Chapter 2

1047 Words
PENELOPE ELEANOR "So, pinatawag ka rito dahil humingi sila ng permiso na isama ka upang makapaghanda sa pagpunta sa mansion." Nabaling ang tingin ko sa principal. Tumahimik ako ng ilang minuto. Kung hindi ako sasama sa kanila ay baka kung anong mangyari sa 'kin, pero ayaw ko rin namang sumama sa mga tao na hindi ko naman kilala. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Ito na yata ang tinatawag na sitwasyon kung saan naipit ako at kahit alin man ang piliin ko ay ako ang dehado. Bumuntong hininga ako ng malalim. Wala na naman kamag-anak na tatanggap sa 'kin. Balewala kung mag-iisip pa ko at pipiliin ang gusto ko. Tumingin ako sa dalawang lalake at isang tango ang binigay ko sa kanila. "Okay, fine. Sasama ako sa inyo." Sumilay ang ngiti sa kanilang labi nang marinig nila ang sinabi ko. "Thank you. Halika at sumama ka sa amin." Tumingin ang isa sa kanila sa direksyon ng principal at yumuko rin dito. "Thank you so much." Pagkatapos nilang makapag-paalam sa principal ay lumabas na agad kami ng principal office. Nakalabas na kami ng school nang maalala ko na hindi man lang ako nakapag-paalam sa kaibigan sa kaibigan ko. Dito pa rin naman yata ako mag-aaral kaya sigurado akong makikita ko pa rin naman siya. Sumakay kami sa kulay itim ng kotse. Mukha itong mamahalin, pero hindi ko mas'yadong napansin ang tatak nito dahil wala ako sa modo para tumingin pa sa paligid ko. Tahimik lamang ang buong biyahe. Ang isang lalake ang nagmamaneho at ang isa naman ay nasa tabi nito. Hindi na ko nag-abalang tumingin sa bintana ng kotse dahil pakiramdam ko, kapag ginawa ko 'yon ay may mga taong dumukot sa akin at nasa peligro ang buhay ko. Naalala ko sina Mom and Dad. Talaga bang sa simula pa lang ay balak nila kong ipakasal sa taong hindi ko kilala? Hindi ko maintindihan. . . Pero mas lalo kong hindi maintindihan ay kung bakit pinakasal nila ko sa taong kasing edad lang ni Dad. Sarili kong pamilya, pero parang hindi ko na sila kilala. "Mom, Dad. . . you did this for my own good, right?" Tumulo ang luha sa mga mata ko nang mabigkas ko ang mga katagang kanina pa umiikot sa isipan ko. Nagbalik lang sa realidad ang utak ko nang tuluyan ng huminto ang sinasakyan naming kotse. Unang bumaba 'yong lalake na nakasakay sa passenger seat. Pagkatapos ay pinagbuksan niya ko ng pinto. Pagkababa ko ng sasakyan ay bumungad sa akin ang isang napakalaking gate. Tiyak na hindi mapapasukan ng magnanakaw ang lugar nila dahil sa taas ng gate. Pagkatapat namin sa pinto ay awtomatikong bumukas ang pinto para sa amin. "Dahil unang araw na pagpunta mo rito ay lalakarin muna na 'tin mula rito hanggang sa mansion para makapagmasid ka sa paligid." Tumango na lang ako dalawang lalake na kasama ko. Nagsimula na kaming maglakad ng isa, at ang isa namang lalake ay naiwan dahil siya ang magpapasok ng sasakyan papuntang mansion. Konti pa lang ang nalalakad namin, pero labis na ang pagkamangha ko sa mga nakikita ko sa paligid. Isang napakalawak na hardin ang nasa magkabilang gilid namin. Mula sa hindi kalayuan ay nakakita ako ng isang maliit na pond. Sobrang yaman siguro ng may-ari ng bahay na 'to. "P'wede ko bang malaman kung nasaan ngayon ang may-ari ng bahay? Siguro naman ay naghihintay siya ngayon sa akin sa mansion dahil pinasundo na niya ko, hindi ba?" Napasimanot ako nang makarinig ako ng mahinang pagtawa. Napa-poker face tuloy ako, pero hindi na ko magugulat kung natatawa siya ngayon. Sino ba naman ang babaeng nakatakdang ikasal sa lalakeng parang tatay na rin niya? Pakiramdam ko talaga ay iniisip lang nina Mom and Dad ang kapakanan ko. Siguro ay iniisip nila na walang magkakagusto sa kagaya kong nerd at hindi marunong mag-ayos ng sarili. Kaya siguro naisipan na lang nila kong ipakasal sa matanda. Para malasin man ako sa love life ay tiyak na hindi ako makakaranas ng hirap. Napailing na lang ako sa naisip ko. "Paumanhin, madam ngunit ang amin pong master ay wala po ngayon dito sa mansion. Darating po siya mamaya pa pong hapon." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig. "Huh? Niloloko mo ba ko o 'yang amo mo ang nangloloko ngayon sa 'kin? Alam mo bang ngayon lang ako lumiban sa klase sa buong buhay ko? Pagkatapos ay ganyan ang sasabihin mo? Dapat pala ay pinag-aral n'yo muna ako." Bumuntong hininga ako ng malalim. Hindi ko gustong magalit sa mga oras na 'to hangga't hindi ko pa nakakausap ang lalake na tinutukoy sa papel. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa aking paglalakad. Ilang minuto pa ang lumipas bago namin narating sa wakas ang pinto ng tinatawag nilang mansion. Sinalubong kami ng sobrang daming katulong. Lahat sila ay nakahilera at nakayuko. "Maligayang pagdating sa mansion, Madam Penelope." Napangiwi ako ng banggitin nila ang pangalan ko. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong nawawalang anak ng pinakamayamang lalake sa mundo. Pumasok kami sa loob at mas lalong nanlaki ang mata ko sa nakita. Nagkikislapan ang lahat ng mga bagay sa paligid. Upuan, hagdan at ultimo sahig ay kulay ginto. Tama kaya ang lugar na napuntahan ko? Hindi kaya ito mansion ng isang hari sa ibang bansa? Umiling-iling ulit ako at bumuntong hininga ng malalim. Hindi dapat ako magpasidak sa mga bagay na nakikita ko. "Madam, dito po ang inyong magiging kuwarto." Naunang naglakad sa akin ang isang katulong na sa tiyansa ko ay kasing edad lang ng lalakeng pakakasalan ko. Naglakad kami patungo sa second floor at huminto sa pinakadulo ng hallway. Ang kasama ko ng katulong ang nagbukas ng pinto para sa akin. Pagkapasok ko sa loob ay amoy ko na ang isang mabangong bulaklak na ginamit para sa kuwarto ko. "Dito na muna po kayo hangga't wala pa ang aming Master." Yumuko ulit sa akin 'yong katulong bago niya ko tuluyang iniwan. Gusto ko sana magtanong sa kanya, pero minabuti ko na magtanong na lang kapag nandito na ang lalake na hinihintay ko. Umupo ako sa napakalaki at malambot na kama. Pinagdikit ko ang aking dalawang kamay at pinakiramdaman ang aking sarili. Makakaya ko kayang mamuhay sa napakalaking mansion na 'to? Hindi pa ko nagtatagal ay parang hindi na ko makahinga. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD