CHAPTER 20

1430 Words
                 ORAS, araw, linggo, buwan, at mga taon ang lumipas. Dumating ang pasko at bagong taon na wala sa piling ko ang aking anak. Sobra na ang pangungulilang nararamdaman ko sa kanya. “Ayon sa mga findings mo, okay ka na,” masaya balita ni Doc. Sebastian, siya ang doctor na humawak sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang mapahagulgol ng iyak, sobra kong hinintay ang oras na ito. Gustong-gusto ko na makita’t makasama ang aking anak. Bandang hapon, maayos na ang lahat. Habang hawak ang nakaimpakeng gamit, muli kong nasilayan ang ganda at pagkakaroon ng muling pag-asa mula sa labas ng madilim kong mundo. Muli ko na muna tinignan ang mental hospital bago tuluyang lumisan sa lugar na iyon. *****                    May mga tao sa bahay, tila nagkakaroon ng kasiyahan sa loob. Akmang papasok na ako ng bahay noong biglang mahagip ng aking mata si Tyler na masayang nakayakap ngayon kay Grace habang may hawak na sanggol. Hindi pa man ako tuluyang nakalalapit, nagtama ang aming mata ni Martin ngunit walang anumang reaksyon silang ipinaramdam. Lumapit ito sa direksyon ko at marahas na hinila palabas. “Bakit ka pa bumalik?” malamig nitong tanong. “Kukuhanin ko na ang anak ko!” pagpupumilit ko at paulit-ulit sinubukang pumasok ngunit patanggi akong pinipigilan nito. Kaunti na lang ang distansiya ko sa aking anak, malapit ko na siyang mayakap. “Masaya na kami kaya huwag ka na manggulo pa!” Sa lakas ng pagkakasigaw ni Martin ay nakatawag ng pansin sa labas. Lumabas si Grace at bakas sa mukha niya ang labis na pagkagulat. Sino nga naman ang hindi masusurpresa, ang tinuring ko matalik na kaibigan ay siyang kalunya ng aking asawa. “Paano niyo ito nagagawa sa harap ng anak ko? Tinuring kitang kaibigan tapos nandito ka para ahasin si Martin at agawin ang anak ko? Wala kayong kwenta! Hindi ako aalis hangga’t hindi ko kasama si Tyler!” Animo’y mga bingi at walang narinig. Tinawag nila ang mga guwardiya para ipakaladkad ako paalis ng village.  Bago nila ako tuluyang ilayo, lumabas si Tyler at nakatingin lamang siya sa akin bago muling pumasok sa loob. Tama ang balita, hindi na niya ako kilala, ang anghel ko ay tuluyan na niya ako nakalimutan. Dahil wala akong matuluyan, sinubukan kong puntahan si Georgia. Sa pagkabukas ng pinto, halos mapatalon siya na makita ako. Sa kanya ko inilabas ang lahat ng sakit. Wala na akong iba pang malalapitan, siya na lang at si Mariel na ngayon ay nasa ibang bansa na. “Huminahon ka na muna,” pagpapakalma niya sa akin. Hinayaan niya akong manuluyan sa kanilang bahay na mag-asawa hangga’t wala pa akong naiisip na puntahan. Kailangan ko makuha ang aking anak at lumayo na rito ngunit natatakot akong muli siyang masaktan dahil sa akin. Sa kalagitnaan ng gabi, sadyang hindi ako makaramdam ng antok kaya naman naisipan ko na munang lumabas. Sa mga oras na iyon parang gusto ko na lang ulit pumasok sa kuwarto dahil sa aking mga narinig. “Nandito siya ngayon,” “Are you insane? Hindi ko kayang gawin’yan,” “Mag iingat kayo,” “Don’t worry, ako na bahala sa kanya,” “Ilayo mo si Tyler,” Akala ko si Georgia ang tanging tao na maaaring pagkatiwalaan pero tulad ni Grace, nandito siya para manlinlang at sasaksakin ako patalikod. Pumunta na akong kuwarto para mag-ayos ng gamit.   Sumikat ang araw, masaya ang naging bati sa akin ni Georgia na animo’y halimaw na nagtatago sa maskara. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa kanila para ganituhin ako. Binigyan ko siya ng isang pekeng ngiti. “So, anong plano mo?” tanong niya habang kumukuha ng kanin. “Gusto ko silang isa-isahin,” Halos magkalat ang kanin sa lapag dahil sa nahulog na sandok ni Georgia. Mukhang hindi rin siya mapanatag na nandito ako sa loob ng pamamahay niya. “Ang sabi sa pamanhiin, kapag daw may nahuhulog na bigas ay may taong mahalaga sa’yo na gusto kang pabagsakin,” dagdag ko pa at binigyan siya ng isang ngiti. “Tayo lang naman nandito at hindi ko iyon magagawa sa’yo, alam kong hindi mo rin magagawa ‘yon hindi ba?” Mukhang napilitan lang din siya tumango sa akin. Sabay kami kumain ngunit ang isip ko, hindi pa rin matatahimik na makasama ang ganitong klase na tao. Matagal akong nawala, marami na rin ang nagbago. Sa lahat ng iyon, isa lang ang hindi masagot sa isipan ko, bakit hindi nila ako naintindihan at kailangan pang pagkaisahan? Ang hawak na sanggol ni Grace ay ang batang bunga ng ginawa nila ni Martin. Isa na rin siyang ina kaya’t alam nito ang dapat kong maramdaman kung gaano kasakit mawala si Tyler. Wala na akong pakielam pa sa kanila. Noong umalis na si Georgia para pumasok ng trabaho, umalis na rin ako para puntahan ang aking anak. Tatlong taon akong nakulong sa madilim na mundo. Mula sa malayo, pinagmamasdan ko siyang naglalaro sa garden. Ang laki na nga ng ipinagbago niya at parang ibang tao na. Ang nilalaro niyang bola ay aksidenteng tumalon papuntang kabilang bakod kung kaya’t kailangan niya lumabas. Halos mawala ako sa sarili habang palapit siya at nagtama ang aming mga mata. “T-tyler,” tawag ko sa kanya. “Sino po kayo?” magalang nitong tanong. Kahit nakalimot na ang isip niya sa akin, nasa isip pa rin nito ang turo kong maging magalang sa ibang tao. Noong lumapit ako para yakapin siya, biglang dumating ang sasakyan ni Martin at pilit inalis sa bisig ko ang aking anak. “At bumalik ka pa! Gusto mo bang makulong talaga?” Halos mapaluhod na ako sa harap niya para magmakaawang huwag ilayo ang aking anak. “Pakiusap, Tyler ako ito ang mama mo. Naniniwala akong isip mo lang ang nakalimot pero hindi ang puso mo,” Dumating ang mga katulong para dalhin papasok sa loob ng bahay si Tyler at halos kalampagin ko na ang gate ng bahay. *****                        Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Patuloy lamang sa paglalakad para tahakin ang madilim na lugar. Umorder ako ng alak at nilaklak ang bawat butil nito. Halos mawala na rin ako sa sarili dahil sa epektong dumadaloy sa aking katawan. May isang lalaki ang tumabi sa akin at may init na ipinadama sa dampi ng kanyang palad sa likod ko pababa hanggang bigyan ako ng isang halik. Sa lakas ng alcohol ay may kung anong humihitak sa akin para sunggaban at ibalik ang bawat haplos niya. Nagtungo kami sa isang sasakyan na sa tingin ko ay pagmamay-ari niya. He took off his shirt and continue to his deeply movement. He starts to move his hands around my body and I was c*m so hard when he put his finger on my v****a then his sword started to make a move inside of mine. “Ugh” the sounds of pain. I want to stop but he don’t want to listen and keep his attention to my body. This night was a mistake, the biggest mistake that totally broke my life because of video. Nagising akong masakit ang ulo habang kinakapa ang tumutunog na phone sa kanang bahagi ng kama. Kahit nahihilo, pilit ko inaalala ang mga nangyari. Noong makita ko na ang phone, may isang unknown number ang tumatawag at noong sagutin ko ay bigla niyang pinatay. May isang text akong natanggap sa kanya at halos manlamig ang aking kamay noong mabasa iyon. “Did you enjoy? I send you a video as remembrance. Thank you for f*cking me so hard last night, Alisha.  I hope we met again and I promise, I'll make you more satisfied on that day,” Dali-dali kong hinanap ang sinasabi niyang video at tumambad sa akin ang mga nangyari kagabi. Ako ang nasa video at ang lalaki naman ay nakatalikod. Anong blockmail ang gusto nilang gawin sa akin? Muli kong idinial ang numero ngunit wala namang load ang hawak kong phone. Siguro ay sinadya niyang iwan ito sa akin. Kung ano man ang balak niya at ng taong nag-utos sa kanya, hinding-hindi ko palalampasin ang lahat. Malakas ang pakiramdam kong may kinalaman si Martin para tuluyan na mawala sa akin si Tyler. Bakit kailangan niyang dumihan ang pagkatao ko? Bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito sa pamilya ko? Pinagtaksilan na nila ako pero nagawa kong magpatawad sa pag-aakalang tapos na ang lahat pero noong nawala si kuya, mas lalo pa lang gumulo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD