Chapter 22

875 Words

Allison's POV: Nandito ako ngayon sa isang sanga sa isang puno. Nakatingala sa langit at nagmumuni-muni. Nandito ako sa likod ng isang building ng campus. Para syang garden or garden talaga sya. Wala kasing tao na pumupunta dito kaya dito ako tumatambay. Maganda ang lugar, maraming puno, mga iba't-ibang kulay ng bulaklak, bermuda grass at higit sa lahat masarap ang simoy ng hangin. Nakakarelax. Ang paalam ko kay Faith ay pupunta ako ng CR pero ang totoo ay ayaw ko lang talagang sabayan sila. Lalo na si Blake. Hindi naman ako galit sa kanya kaya ako umiiwas sa kanya. Ang totoo ay umiiwas ako sa kanya ay dahil nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Ang daming tanong sa isip ko. Ang daming gumugulo sa puso't isip ko. Masyado nyang ginugulo. Magulo na dati ang buhay ko pero mas ginulo nya pa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD