Blake's POV: Araw ngayon ng linggo, hanggang ngayon hindi pa rin sya nagigising. Alam kong natutulog lang sya at bumabawi ng lakas nya pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala sa kanya. Hangga't wala syang malay, mag-alala't-alala pa rin ako sa kanya. * Knock-knock * Pagkatapos ng dalawang katok ay may pumasok na tatlong babaeng nurse. "Good morning sir, iche-check lang po namin ang pasyente." Pagpapa-cute nyang sabi sa akin. Tinanguan ko lang sila bilang sagot. Umupo muna ako sa mahabang sofa habang tinitignan sila na cheni-check si Allison. "Ang gwapo nya talaga no? Hihihi." Impit na ani nong isang nurse. Hindi ko naman sila pinansin. "Oo nga eh. Alam nyo ba na casanova yan?" nurse 2. "Talaga?" Sabay-sabay na tanong nang dalawang nurse at tumango naman si nurse 2 bilang sago

