Chapter 3

959 Words
ALLISON "You may now kiss the bride,” anunsyo ng paring nagkasal sa amin sa amin ni Blake. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na ako sa lalaking hindi ko kilala at mas lalong hindi ko mahal. Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kahapon lang ay hinila ako nito at pinakilalang girlfriend sa daddy nito at ngayon, I am officially a Mrs. Reyes. Nakaharap ako sa kanya ngayon. Tinataas na niya ang belo na nakaharang sa mukha ko at nakita ko siyang nakangisi. Baka totohanin na niya 'yong sinabi niya nong isang linggo. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Giving him a warning look, pero ang loko, hindi nagpatinag. "Kiss… Kiss na…" Ano ba naman 'yan? Sila kaya ang mag-kiss dito, baka gusto nila. Tss! Ito namang si oh-so-husband ko nakangisi pa rin. Nakakainis ang mukha niya—nanlaki ang mga mata ko dahil bigla niya akong hinalikan sa labi. He stole my first kiss. My husband stole it. Well, he is my husband, he can do it, but still… that was my first kiss kahit pa smack lang ‘yon. At saka wala talaga ito sa usapan namin. Ang usapan namin ay magpapanggap lang at walang kasamang halikan. Damn this man! NANDITO na kami sa private plane ng pamilya niya. Papunta kami ng South Korea ngayon. Wedding gift ng daddy niya sa amin mag-asawa. Pagkatapos namin sa reception ay dumiretso na kami sa airport dahil babyahe pa kami for our honeymoon daw. As if naman na papayag ako. Tama nang pinalampas ko ang paghalik niya kanina, pero kapag ginalaw talaga niya ako ay hindi ako magdadalawang-isip na bugbugin siya. Magkatabi kami ngayong nakaupo. Nakapikit ang mga mata niya at may headset ang tenga nito. Baka naman nakatulog na. Nakakapagod din pala ang ikasal. Matutulog na sana ako ng bigla siyang magsalita. "Lilinawin ko lang sa ‘yo ang lahat, Allison. Pinakasalan lang kita dahil makukuha ko ang mga pinamana ng mommy ko sa akin pagnagpakasal na ako. Mag-asawa lang tayo sa papel, hindi natin mahal ang isa't-isa. Kaya walang pakialaman kung ano ang gagawin ng isa. Naiintindihan mo?" seryosong sabi niya sa akin. Lihim akong napahawak sa dibdib ko. Bakit parang nasaktan ako ng sinabi nya? "Okay,” walang emosyon kong sagot sa kanya. Parang biglang nandilim ang paningin ko sa kanya. I want his blood to run into my hand. I want to shoot him. Right in his head, right now. I want to kill him right here, right now. I was about to get the gun in my pocket when… "s**t!" Nabalik ako sa diwa ko ng mag-vibrate ang phone ko. Damn it! Muntikan na. Nagalit na naman ako. "Anong sabi mo?" kunot-noo niyang tanong sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya. "H-Ha? Ahh, wala. Excuse me." Tumayo na ako at pumunta ng powder room. BLAKE FIRE REYES "Okay.” Yon lang ang narinig kong sagot niya sa hinab-haba ng mga sinabi ko. Bahagya akong nakahinga nang maluwag dahil mukhang hindi ako mahihirapan sa kanya. Ayoko kasing may taong makikialam sa akin. Hindi porque mag-asawa na kami ay pwede na niyang pakialam ang buhay ko. Tinignan ko siya ulit kung natutulog na siya pero nagulat ako nang nakatingin siya sa akin nang masama, pero hindi ko pinahalata. Hindi lang masama ang tingin niya kung hindi parang gusto niya akong patayin. Gangster ako at marami na akong mga nakalaban sa underground battle pero iba 'yong tingin niya. Na kahit sinong matapang na tao ang makakita sa mga mata niya ngayon ay talagang matatakot. 'Yong mga mata na gustong-gusto nang pumatay ng tao. Bigla na lang tumaas ang mga balahibo ko sa takot, pero syempre hindi ko pinahalata.. Nagulat ako ng marinig ko siyang magmura. Kung tama nga ang narinig ko. Nagmumura na ba ngayon ang mga anghel? Tss. Yeah, I admit that she's an angel. Ang amo kasi ng mukha niya at palaging nakangiti kaya siguro baby face pa rin ang mukha nito. Napailing na lang ako. Hindi ko alam na marunong na pala magmura ang mga anghel ngayon. Tinanong ko siya kung ano ang sinabi niya pero nagpaalam lang siya na umalis. Anong nangyayari sa babaeng ‘yon? Weird. Napailing ako. Pakialam ko naman sa kanya. Muli ko na lang inilagay ang headset sa tenga ko saka matutulog. Wala na akong pakialam sa babaeng ‘yon. ALLISON DAMN it! Damn it! Muntikan na 'yon ah. Muntikan ko na siyang mapatay. Ano ba yan! Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Napatingin naman ako sa phone ko na kanina pa nagba-vibrate. Napalunok ako nang mariin nang mabasa ko ang pangalan ni Lelouch sa screen ng cellphone ko. Ito na, tumatawag na talaga siya. Hindi pa naman ako sanay magsinungaling sa kanya. Bahala na si Anpanman! Humugot ako ng isang malalim na hininga bago sinagot ang tawag niya. "Hello, Lelouch?" "Where are you?" "I'm going to South Korea. Why?" "What are you going to do there?" "Ahm, shopping?" "Is that an answer or a question?" Fck! Nahuli na niya akong nagsisinungaling sa kanya. This can't be good. Napakamot ako sa batok saka napatingin sa taas. Nagbabakasakali na makahanap ng sagot sa kisame ng airplane na sinasakyan ko ngayon. "Ahh… Lelouch kasi ang totoo niyan—" "(Boss—) Don't you know how to knock Blood?" galit na tanong ni Lelouch at nakarinig na lang siya nang putok ng baril. Nakahinga ako nang maluwag ng maputol ang tawag. Buti na lang at dumating si Blood. Magpapasalamat na lang ako sa kanya pag-uwi ko. Bumalik na ako sa upuan ko at nakita ko si Blake na tulog na. Umupo na lang din ako sa katabing upuan niya at natulog. Masyadong mahaba ang araw na ito para sa akin. I need to rest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD