Chapter 4

1080 Words
 VACATION Allison's POV: Nakarating na rin kami dito sa South Korea. Haist! Gusto ko sanang maglibot kaso ayaw ako payagan ng husband ko. Sarcastic tone yan ha -__- Bukas na uwi namin. Ito na ang ika-3 days namin dito. At anong nangyari sa 2days na vacation? Ayon, WALA!! Wala akong napala kasi nakamukmok lang kami dito sa kwarto. Ayaw kasi lumabas ng gangster na ito. At ngayong last day na namin dito, pinipilit ko sya na pumayag na mamasyal ako. "Sige na Blake. Gusto kong mamasyal. Pleaseeee." Nag-puppy eyes pa ako para lang talaga pumayag sya. Nakakainis! Ito ang unang beses na nagmakaawa at nagpa-cute ako para lang payagan. Kung nakikita lang ako ng pamilya ko ngayon, for sure pinagtatawanan na ako non. I don't do this kind of s**t. "No. Tinatamad akong lumabas." Eh? Tinatamad sya? Ano naman connect non kung tinatamad sya? "Eh 'di dito ka lang. Kaya ko naman sarili ko eh. Sige na." Tangna! Pumayag ka na Blake, kundi ibibitay kita patiwari sa puno ng kamatis. "Hindi nga pwede. Paglumabas ka mag-isa baka mapaano ka pa. Tss." Napatigil ako sa sinabi nya. Eh? concern kaya sya sa akin? Hehe concern sya. Teka! Bakit parang ang saya ko naman ata sa naisip ko na baka concern nga sya sa akin? "Hey stupid girl. 'Wag kang assumera dyan. Ayaw ko lang na may mangyaring masama sayo kasi ako ang pagagalitan ni tanda pagmay-nangyaring masama sa daugther-in-law nya. Tsk!" Napairap nalang ako sa sinabi nya. Akala ko concern na talaga sya sa akin. Hindi naman pala. "Ano ka ba Blake. Daddy mo 'yon tapos tinatawag mo lang na tanda." Ang bastos talaga nitong si Blake. Pero hindi ko muna sya aawayin baka hindi ako payagan lumabas. "Sige na Blake. Kahit na sandali lang." And after 800 years napapayag ko na rin sya. Haha sa wakas! Makakapasyal na din ako. "Hey stupid girl, bumalik ka dito by 6 pm. May naka-reserve na dinner sa atin mamaya." Sabi nya habang nakahiga parin sa kama. Ang tamad nito. "Don't call me stupid cause I'm not. And okay I'll be back before 6 pm. Bye hubby." Paalam ko sa kanya sabay flying kiss. Haha sarap nya ring inisin, kasi nakita ko ang mukha nya na nainis sya. Okay. Mamasyal na ako. Tiningnan ko ang wrist watch ko and it's already 3 pm. So may 3 hours pa ako para mamasyal. Una kong pupuntahan ang Nami Island or Chuncheon. Balita ko maganda daw don. Tamang tama may cherry blossom doon. Sumakay na ako ng bus papunta doon. Ilang minuto lang at nandito na ako. Ang ganda talaga ng cherry blossom. Mas maganda sya sa personal kaysa sa picture lang. Kaya ayon nag-picture picture lang ako at naglakad-lakad sa ilalim ng puno. Ilang minuto din akong naglibot-libot. Pagkatapos kong magsawa sa kalilibot ay umalis na ako. Next destination ko naman ay sa The Garden of Moring Calm. Pagkadating ko doon. Napanganga nalang ako sa sobrang ganda.  Ang sabi nila na-inspired daw sila sa tinatawag nilang Garden of Eden kaya ginawa nila ito. Halo-halo 'yong mga roses dito. Para talaga syang Garden of Eden sa sobrang ganda ( *o* ) Naglibot-libot lang ako sa Garden. Sana magkaroon din ako ng Garden na ganito sa sarili kong bahay. Ilang minuto akong naglibot-libot. Ang ganda kasi talaga ng lugar. Hindi nakakasawa. Kung pwede lang iuwi ang lugar na 'to, iuuwi ko talaga 'to. Umupo muna ako sa isa sa mga bench dito sa garden. Napagod din ako. Wew. Pagtingin ko sa wrist watch ko. 5:15 pm na? Dalawang lugar palang 'yong napupuntahan ko. Ang bilis naman ng oras. Haist! Makauwi na nga lang, baka pagalitan pa ako nong isa pagna-late ako ng uwi. Habang naglalakad ako sa isang daan na walang katao-tao. May naramdaman akong may sumusunod sa akin. Lumingon ako pero wala naman. Tiningnan ko ang wrist watch ko. s**t! 5:30 na. Kailangan ko ng magmadaling umuwi. Habang naglalakad ako nararamdaman ko talaga na may sumusunod sa akin. Nahagip naman ng mata ko na may lalaking sumusunod sa akin. Kaya nagmadali akong lumakad at nagtago sa isang puno. Hindi naman nya napansin na nakatago ako sa puno kasi nakayuko sya habang naglalakad. Nung nakikita ko na ang likod nya ay agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at tinutok ko ang baril sa ulo nya. Agad naman syang humarap  sa akin ng mapansin nya na nasa likod na nya ako. "Nuga dangsin-eul jumun."  [Who ordered you?] Blankong ekspresyon kong tanong sa kanya. "Mu." [None] Sagot nya. Nakita ko naman na bubunot na sana sya ng baril. But I'm too fast than him so I pull the trigger. * BANG * Tsk! Walang kwenta. Napatingin ako sa relo na nasa kamay ko. Napamura ako ng malutong ng makita kong lagpas alas-sais na ng gabi. "s**t!" It's already 6:15 pm. Nagmamadali agad akong sumakay ng bus papunta sa hotel. *** Blake's POV: P*tcha talaga 'yang babaeng 'yan! Anong oras na? 7 pm na wala pa rin sya! Kanina ko pa tinatawagan. Cannot be reach pa rin. Asan na ba ang babaeng 'yon? Hindi ako nag-aalala sa kanya. Gaya nga ng sabi ko kanina na ayaw ko lang na mapahamak sya kasi pagagalitan ako ni tanda. Tsk! 7:15 pm na wala pa rin sya. Kukuha na sana ako ng jacket para hanapin sya ng biglang bumukas ang pinto... "Sorry Blake kung ngayon lang ako. Naaliw kasi ako sa pamamasyal- -" Hindi ko na sya pinatapos at sinigawan ko sya. "SANA MAN LANG NAG-TEXT KA PARA HINDI NA AKO NAG-AALALA. ALAM MO BA KANINA PA AKO HINDI MAPAKALI KASI INIISIP KO KUNG ANO NG NANGYARI SAYO- - -" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang nya akong niyakap. "I'm sorry." Paghingi nya ng paumanhin na puno ng sensiredad. Natameme ako sa sobrang gulat ng ginawa nya. *** Allison's POV: Damn! Galit na naman sya. Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ay bigla nalang nya akong sinigawan. "SANA MAN LANG NAG-TEXT KA PARA HINDI NA AKO NAG-AALALA. ALAM MO BA KANINA PA AKO HINDI MAPAKALI KASI INIISIP KO KUNG ANO NG NANGYARI SAYO- - -" Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon. Basta ang gusto ko lang ay yakapin sya para hindi na sya mag-alala at magalit sa akin. "I'm sorry." Sincere kong sabi sa kanya. Kasalanan ko rin naman kasi kung bakit sya nagalit. Pasaway kasi 'yong lalaking sumusunod sa akin eh. Kaya ayan tuloy, natagalan ako ng uwi. Humiwalay agad sya sa pagkakayakap sa akin at lumakad papunta sa pintuan. "Magbihis kana may dinner pa tayo." Sabi nya ng nakatalikod sa akin at lumabas na sya ng kwarto. Haist! Di na kaya sya galit sa akin? DUBDUBDUBDUB Ayan na naman si heart! Hindi ko nalang pinansin ang puso ko. Pumasok nalang ako sa banyo para mag-shower at magbihis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD