Blangko ang ekspresyon ng mukha ni Allison at walang awang pinaghahampas ng baseball bat ang mga lalaki. Marami ring mga lalaki na naglabas ng mga balisong at sinugod sya at aakmang sasaksakin pero umiiwas sya at hinahampas ito ng baseball bat sa likod. Pinagsusuntok, sinisipa at hinahampas ng baseball bat ang mga lalaki. Ang mga lalaking sumusugod sa kanya ay nadadaplisan sya sa tagiliran, sa braso at sa iba't-ibang parte ng katawan nya Nasuntok rin sya sa mukha ng sabay-sabay na umatake ang mga lalaki sa kanya. Nakita rin namin kung paano na punit ang skirt uniform nya. Nahablot ng isang lalaki ang skirt nya at sasaksakin sana sya pero nakailag sya at napunta ang balisong sa skirt nya para mapunit ito at makita ang short na suot nya. Nang makaiwas sya tsaka nya ito tinuhod at sinipa s

