DALAWANG linggo na ang lumipas simula noong mag-away kami ni Martin. Sa tuwing uuwi siya, lagi itong lasing at may araw na hindi siya umuuwi. Ang lahat ng pagbabago, nakikita ng aming anak.
“Mom, anong nangyayari kay daddy?” walang muwang na tanong ni Tyler. Niyakap ko siya bilang sagot at doon ay hindi ko mapigilan ang maiyak. Bago pa man ako muling humarap sa kanya, pinunasan ko na ang mga luha ko upang hindi na niya makita at muling magtanong.
Simula ng araw na iyon, pilit kong iniiwasan ang mata ni Tyler na nagtatanong sa nangyayari. Gusto kong makausap si Martin pero alam kong kahit ano pang gawin ko ay hindi na mabubura pa ang kasalanang sumira sa aming dalawa.
Habang nasa loob ako ng bathroom, paulit-ulit kong kinukuskos ang sarili ngunit kahit anong gawin ko ay nadumi pa rin ang nakikita sa akin ng asawa ko.
Alam kong walang kapatawaran ang nangyari, kahit anong pagsisisi pa ang gawin ko ay hindi na maibabalik pa ang tiwala niya.
Nagtuloy ang sakit ni Tyler.
Si Dra. Villardez ang nanatiling doctor ni Tyler sapagkat mas gamay niya ang sakit ng aking anak. Nasabi ko sa kanya ang naramdaman kong pagdududa at akala ko’y magagalit siya ngunit hindi. Siya ang tumayong kaibigan at tagapayo sa akin.
Mali ang hinusgahan ko siya. Dahil sa selos na naramdaman ko, ang sariling doctor ng aking anak ay nadamay din. Palagi niyang dinadalaw si Tyler lalo na at nag-iiba muli ang sirkulasyon ng kanyang kalusugan.
Ngayong araw, buong magdamag na hindi nagpakita ang anino ni Martin. Hindi na bago dahil ginagawa naman na niya ‘to. Sa kakahintay, hindi ko na namalayan pa ang makatulog at may isang tawag ang nagpagising sa akin, mula kay Georgia.
Ala-dos na ng madaling- araw noong lumabas ako. Sinigurado ko na munang tulog si Tyler bago umalis. Ang sabi ni Georgia ay nasa bar si Martin. Hindi ko na masyadong nalinawan pa, agad ko na pinatay ang tawag dahil baka kung anong mangyari sa kanya.
Pagdating sa bar, nilibot ko ang lugar ngunit wala ang asawa ko. Paalis nasana ako ng biglang mahagip ng aking mata ang sasakyan niya at mula sa malayo, natanawan kong may tao sa loob.
May kaba akong nararamdaman sa bawat hakbang ng aking mga paa palapit sa kanya hanggang sa malinawan akong hindi siya nag-iisa.
Kitang-kita ng mga mata ko kung paano halikan ni Martin ang babaeng kasama niya sa loob ng sasakyan. Ang bawat haplos niya na siyang nagpapadurog ng puso ko. Ang ungol ng babae sa kasarapan ay siyang pagpigil ko sa paghikbi.
Hindi ko alam kung anong naisip ko at kinatok sila. Napatingin si Martin sa direksyon ko ng walang anumang emosyon akong naramdaman. Muli niyang hinalikan ang babae at hindi na ako nakapagtimpi pa na kalampagin ang sasakyan. Lumabas si Martin at hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa, napasalampak ako sa sahig sa lakas ng sampal niya sa akin.
Ito ang unang beses niya akong pagbuhatan ng kamay. Akala ko ay iyon na ang pinakamasakit pero hindi. Lumapit siya at madiing hinawakan ang panga ko. Namumula na ito ngunit ayaw niyang bitawan.
“Simula ngayon, huwag na huwag mo na ipapakita ang mukha mo sa harap ko dahil…” panandalian siyang tumigil at inilapit ang bibig sa aking tainga.
“Nandidiri ako sa’yo,” ani niya at pahagis akong binitawan. Yung babaeng kasama niya ay nakatingin lang at sabay silang muli pumasok sa loob ng sasakyan.
Naninikip ang dibdib ko.
Hindi ko akalaing darating ang araw na magagawa niyang saktan ako. Ilang oras akong nakasalmpak sa sahig hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan. Namanhid na yata ang aking mga paa kaya’t hindi na makatayo pa. Naalimpungatan na lang ako s amalakas na busina ng sasakyan. Pinilit kong tumayo pero hindi ko na nagawa pa hanggang sa mawalan ng malay.
*****
Nagising ako sa isang hospital at may lalaking abalang kausap ang doctor. Noong makita nilang gising ako, lumapit ang doctor para siguraduhing nagising na ako bago umalis. Lumapit ang lalaking kausap niya.
Matangkad ito at moreno na bumagay naman sa makisig niyang katawan. Hindi maitatanggi ang kagwapuhan nito dahil sa tangos ng ilong at singkit na mga mata.
“How’s your feeling right now?” tanong niya.
“Ba-bakit ako nandito?”
Umupo siya sa tabi ko. “Nakita kita sa parking lot ng bar na walang malay. Hindi naman maganda kung iiwan na lang kita roon kaya dinala kita rito,”
Bigla kong naalala si Tyler. Napatingin ako sa orasan at laking gulat ko na alas-nuwebe na ng gabi. Tumayo ako agad bagamat pinigilan naman ako ng lalaking kasama ko ngayon.
