CHAPTER 11

1616 Words
                  HINDI isang masayang gabi ang nangyari sa amin ni Martin kung hindi isang sitwasyong hindi ko na nais pang balikan. Kinuha niya ang puri ko ng sapilitan. Inalis ang saplot ng pagkatao, hinubaran ng respeto, at pinalasap ang sakit ng bawat galaw na dumidiin sa lalim ng sugat. Umiiyak ako habang nagpapakasarap siya sa bagay na hindi ko gustong gawin. Animo’y hayop na hayok sa laman. Nagmakaawa akong tumigil ngunit hindi siya nakikinig. Ang kuwarto ay nabalutan ng ungol, hindi sa kasiyahan kung hindi sa aking paghikbi dahil sa sakit na kanyang ginagawa. Natapos ang gabing iyon at hindi ako nakatulog. Si Martin ay nagbihis na at nagmamadali akong pinaligo para puntahan si Tyler. Naging tahimik lang ang byahe, namaos na ang boses ko at maging ang paghuni bilang sagot ay hindi ko na magawa pa. Dumating kami sa hospital, nakita ko si Tyler na gising na. Ang sabi ng doctor, nawalan lamang siya ng malay dahil sa pagod. Sinabi ko nasa kanyang huwag tatakbo ngunit naging pasaway pa rin. Mula sa dulong hagdan, nakita kong pababa sina Tita Leng dahil tinawagan sila ng magaling kong asawa. Wala namang problema kung sa kanila muna si Tyler dahil matapos ng aming kasal, sa kanila kami nakituloy at doon na rin halos natuto maglakad ang aking anak. Ilang oras ang lumipas at pinayagan na si Tyler na lumabas ng hospital at dumating si Dra. Villardez na tila hindi inaasahang nandito kami. Dahil wala ako sa ulirat, nauna na akong umuwi noong makitang paalis na sina Tyler. Hindi na rin ako nagpaalam pa kay Martin dahil hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang aking loob sa nangyari. Mas okay na wala muna rito ang aming anak, mas panatag ang loob ko kung nasa malayo siya sa amin ng kanyang ama. Kasalukuyan akong namamahinga ng bumukas ang pinto. May kung anong kaba akong nararamdaman sa bawat yapak ng mga paa papalapit sa akin. Binuksan niya ang loob ng kuwarto at nagkunwari naman akong natutulog. Binuksan niya ang cabinet at mukhang kumuha ng damit bago ko maramdaman na lumabas siya.   *****                    Wala akong balak lumabas ng kuwarto pero natutuyo na ang lalamunan ko at kailangan ko na uminom ng tubig. Sa aking paglabas, may mga pagkaing nakahanda sa lamesa at si Martin naman ay nakatikod, tila nagluluto pa rin. Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa ref para kumuha ng tubig. Aabutin ko pa lang yung thumbler ng bigla niya itong kinuha at yung basong nasa kamay ko para lagyan ng laman bago iabot sa akin. Walang sinuman sa amin ang nagsalita. Pabalik nasana ako ng kuwarto ngunit tumikhim siya na naging dahilan para mapatigil ako. “Umupo ka na, sabay na tayong kumain,” yaya niya. Sa takot, hindi ko na nagawa pang tumanggi at umupo nasa kaharap niyang upuan. Umupo na rin siya at nilagyan ng kanin ang plato ko.   Nakakapanibago ang ikinikilos niya.   Pagkatapos kumain ay siya na rin ang nagligpit ng hapag at nag-urong ng mga plato. Hindi rin ako komportableng kasama siya pero aaminin kong may parte sa puso ko na masaya dahil sa pag-asang baka bumalik na kaming muli sa dati. