CHAPTER 9

1244 Words
NAKAUWI na kami sa bahay. Mas lalong lumamig ang naging pakikitungo ni Martin na pilit kong itinatago sa aming anak. Sa tuwing nagtatanong si Tyler, pilit kong ikinukubli ang sakit sa isang masaya’t matamis na ngiti.  Lingid sa kaalaman niya, si Martin ay mayroong ibang babae. Hindi lang isang pagkakataon dahil nasundan pa iyon ng maraming beses dahil sa isa kong pagkakamali, nawala ang lalaking minahal ko ng lubos. Akala ko magtatapos na roon ang lahat ngunit hindi, nasasanay na rin siyang pagbuhatan ako ng kamay. Sa mga oras na iyon, si Renz ang nagiging takbuhan ko. Noong nasa hospital pa lamang kami, hiningi na niya ang number ko. Sa isang hindi inaasahang pangyayari, nakahanap ako ng kaibigan. *****                  Palapit ngayon si Renz habang may dalang order namin. Bumili siya ng caramel ice cream at ang sa akin naman ay chocolate with almonds. Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano hanggang sa may mga pulis na nagpasukan. Agad akong tumalikod pero huli na noong matanawan ako ni Lyra at itinuro ang direksyon namin kay Martin. Isang matalim na tingin ang bumaon sa aming dalawa ni Renz na mula sa aking asawa. Napalunok ako sa tensyon na nararamdaman ko at kasama na roon ang takot na baka kung anong gawin niya sa akin. “Hi. Alisha!” masayang bati ni Lyra pagkalapit sa amin at napatingin siya kay Renz. “Who’s that hotty boy?” tanong niya habang nakanguso sa kasama ko. “Ahm.. this is Renz, my…” hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko noong biglang may magsalita mula sa likod, isang malamig at walang emosyon kong asawa. “Her cousin,” Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Mukhang may kaso silang aayusin. Bago umalis si Martin ay nag-iwan siya ng salitang nagmarka sa akin ng labis na pagkabahala. “Hindi pa tayo tapos,” at matapos niya iyan sabihin ay umalis na. “Paano mo natitiis ang kagaspangan ng ugali niyang asawa mo?” nagagalit niyang tanong sa akin. Alam ni Renz ang mga ginagawa sa akin ni Martin pero kahit anong sakit ay hindi ko siya kayang iwanan dahil kay Tyler, at umaasa akong maramdaman niyang muli ang pagmamahal para sa akin, Biglang tumayo si Renz. Hinawakan ko ang kamay niya at umiling. Bumuntong hininga itong umupo ulit at doon ay hindi ko na naikubli pa ang mga luha ko. “Sabihin mo nga, hanggang kailan ka magtitiis?” iritado niyang sambit habang sinasalubong ang kanina pang pangtunaw na tingin ni Martin. “Hanggat kaya ko pa,” Ang buhay ko ay nabalutan ng dilim. Puno ng takot, pangamba, at nandito yung sakit. Akala ko, maayos na ang lahat pero tama sila. Ang lahat ay ganap na pansamantala, hindi ko akalaing darating ang araw na ito at ang lahat ng mga pangarap nasabay naming binuo ay mabubuwag ng isang pagkakamali. “Kung iniisip mo na hindi kita naiintindihan Alisha, nagkakamali ka. Minsan na rin akong nagmahal at sinaktan ng tadhana. Akala ko siya na pero dumating ang isang gabi, may nakilala akong babae. Akala ko simpleng gabi lang iyon ngunit araw-araw kong hinanap-hanap. That time, I was planning to propose Alexa, she’s my girlfriend. But then I realized, we’re not meant for each other,” kuwento niya habang ako ay tahimik na nakikinig lang. “Did you tell her the truth?” I asked. “Yes. Alam kong masasaktan siya pero ginawa ko pa rin dahil iyon ang tama,” Pansamantala akong natahimik sa sinabi niya. Kung titignan si Renz ngayon, isang perpekto at tila suwerte ang babaeng mamahalin niya ngunit tulad ng iba, nagkakasala rin at ito yung lumingon pa sa iba. “Alisha, kung mahal ka talaga ng asawa mo ay hindi ka niya matitiis. Pagmamahal pa rin ba ang tawag sa ginagawa niya sa’yong hindi na makatao? Just tell me kung may maitutulong ako sa’yo,” sambit niya. Tanging pagtango na lamang ang aking naitugon sa sinabi niyang iyon. Nagkwentuhan pa kami ng tungkol sa buhay niya at natanawan kong palabas na rin sina Martin kaya nakahinga ako ng maluwag. “Huwag ka na kaya muna umuwi,” nag-aalalang wika niya. Umiling ako bilang sagot. Hindi puwedeng hindi ako uuwi dahil sa kalagayan ni Tyler. Sa pagtalikod ni Martin, nagpaalam na rin ako kay Renz dahil susunduin ko pa si Tyler. *****               Sinama ko si Tyler para mamili. Binalak ko magluto ulit ng paborito ni Martin na kare-kare. May nakita siya na bilihan ng sapatos kaya nagpaalam itong titingin-tingin na muna. Nalibang ako sa pamimili ng mga gulay kaya hindi ko napansin kung saan gumawi si Tyler. Pagkatapos ko mamili ay naalala ko bigla ang aking anak.   Kinabahan ako. Nilibot ko ang buong pamilihan bagamat walang Tyler akong nakita. Nangangalid na ang luha kong hinahanap siya. Lakad, takbo, lakad, at takbo ang ginawa ko. Hindi nagtagal, lumuwag ang loob kong makita si Tyler na nakaupo at may kausap na lalaki. Pagkalapit ko’y laking gulat ang aking naramdaman noong makita ang kausap niya, si Renz. Masayang lumapit sa akin si Tyler at yumakap ng mahigpit. “So, siya pala ang baby mo. Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya,” natutuwang bati ni Renz. Lumuwag ang puso’t isipan ko noong malaman kasama niya ang aking anak. Pinakilala ko sa kanya si Tyler. Mukhang nagkagaanan na sila ng loob, sinamahan kami ni Renz na mag-ikot pa. May dala naman kaming sasakyan kaya hindi na kami sumabay pa kay Renz ngunit sinundan naman niya kami para masigurado ang kaligtasan naming mag-ina. Habang nasa sasakyan, hindi ko na rin nakausap pa si Tyler dahil nakatulog ito sa byahe. Si Renz naman ay tumawag, sinabing lilihis na siya ng daan at nakita kong lumikot na ang sasakyan niya. Pagkauwi, bandang hapon kaya’t maaga pa bagamat nandito na ang sasakyan ni Martin. Ginising ko na si Tyler. Pagkapasok sa loob, ang inaasahan kong matalim na mata ni Martin ngunit kabaligtaran. Tahimik lamang siyang nagbabasa ng diyaryo. Dumaretso na akong kusina para ibaba ang mga pinamili. Pumunta rin sa kusina si Martin para kumuha ng juice sa ref at dumaretso nasa sala. Hinugasan ko na ang mga gulay at nagsimula na maghiwa samantalang si Tyler ay lumapit kay Martin at natigilan ako noong maalalang hindi ko napagsabihan si Tyler na huwag sasabihing nakasama namin si Renz. “How’s your day?” lambing na tanong ni Martin sa aming anak. “Great daddy. Nameet ko rin yung friend ni mommy,” “who?” nagseryosong tanong ng aking asawa. “Tito Renz,” Aksidente kong nabitiwan ang kutsilyong hawak ko kaya nagbigay ng ingay at napadako ang kanilang atensiyon sa aking direksyon. Narinig ko ang panandaliang katahimikan at tanging mabibigat na yabag ang maririnig palapit sa akin. Muli niyang binuksan ang pintuan ng ref at marahas niya itong sinarado. Napalunok ako at napapikit, ramdam ko ang galit sa kanya at hindi ako nagkamali, sa pag-angat ng ulo ko’y nandito siya sa harap ko. “Ang kapal talaga ng mukha mong ipakita kay Tyler ang kalandian mo,” bulong nito sa akin. Natuyo na ata ang laway sa bibig ko kaya’t walang kahit anong salita ang anumang lumabas. “Kung iniisip mong makikipaghiwalay ako, nagkakamali ka. Sisiguraduhin kong magdurusa ka,” wika niya bago ako iwan. Doon ay muling naglabasan ang mga luha ko.   Mapatawad mo pa rin sana ako, Martin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD