KINABUKASAN. Nagising ako at tumingin sa orasan, 7:08 am na. 9:00 am ang klasi namin ni Allison. Bumangon na ako, naligo at ginawa ang dapat gawin. Pagkatapos kung magbihis ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Nakita ko si Allison na naghahanda na ng breakfast namin. Habang tinitignan ko sya na naghahanda ay hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil nakikita ko kung gaano ako kaswerte dahil sya ang naging asawa ko. Sa sobrang saya ko ay lumapit ako sa kanya at niyakap sya mula sa likod. "Good morning beautiful." Bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi nya. Nagulat sya sa ginawa ko dahilan para mapaharap sya sa akin. Nginitian ko sya ng matamis. "Hmm morning. Kain na." Tinalikoran na nya ako at tinungo ang mesa. Akala ko mawawala na ang malamig nyang pakikitungo sa akin pa

