Chapter 2

1627 Words
Allison Nandito ako ngayon sa isang hotel. Yeah! Hindi ako umuwi sa amin. Ang pagkakaalam ni Lelouch ay nasa Japan pa rin ako ngayon. Ayoko ko muna sabihin sa kanya na nakauwi na ako dito sa Pilipinas. Ayoko pa kasi malaman ni Lelouch na ikakasal na ako. Isa 'yon sa mga pino-problema ko ngayon, kung papaano ko sasabihin sa kanya. Nakaharap ako sa isang salamin na kung saan kita ang whole body ko. Naka-dress ako ng baby blue color above the knee. A 3 inch high heels. Light make up then light red lipstick lang din ang nilagay ko. Kinuha ko ang sling bag at nilagay ang baril ko. I always bring gun whenever or wherever I go, in case of emergency. May secret pocket ang lahat ng bag na gamit ko, pinalagyan ni Lelouch para do’n ilagay ang baril. Pumunta na ako sa parking lot at sumakay na sa motor bike ko. Motor bike ang gamit ko, mas madali kasi akong makakarating sa mga pupuntahan ko. Naka-short short naman ako kaya okay lang sa akin. Sanay na ako na ganito, minsan nga naka-mini skirt ako kung nagda-drive ng motor. Gusto sana ni Blake na sunduin ako pero hindi ako pumayag. At isa pa hindi ako sanay na may sumusundo sa akin. Naalala ko na naman 'yong nangyari kahapon sa Japan. "Bakit mo sinabi sa daddy mo 'yon? Na girlfriend mo ako? Ni hindi nga tayo magkakilala, eh, girlfriend pa kaya. Adik ka ba o sadyang naka-drugs ka? Sa itsura mo... hmm all black?" Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo. "Hindi nga nagkakalayong adik ka,” maangas na sabi ko sa kanya. Nandito na kami ngayon sa hotel na tinutuluyan ko. Gaya nga nang sinabi nito kanina ay hinatid niya ako hanggang sa harap ng suit na tinutuluyan ko. Takot ata itong takasan ko. Pumasok lang naman siya kahit hindi ko siya inaya at naupo sa sofa kahit hindi ko sinabi. At home na at home siya sa suit na tinutuluyan ko. Bigla naman siyang tumayo, lumapit sa akin. Hinawakan ang dalawa kong kamay at isinandal ako sa pader. Ang dalawang kamay ko ay nakataas na parang sumusuko. Ang higpit ng kapit niya sa mga kamay ko. And now I am trap. Napalunok ako nang mariin dahil ang lapit pa ng mukha niya sa akin. Kaya ko namang lumaban, eh, pero bakit hindi ko magawa? Muli na namang naging abnormal ang heartbeat ko. Muli na naman kasi itong bumilis. Inilapit pa niya ang mukha niya sa tenga ko. "Just pretend to be my wife and after I get what I want we can already divorce. Got it?" Shit! Napamura na lang tuloy ako ng wala sa oras. Feel ko ang hininga niya sa balat ko. Para tuloy akong nakuryente. Tumindig ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya. "O-Okay, fine. Now let me go." Damn it! Nauutal ulit ako. Hindi din naman siya nagtagal dahil nagpaalam din ito pagkatapos nang pag-uusap namin. Pero bago ito tuluyang umalis ay kinuha muna nito ang phone number ko. Ang weird niya. A very weird man. Tss! NAIINIS pa rin ako pagnaalala ko 'yon. Naiinis ako kay Blake Fire Reyes na ‘yon! Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko na namalayan na nandito na pala ako sa tapat ng bahay nila Blake. Ito na nga ang bahay nila. Nandito pa lang ako sa labas ng gate nila ay rinig ko na ang tugtugan sa loob. Malaki naman ang bahay nila. Mas malaki nga lang ang bahay namin. Maraming flowers and bushes ang paligid ng bahay nila. Ang ganda tuloy tingnan ng bahay, may buhay. Bago pa ako umuwi ng Pilipinas ay may inutusan ako para ipa-background check si Blake. At nalaman ko isa pala siyang gangster. Leader ng DarkBlood, King ang tawag sa kanya sa underground. Pinakakatakotan ang gang niya sa underground dahil natalo nila ang naghahari na gang sa underground battle. Hindi lang 'yon. The worst is he is a Casanova. I can't believe I'm going to marry a Casanova. Hmm nang nalaman ko ang mga impormasyon na 'yon ay parang nagka-interest tuloy ako sa kanya. His a gangster and I'm a mafia boss. Hmm interesting… Kinuha ko ang phone ko sa pocket ko ng mag-vibrate ito. And oh speaking of the devil. Siya lang naman ang tumatawag. Nilagay kong pangalan sa kanyang phone number ay Devil. "Hello," energetic kong sagot sa tawag nya. "Where the hell are you? You are already late!” Nailayo ko kaagad ang phone sa tenga ko. Bigla ba naman kasi itong sumigaw. "Wag ka na nga magalit. Hindi pa ako late dahil hindi pa naman kayo nag-uumpisa. Sinabi mong seven in the evening mag-i-start ang dinner at six-thirty pa lang po para malaman mo. At saka nandito na ako sa labas pero—" Tingnan mo to ang bastos. Binabaan ba naman ako ng tawag. Tsk! Bigla nalang bumukas ang gate at nakakita ako ng isang gwapong anghel. Naka-formal attire siya. In fairness hindi sya naka-all black. Naka-white tuxedo, black pants at black shoes ang suot niya. Kaso hindi pala... Isang Devil na may maitim na aura ang nakapulupot sa paligid niya. "Bakit ba ang tagal mo!?" sigaw niya sa akin. Tingnan niyo hindi talaga siya angel. "Eh kasi—" Hay nako! Ang bastos talaga, hindi pa nga ako tapos magsalita hinila na agad ako. Napatingin ako sa kamay kong hinawakan niya. Lihim akong napahawak sa dibdib ko. Bakit ba nararamdaman ko na naman ito? Wag kang maingay baka marinig ka niya. Nakakahiya pa naman. Pagkausap ko sa sarili ko. Pagkapasok namin sa bahay nila ay namangha ako. In fairness ang ganda ng bahay nila. ang sarap sa pakiramdam ng kulay ng bahay nila. 'Yong bahay kasi namin black and silver ang kulay. Katulad ng kulay ng bahay namin ang buhay namin. Masyadong madilim. 'Yong mga gamit nila, halatang mamahalin, may pangalawang floor ang bahay nila. Wala akong masabi sa ganda ng bahay. Pagkarating namin sa garden ay bumungad sa akin ang isang garden na puno ng iba't-ibang bulaklak. May mga tables din, mga upuan at may mini stage din. Hindi naman marami ang mga bisita. Pamilya niya lang at mga kamag-anak ang nandito. Gusto rin kasi ng pamilya niya na kamag-anak lang daw ang makakaalam. Pinakiusapan ko na lang din si tito Fire—ang daddy ni Blake—na 'yong simpleng kasal lang. Mabuti na lang at pumayag siya. Ayoko kasi na makarating kay Lelouch o kahit na sa sinong myembro ng pamilya Santillan ang magaganap. Ang tinuturing kong pamilya Santillan ay ang membro ng mafia group na pinamumunuan namin ni Lelouch. Pamilya na ang turing ko sa kanila. Bata pa lang kami ay magkakasama na kami. Ni isa sa kanila walang nakakaalam na ikakasal na ako. Lagot talaga ako nito kay Lelouch pagnagkataon. "Oh, pinsan, siya na ba ang soon-to-be-wife mo?" tanong ng isang gwapong lalaki. Matangkad siya at maputi. Mukha siyang anghel. Eh, itong soon-to-be-husband ko? Mukhang pinsan ng demonyo. "Yeah," walang gana niyang sagot dito. Kailangan kaya magkakabuhay ang isang ‘to? Pansin ko kasi ay para siyang palaging walang gana. "Hi. Ako nga pala si Phole Reyes. Blake is my Cousin. And you are?" tanong niya sabay lahad ng kamay niya para makipag-shake hands. "Allison. Allison Faye Santillan," nakangiting sabi ko sabay lahad ng kamay ko. Bahagya naman akong nabigla nang hinalikan niya ang kamay ko sabay kindat. Lihim akong natawa dahil ang landi niya. "What a gorgeous name to a gorgeous lady like you and nice to meet you." And he smile sweetly. Ang landi talaga niya. Well I know he's a Casanova, too dahil hindi lang naman si Blake ang pinaimbestiga ko kung hindi pati ang buo niyang pamilya. "Well, thank you, handsome." And I smiled to him. A killer one. Nakita ko na nagulat siya sa ginawa ko pero agad din naman niyang binawi. Akala niya siya lang marunong, ako din, no. "Couz, she's my girl, so back off." Agad namang singit ni Blake. "Okay, okay. Chillax man." Tinaas pa nito ang kamay niya na parang animo'y sumusuko. "Oh, nandito na pala kayo." Napalingon kaming lahat sa nagsalitang si Tito Fire. He's wearing a black tuxedo. He look handsome at matipuno pa rin ang katawan kahit na may edad na siya. Kumain muna kami at nagkwentuhan. Nakilala ko ang kambal ni Blake na si Blaze. Ang cute niya at saka energetic si Blaze hindi katulad ng kapatid niya, parang lantang gulay, walang kabuhay-buhay. Magkakasundo talaga kami nito. Kinuwento ko na rin sa kanila na patay na ang pamilya ko at kami na lang ni Lelouch ang natira. Pero ang sinabi ko sa kanila ay namatay ang parents ko dahil sa isang car accident. "Ladies and gentlemen." Napatingin kami sa mini stage kung saan nagsasalita si Tito Fire. "Thank you for coming tonight. Nandito tayo dahil sa engagement para sa anak kong si Blake at ang soon-to-be-wife niya, si Allison Faye Santillan." Kinuha naman ni Blake ang kamay ko at pumunta kami sa mini stage. Nakaalalay siya habang papaakyat kami. Nakangiti akong nakatingin sa mga bisita. Pinalabas kasi ni Blake na in love daw kami sa isa't-isa kaya naman ang mga bisita namin ay kinikilig naman. Perfect couple daw kasi kami. Perfect for each other, I guess. "Kiss, kiss, kiss…" sigaw ng mga tao na ikinagulat ko. Naghihiyawan ang mga ito habang pinapatunog ang mga hawak nitong wine glass. Nabigla naman ako nang hinawakan niya ang bewang ko at ang isa niyang kamay ay nasa batok ko. Palapit na ang mukha niya and he smirk. Teka, wala ito sa usapin namin, itong halik na ‘to. Nabigla ako kasi hinalikan niya ako sa pisngi na malapit sa lips ko. "Don't worry. I'll kiss you tomorrow in your kissable lips." Kumindat ito na ikinatulala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD