CHAPTER 19

1474 Words
1 year ago..                      NAGISING ako sa isang umaga na tanging huni lamang ng ibon ang maririnig mula sa labas. Nakatulugan kong yakap ang litrato namin ni kuya, ang taong tumayo bilang magulang ko. Pinatay na niya ang anak ko, ngayon patisi kuya. Wala siyang puso, kulang ang buhay niya kapalit ng kapatawaran. Sinira ako, ang anak ko, ang pamilya namin, at pati ang buhay ng kapatid ko ay kinuha niya. Sisiguraduhin kong magbabayad sila. Hindi pa kami tapos, babalik ako at babalikan ko sila. Isang taon pa lamang ang nakalilipas simula noong mangyari ang pamamaril ngunit ang sugat ay hindi pa rin naghihilom sa puso ko. Hustisya ba ang tawag sa walang dahas nilang pagpatay sa aking kapatid? Pagbabayaran itong lahat ni Martin, hindi pa kami tapos at gusto kong makita ang pagbagsak niya. Kinuha ko na yung phone na nasa katabing lamesa para tawagan ang kinuha kong abogado na si Atty. Cervano tungkol sa kustodiya ni Tyler na mapunta sa akin lahat at mawalan ng karapatan si Martin. Lumabas na ako pagkatapos para tignan si Tyler na kasalukuyang natutulog. Hindi niya dapat maranasan ang sakit na mawalan ng pamilya pero pagod na ako, pagod na pagod na akong ipilit pa ang isang masaya at buo kami kahit ang totoo ay matagal na nasira. “Mom,” sambit niya noong maramdaman akong nasa kanyang tabi. “Why are you crying?” tanong nito noong makita ako. Isang pekeng ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ako puwedeng maging mahina sa harap niya dahil ako na lang ang natitirang lakas para maging matatag siya. Hindi ito ang pinangarap ng aking anak, hindi ang ganitong buhay. “Sorry for making your life miserable,” Imbis na sumagot, niyakap niya ako ng mahigpit. “No. I am sorry mom because I wasn’t there when you need me. From now on, you will never be alone,” Paulit-ulit kong pinakinggan ang sinasabi niya. Bilang isang ina, wala na hihigit pa sa isang anak. Dalawa na lang kami ngayon at kung mawawala pa siya, baka hindi ko na kayanin. Lalaban ako, ipaglalaban ko ang karapatan sa kanya. Pinunasan nito ang mga luha ko. Saktong may nagdoorbell mula sa labas kaya’t inutusan ko na rin siyang lumabas at maghahanda ako ng breakfast. Sa pagbaba ko, si Atty. Cervano. Dali-dali ko siyang dinala sa garden para makapag-usap ng maayos. Ang sabi niya kanina ay pupunta siya at may kailangang sabihin sa akin. “Alisha, binabaligtad nila ang sitwasyon. Malakas ang laban ni Martin,” Halos mawala ako sa sarili noong marinig ang sinabi niya. Binigay nito ang isang folder na naglalaman ng iba’t-ibang kasulatan. “Alam na nila ang kalagayan mo,” dagdag pa nito. Pinunit ko isa-isa ang mga papeles na binigay niya at hindi ko na napigilan pa ang maiyak. Wala siyang puso, napakawalang kwenta niyang tao! Pinakita nitong pumupunta ako sa psychiatrist dahil sa sakit ng pag-iisip. Oo totoo pero dahil iyon sa depression ko simula noong mawala si kuya pero kailanman ay hindi ko nagawang saktan ang anak namin. Hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari, sa akin lang ang anak ko. Agad kong pinaalis na si Atty. Cervano. May bahid man ng pag-aalala, sinabi kong gawin niya ang kanyang trabaho at iwan na kami. Noong makaalis na, dali-dali kong pinuntahan si Tyler na kasalukuyan akong hinihintay sa kusina. Nag-impake na ako ng mga gamit, aalis kami dito. Hindi puwedeng malaman ni Martin kung nasaan kami hanggat hindi natatapos ang kaso. “Mom, saan tayo pupunta?” naguguluhan niyang tanong sa akin ngunit hindi ko na pinakinggan pa. Binalot ko na ang mga gamit niya at inilagay sa sasakyan. “Vacation,” maiksi kong sagot at ipinasok na siya sa kotse. Palabas pa lamang kami noong matanawan ko na ang sasakyan ni Mratin kaya’t mabilis ko na minaneho ang manubela. “M-mom, we’re so fast,” kinakabahang sabi ng aking anak. Parang dumadaan lang sa akin ang mga sinasabi niya ngunit hindi ko na iniintindi pa. Isa lang nasa isip ko ngayon, kailangan naming lumayo. Maraming mga sasakyan ang nagharang kung kaya’t nag-iba kaming direksyon. Si Tyler ay umiiyak nasa takot, gusto niyang tumigil ako kaya’t binalak niyang kontrolin ang kamay ko. “Stop!” utos ko sa kanya ngunit hindi naman siya nakikinig. Sa bilis ng pangyayari, nagbalik na lamang ako sa sarili noong palapit kami sa bangin. Sinubukan kong itigil ang sasakyan ngunit huli na, bumagsak na kaming tuluyan at ang tangi ko na lamang naalala ay yung itsura ng anak kong duguan at walang malay.   *****                     Napamulat ako kung saan ay may mga nurse at doctor. Bigla akong napatayo noong maalala ang kalagayan ni Tyler bagamat agad silang lumapit, may kung anong sinaksak at unti-unti sa akin nagpahina. Ilang saglit pa, tila isang masamang panaginip na makita ko si Martin. Nakatingin lang siya sa akin, ang mga matang iyon ang unti-unti sa ‘king pumapatay. “Hindi na tayo magkaiba Alisha, parehas tayo pumatay ng anak. Ngunit alam mo ba ang pinagkaiba natin? Hindi ko sinadya ang mga nangyari pero ikaw, mas pinili mong mamatay si Tyler,” Halos gumuho ang mundo ko sa mga sinabi niya. Anong nangyari kay Tyler? Nasaan siya? Hindi ko sinasadya! Halos mawalan ako ng control sa sarili ngunit nanghihina pa rin ako dahil sa gamot kaya’t hindi lubos na makagalaw. “Simula ngayon, wala na si Tyler. Huwag mo na balakin pang hanapin siya dahil sigurado akong sa oras na magising siya, hinding-hindi niya gugustuhing makita ka,” dagdag nito bago ako talikuran. Hindi ko sinasadya ang mga nangyari. Paulit-ulit ako sa pagmamakaawa sa mga nurse para sabihin sa akin ang kalagayan niya ngunit iisa lamang ang mga sagot nito na kritikal ang sitwasyon at hindi pa nagigising. ***** Ilang linggo simula noong sa aksidente ay pinayagan na ako makalabas ng hospital bagamat ay isang kasunduan silang pinapirma sa akin, kailangan ko magtake ng medication sa psychiatrist. Labag man sa loob ko, wala na magagawa pa. Hindi pa nagtatapos ang lahat, lalong tumibay ang hawak na ebidensiya ni Martin para siya ang kampihan ng batas. Hindi na ako makakalapit pa kay Tyler, maging sa hospital ay hindi ko na siya nakita pa. Hinatid nila ako sa isang kuwarto ng mental hospital at kung ano-ano ang isinasaksak sa akin. Wala akong sira sa pag-iisip pero bakit nila ako ginaganito? Ang mga nandito ay kinakausap ang sarili at tumatawa habang nakatingala sa alapaap. Ang iba naman ay may edad na ngunit naglalaro pa rin ng manika. Nakakatakot ang lugar, madilim kung gabi at may kakaibang tensyon akong nararamdaman sa mga gamot. Walang araw na hindi ako umiiyak sa labis na lungkot at pangungulila sa anak. Lumipas ang buwan, unti-unti na rin akong nasasanay. Kailangan ko makibagay sa mga nandito para makalabas at kailangan ko rin ito para magamot at muling makasama na si Tyler. Habang abala kami sa pagtatanim, lumapit sa akin ang isang psychiatrist at sinasabing may dalaw ako. Agad naman akong sumunod at nagtungo sa visitor’s area. Si Grace. May dala siyang iba’t-ibang pagkain at nangangamusta sa akin. Wala lamang akong kibo, mukhang wala naman siyang magandang ibabalita dahil alam kong hawak na ni Martin ang buong kustodiya. “Pinagbawalan kami dumalaw sa’yo. Si Tyler, nagising na siya,” anito at halos mapatayo ako sa labis na katuwaang maayos na ang kanyang kalagayan. Gusto ko siyang makita at mayakap. “N-ngunit,” sambit pa niya at tumingin sa akin. “Dahil sa aksidente, nagkaroon siya ng Dementia desease,” bulalas nito. “A-anong ibig mong sabihin?” Hindi ko man alam ang ibig sabihin ng sakit na iyon, sa boses ni Dra, Villardez ay sigurado akong hindi maganda iyon. “Dahil sa aksidente, masyadong naapektuhan ang isip ni Tyler. Hanggang ngayon ay sinusuri pa rin ng mga doctor dahil iba ang naging case ng kaso ni Tyler,” Pagkatapos niya itong sabihin ay muli niyang sinalubong ang mga mata ko. “Dahil Alisha, ikaw lang ang hindi niya maalala,” Tuluyang nanikip ang dibdib ko. Hi-hindi puwedeng mangyari iyon. Ako ang ina niya, paanong mangyayari na ako lang ang hindi niya maalala? Hindi puwede! “Grace, sabihin mong nagbibiro ka lang. Imposible!” sigaw ko at naglapitan naman ang ibang nurse ng hospital para magbigay ng pampakalmang gamot. Nakiusap si Grace na huwag muna ako ipasok sa kuwarto pero wala rin nagawa, kailangan ko na raw muna ikalma ang sarili. Niyakap niya ako. “Mas mabuting magpalakas ka na muna rito,” aniya bago ako buhatin ng mga nurse. Kailangan kong makalabas at makita ang anak ko. Lalo akong nangungulila sa kanya. Lumalaban ako para sa kanya pero ngayon, ano pa ang saysay ng buhay ko kung siya mismo ay tuluyan akong kasuklaman dahil kay Martin?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD