SI Martin ay lumaki sa pangangalaga ng kanyang ama at hindi na niya nakilala pa ang tunay na ina. Natatandaan ko pa ang sinabi niya noon, hinding-hindi niya hahayaang masira ang pamilya namin tulad ng kanyang pinangarap.
Habang pinagmamasdan ko ngayon ang litrato ng aming kasal ay mas nagpapadurog sa puso ko. Sinira ko ang pangarap niya, sinira ko ang natitirang pamilya na mayroon siya.
Hindi ko masisisi na kamuhian niya ako. Kung ang kabayaran nito ay ang aking pagdurusa sa kanyang mga kamay, tatanggapin ko dahil baka iyon lang ang tanging paraan upang magawa niya akong patawarin.
Ngayon ang anniversary namin. Si Tyler ay maagang natulog samantalang si Martin ay hindi pa umuuwi. Hindi ko alam kung naaalala pa ba niya ang espesyal na araw na ’to o sadyang ordinaryong araw na lamang at hindi na dapat ipagdiriwang pa dahil alam kong pinagsisisihan niya ang mapakasal sa akin.
Nagluto ako ng iba’t-ibang putahe, kahit ang isip ko nagsasabihing hindi siya uuwi ay may parte naman sa puso kong umaasang maalala niya ako sa araw ng aming anibersaryo.
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim na oras ang lumipas ngunit walang Martin ang dumating. Lumamig na ang mga pagkain, ubos na rin ang mga kandila sa hapag.
Kinuha ko na lang yung alak sa ref at marahas na nilagok ang bawat butil nito, baka sakaling kayang pawiin ang sakit sa puso ko.
*****
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw mula sa bintana. Napahawak ako sa ulo dahil ang sakit nito. Naparami yata ang aking nainom. Sa pagtingin ko ng orasan, pasado alas-otso na ng umaga. Nandito ako ngayon sa sofa, hindi ko na siguro nakayanan pang pumunta ng kuwarto kaya dito na ako nakatulog.
Pumunta muna ‘ko sa kusina para maglinis ng mga nagkalat na bote. Hindi nagalaw ang mga pagkain, dinala ko na lang yung iba sa ref at yung iba ay maiinit. Nagpakulo ako ng tubig para makainom ng kape, gusto ko yung matapang na kayang lumaban sa sakit na paulit-ulit kong nararamdaman.
Habang nagtitimpla, narinig ko ang yapak ng paa na pababa. Gising na siguro si Tyler, inayos ko na muna ang aking sarili at naghilamos para mawala ang pamumula ng mga mata. Saktong pagbaba nito ay humarap ako sa kanyan bagamat naestatwa ako, hindi si Tyler kung hindi si Martin.
Basa ang ulo niya, kung gano’n ay kanina pa siya nandito. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin, pumunta ito sa ref para kumuha ng fresh milk at muling pumanik sa taas.
Bakit kahit ilang buwan na siyang ganito, nasasaktan pa rin ako? Kahit paulit-ulit pa ang ginagawa niya ay hindi ko magawang masanay at siguro’y ito ang kamalian ko, isang pagkakamaling umasang magiging maayos pa ang hidwaan sa pagitan naming dalawa.
Naligo na ako para mawala ang amoy ng alak sa akin. Binalikan kong muli yung nilagay ko sa oven na ulam at naghanda na ng lamesa. Ilang sandali pa, pinuntahan ko na si Tyler na kasama ngayong maglaro ni Martin.
“K-kumain na tayo,” pag-aayaya ko sa kanila. Tumakbo naman palapit sa akin si Tyler sabay halik sa aking pisngi at natigilan siya noong makita ang pasa sa braso ko.
“Ma, saan ‘yan galing?” nag-aalalang tanong ng aking anak. Hindi ko napansing mas namaga pa ang pasa na nakuha ko noong huli kaming nag-away ni Martin.
“Don’t worry, it was just an accident,”
Hindi na rin masyado pang nagtanong si Tyler. Nauna na siyang pumunta sa kusina at sumunod naman si Martin.
Si Tyler ang nasa harap ko, si Martin ay katabi niya. Tahimik lamang ang paligid hanggang sa madako ang mga mata ko sa kamay ni Martin at lalong nadurog ang puso kong makitang hindi niya suot ang singsing ng aming kasal. Hindi ko na ipinahalata pa bagamat mukhang nasundan niya kung saan ako napatingin.
Natapos ang aming salo-salo at umakyat na muli si Tyler sa taas. Mag-uurong na ako ng plato at biglang dumulas sa mga kamay ko ang plato hanggang sa mabasag ito sa sahig.
Isa-isa kong pinulot ang mga bubog at aksidenteng bumaon sa kamay ko na naging sanhi ng pagdurugo. Naiyak ako hindi dahil sa sakit o sa takot kung hindi sa walang emosyong mukha ni Martin. Nakita niya ang nangyari ngunit wala man lang sa mukha nito ang pag-aalala.
Tinuloy ko na ang pagkuha sa mga bubog at mas lalong nagdurugo pa. Tuloy-tuloy ang luha ko, sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay namanhid na ang buo kong katawan kaya siguro kahit putulin pa ang akiung kamay ay wala na akong mararamdaman.
Nagkalat na ang dugo sa sahig ng biglang may humawak sa kamay ko, si Martin. Wala siyang kahit anong sinabi, hinitak lang niya ako patayo at itinutok ang kamay ko sa gripo.
Matapos niya iyon gawin, pinaupo niya ako sa malapit na upuan at kinuha ang medical kit. Iniwan niya ang gamot sa lamesa at nagtuloy nang pumanik sa itaas.
Kahit paano, aaminin kong may kakaibang saya akong naramdaman na may pake pa rin pala siya. Sa paglagay ko ng alcohol, dito ko naramdaman kung gaano kasakit ang natamo kong sugat.
Pagkatapos kong maglinis, pumunta ako sa kuwarto. Nahihilo pa rin ako kaya hindi ko na namalayang nakatulog na ‘ko.
*****
May paulit-ulit na pagkalabit sa akin, pagtingin ko ay si Tyler.
“Mom, punta tayong Vigan,” masayang aya ng aking anak. Hindi pa man ako nakasasagot ng sumabat si Martin sa aming usapan.
“Hindi maganda kalagayan ni mommy mo, it’s better if she get some rest,” ani niya. Alam ko na ang ibig niyang sabihin, huwag na akong sumama. May tiwala naman ako kay Martin na hindi niya pababayaan ang aming anak.
“Honey, I am not feeling well. Just enjoy your day and send me your photo,” nakangiti kong sambit na nagpangiwi naman sa kanyan.
“Hindi na kami aalis Mom, wala kang kasama rito,”
Napatingin ako kay Martin na tila naghihintay na rin sa isasagot ko.
“Don’t worry about me, huh?” wika ko at hinalikan siya sa noo. Wala na rin siyang nagawa pa, alam kong gusto niya pumunta roon kaya nagpabook si Martin at alam kong hindi ako kasama sa kanyang pinareserve.
Umalis na sila at naiwan ako.
Habang pinagmamasdan ko silang makalayo, lalo kong naramdamang hindi na kami buo at matatawag pang pamilya.
Naging tahimik lang ang buong paligid ng bahay. Nakararamdam ako ng kakaibang inip at lungkot, tatlong araw mawawala sina Martin at Tyler.
Tumunog yung phone ko, isang text mula kay Renz. Nagulat na lang ako noong sabihin niyang nasa labas siya ng bahay. Hindi na ako nag-atubili pang mag-ayos, agad akong lumabas at nandito nga siya habang may dalang ice cream.
Inaya ko siyang pumasok sa loob. Sa tagal ng kuwentuhan, hindi namin namalayang gabi na. Natatawa ako sa kanyang mga kuwento, ang karamihan yata ay gawa-gawa na lang niya para mapasaya ako.
Naalala ko si Tyler na hindi nagtetext simula kanina, minabuti ko na munang icheck ang phone ko. Pagbukas ng phone, ida-dial ko pa lang yung numero ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang nanlilisik na mga mata ni Martin.
Nagdire-diretso siya sa paglalakad palapit sa direksyon ko. Binalak ni Renz na lumapit ngunit binalaan niya itong huwag lalapit. Kahit labag sa loob ni Renz ang iwan ako ay walang magagawa, ako na mismo ang nagsabing ayos lang kung mauuna na siya.
Napansin kong hindi kasama ni Martin si Tyler. Pagsarado ng pinto, isang malakas nasampal ang ibinigay niya sa akin kaya’t napasalampak ako sa sahig at naramdaman ko ang dugo sa ilalim ng aking labi.
“Umalis lang kami saglit, nag-uwi ka na ng lalaki mo?” nanggigigil niyang tanong.
“N-nasan si Tyler?” pag-iiba ko ngunit imbis na sumagot, lumapit pa siya at muli ako binigyan ng isang malakas nasampal na naging dahilan ng tuluyan kong pagtumba.
“Nag-aagaw buhay siya samantalang ikaw nagpapakasaya kasama ang ibang lalaki. Gaano ba siya kasarap para balik-balikan mo?” pangungutya niyang tanong at hinawi ang vase sa mesa hanggang mabasag.
“Sinusubok mo ang pasensiya ko Alisha, huwag ka mag-alala dahil hindi pa tayo nagsisimula. Gusto mo ng laro hindi ba? Pagbibigyan kita,” kanyang pahayag bago ngumiti na parang may kung anong ibang ibig sabihin.
“Si Tyler nasa hospital habang tinatawagan ang walang kwenta niyang ina. Kila tita Leng muna siya mag-stay dahil….” Bitin niyang sabi at tinapat ang bibig sa tainga ko.
“Maglalaro pa tayo,”