“Hindi puwede, I have to go. Hinihintay ako ng anak ko,” sambit ko.
“Hindi ka pa full recover, ihahatid kita sa inyo bukas. Magpahinga ka na muna,” Hindi na rin ako nagpumilit pa dahil mismong doctor na ang lumapit sa akin at ayaw akong paalisin. Hindi ako makatawag kay Tyler dahil baka mag-alala pa siya.
Wala na rin sina Manang Rosalinda. Dahil sa katandaan nito, hindi na rin magawa pang kumilos. Umuwi muna siya ng kanyang anak sa probinsiya kaya’t ang nasa bahay na lamang ay ako, si Tyler, at si Martin.
“By the way, I want to introduce myself to you. I am Renz,” pakilala niya.
“Alisha,” maiksi kong sagot. Kumuha siya ng prutas at pinagtalop ako. Sa ilang oras na kwentuhan, dinapuan ako muli ng antok na dahil na rin sa epekto ng gamot.
6:00AM
Nag-ayos na ako ng sarili para makalabas na. Hindi na ako nagpumilit pa kay Renz na ihatid ako sa bahay. Nagtatanong siya kung ano ang nangyari, hindi ko pa man siya lubos na kilala kaya’t sinabi ko na wala akong maalala.
Hindi naman na siya nagtanong pa. Gusto rin daw niya makilala si Tyler ngunit hindi ito ang magandang oras dahil hindi pa rin kami okay ni Martin at sa tuwing naaalala ko ang nangyari noong nakaraang gabi, nasasaktan ako.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Hindi pa man ako nakakababa ay nasa bungad na si Martin at masama ang tingin.
Bumaba rin si Renz at naglahad ng kamay kay Martin ngunit hindi ito pinansin ng asawa ko. Lumapit siya at hinawakan ako sa braso.
“Pre, nasasaktan siya,” awat ni Renz at hinawakan ako sa kabilang braso.
“Wala kang pake dahil asawa ko siya. Don’t you dare to touch my wife because I am her HUSBAND,” madiin niyang sabi sa pagsambit ng huling salita. Kinaladkad niya ako papasok ng bahay.
Mabuti na lamang at mukhang tulog pa si Tyler. Pagpasok ng kuwarto, agad ni-lock ni Martin ang pinto. Pagharap niya sa akin, isang malakas nasampal ang muli niyang ibinigay.
Naiyak ako sa tuwing nagtatama ang aming mga mata. Napuno siya ng galit at hindi ko na mahanap pa ang dating Martin na kasama kong humarap sa altar. Kung panaginip lang ang lahat ng ito, gusto ko na magising.
“Masyado ka bang nasarapan at nakalimutan mong may anak ka? T*ngina Alisha. Gaano ba kasarap mga lalaki mo at parang drogang kinaaadikan mo?”
Ngumisi siya ng nakakaloko at muling dumaretso ng tingin. Magsasalita na ako ng muli niya akong sampalin. Hindi lamang isa, naulit pa ng ilang beses.
“Wala kang karapatang sumagot. Huwag mong kalilimutan, ikaw ang sumira ng pamilya natin. Sa oras na may mangyaring masama kay Tyler, hindi kita mapapatawad,” madiin niyang sambit bago umalis.
Nagmarka nasa sahig ang dugo at ang luha ko. Kumuha ako ng first aid kit para gamutin at siguradong pagising na rin si tyler. Paglabas ko, nagulat ako noong makita si Dra. Villardez na nandito at agad niya akong niyakap.
Hindi ko na napigilan pa ang maiyak.
“Si Martin tumawag sa akin kahapon. Si Tyler ay hinahanap ka hanggang sa manikip ang dibdib kaya dinala sa hospital. Pumunta lang ako dito dahil hindi nagrereply si Martin at hindi rin kita macontact. Kailangan ka niya,”
Labis na pag-aalala ang naramdaman ko noong sabihin iyon ni Dra. Villardez. Agad akong nagpalit na ng damit, nagdala na rin ako ng ibang damit bago dumaretso sa hospital.
Pagdating doon, mahimbing na natutulog si Tyler at nakaupo sa tabi niya si Martin habang kausap si Dra. Mendez. Tumingin na munasa akin si Dra. Villardez para ipaalam ko sa kanilang nandito na ako. Lumapit ako sa kanila at agad naman sa akin nag-assist yung nurse sa mga kailangan pa niya.
Pagbalik ko, magkausap si Martin at Dra. Villardez. Napatingin sa akin si Dra. noong makita akong palapit. Hindi ko na inalam pa ang pinag-usapan nila.
Nanlalamig ako sa matalim na tingin ni Martin. Maya-maya, umalis siya dahil may tumawag. Napatingin ako sa aking anak na mahimbing sa pagtulog. Hinalikan ko ang noo niya,
“Mommy,” tawag sa akin ni Tyler. Sobrang lumuwag ang pakiramdam ko na malamang gising na siya.
“Nag-aaway po ba kayo ni daddy?” inosente niyang tanong.
“Ofcourse not,”
Ngumiti siya. “I don’t want to be like Lucas,”
Natigilan ako sa sinabi ni Tyler. Si Lucas ay kaibigan niya sa school na mula sa isang broken family. Niyakap ko si Tyler at bumulong sa kanyan.
“It won’t happen,”
Kahit masakit, hindi ko hahayaang masira ang pamilyang bumuo naming dahil naniniwala pa rin akong magbabalik ang dating Martin na minahal ko.