BIGLA kong hinitak ang pinto at tumambad sa akin ang asawa kong mahimbing na natutulog. Nilibot ko ang kabuuan ng kuwarto, wala si Dra. Villardez. Lumabas na ako at pumanik sa taas. Natutulog pa rin si Tyler at narito si Dra. na nakatulog mula sa pagkakaupo. Sa ka nang bahagi niya, naroon ang tubig at bimpo na nakapatong sa lamesa.
Lumapit ako kay Tyler at hinipo, may init nga ito sa katawan. Hindi pa man, naramdaman ko ang pagkilos ni Dra. na tila kagigising lang.
“Okay na siya, wala ka na dapat ipag-alala. Kumakatok ako kagabi kaya lang ay naka-lock yung room niyo kaya dito na ako nag-stay para tignan kalagayan niya,” paliwanag niya.
“Sa-salamat,” sambit ko sa kanya.
“Ayos lang iyon. Sa susunod ay hindi pala maganda ang pag-inom lalo na’t sumpungin ang sakit ni Tyler,” paalala niya. Maulan kami at mahamog kaya siguro nagkasakit ito.
Hindi na rin nagtagal pa sa bahay si Dra. Villardez dahil mayroon daw siyang aasikasuhin pa sa hospital. Nagpasalamat naman ako sa ginawa niya habang si Martin ay natutulog pa rin.
*****
Nasa bar kami ngayon ni Georgia, siya ang nasasabihin ko sa mga bagay na hindi mawala sa aking isipan. Tinititigan ko lang yung kape at alam kong nararamdaman niyang may mali sa akin.
“Anong nangyari at ganiyan ka?” nagtataka niyang tanong na parang binabasa ang nasa isipan ko.
“May tiwala ako kay Martin pero bakit may parte sa puso ko ang nagdududa sa kinikilos niya? Sa paghihinala ko, alam kong masasaktan siya at si Tyler,”
Kanyang binitawan ang hawak na shot glass. “Sa tingin mo, may third party siya?”
Hindi ako nakasagot.
Halos lahat ng babae ay pinagseselosan ko na, hindi ko akalaing darating sa puntong maging ang doktor ng anak ko ay madadamay.
“Si Martin, natulog siya sa guest room,” panimula ko. Hindi naman siya kumikibo, animo’y hinihintay ang susunod ko pang sasabihin.
“With my son’s doctor,”
Natigilan siya sa sinabi ko. Hindi na rin nakayanan ng mga mata kong pigilan pa ang maluha. Noong umalis si Dra. Villardez ay wala na ako naramdaman pang hinala ngunit pag-alis ni Martin sa higaan, mayroong bahid na dugo.
“A-are you sure?” nanlalaking matang tanong ni Georgia.
Uminom ako ng hindi lamang isa kung hindi maraming bote ang naubos ko. Hindi na ako pinigilan pa ni Georgia dahil sa paniniwalang ito ang gamot sa puso kong gustong makalimot. Oo, gusto kong kalimutan ulit dahil hindi pa rin buo sa isip kong magagawa ni Martin ang bagay na iyon.
Nagvibrate ang phone ni Georgia, tumatawag na ang asawa niyang si Michael. Nagmakaawa akong huwag sabihin kay Martin ang lahat at huwag sabihing nandito ako sa bar. Hindi naman niya ako maiwan ngunit kailangan umalis dahil ang asawa niya ay paalis na papuntang ibang bansa para sa isang business trip.
Pagkaalis niya, tinawag ko yung waiter para umorder pa. Mahina ang dosage ko sa alak, sa pagtikim ay agad na nalalasing pero ngayon ay parang drogang kinaaadikan ko.
May lumapit na lalaki sa akin, malagkit ang tingin niya at hindi nagtagal, inaya niya ako sa isang lugar kung saan ay kami lamang dalawa at doon ay nagnakaw ng hindi lamang isang halik dahil nasundan pa iyon at ito ang gabi kung saan ay nagkasala ako sa aking asawa, kay Martin.
*****
Nagising ako sa sasakyan kasama ang lalaking nakilala ko lang sa bar. Pasikat na ang araw at tulog pa rin siya. Hindi ko na hinintay itong magising, agad ko na sinuot ang damit ko at dali-daling lumabas. Dahil sira pa rin sasakyan ko ay walang masakyan, Mabuti na lamang at may taxi na dumaan.
Pagkauwi sa bahay, hindi pa man ako nakapapasok ay si Martin na bumungad sa pinto. May pag-aalala sa mukha niya noong salubungin ako. Akmang yayakapin na niya ‘ko ng maamoy niya ang alak sa akin. Hindi na siya nakapagsalita pa dahil humahangos ang itsura ni Tyler habang palapit sa akin.
“Mom, I am so worried about you,” sambit ni Tyler na ngayon ay umiiyak na. Niyakap ko rin siya at napatingin ako sa seryosong mukha ngayon ni Martin.
“Sorry baby, it will never be happen again,” bulong ko sa kanya.
Noong kumalma na si Tyler, pumasok na ako sa kuwarto at sumunod naman si Martin. Seryoso pa rin ang tingin niya at lumapit sa akin. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya kaya’t agad akong umiwas ng daan na kanya namang hinarangan.
“Who’s fuckin’ man that slept with you last night?” malamig na tono ni Martin. Napaatras ako ngunit mas lalong humihigpit ang hawak niya sa braso ko.
“Ano bang sin---” Hindi ko na natapos pa ng bigla niyang hawiin ang buhok ko at kinaladkad niya ako paharap sa salamin. Tumambad ang pulang marka sa kaliwang parte ng leeg ko. Nanlalaki ang mata kong tinignan iyon.
“Don’t make me idiot!” sigaw niya.
“Talaga? F*ck this relationship! Ako ba talaga o ikaw na hindi man lang nirespeto ang kaarawan ng anak. Tell me, paano mo nagawang makipagtalik sa ibang babae rito sa sarili kong pamamahay?”
Unti-unting lumuwag ang hawak niya sa akin. Napasalampak ako sa sahig habang sabunot ang buhok. Hindi ko na napigilan pa ang maiyak sa sobrang sakit.
“What are you talking about?” naguguluhan niyang tanong. Sinalubong ko ang mga mata niya dahil gusto kong malaman niyang hindi ako ang sumira sa pamilya namin.
Kinuha ko yung kumot kung saan ay may dugo at hinagis sa harap niya, sa tagal naming pagsasama’y ito ang ikalawang beses kong nakita si martin umiyak.
“Si Tyler umiiyak at hinahanap ka, si Dra. Villardez ang dumating. I was so scared kaya aksidente akong tumama hagdan. Sinabi ko sa kanyang huwag iiwan si Tyler, dumaretso akong guest room at doon ginamot ang sugat ko dahil yung susi ay nasa kuwarto natin at hindi ka magising,” sunod-sunod niyang paliwanag.
Sasagot na ako ng biglang bumukas ang pinto, si Tyler ang pumasok at mugto ang mga mata nito. Dumating ang kinatatakutan ko, ang makita kami ni Tyler na ganito. Kinuha na ni Martin yung jacket niya. Bago siya umalis, may katagang iniwan siya bago tuluyang lumabas at mabilis na pinaandar ang sasakyan.
“Akala ko sapat na ang sampung taon nating pagsasama para magtiwala ka ngunit hindi pa rin pala. Sinira mo ako. Sinira mo ang pamilyang pinangarap ko,”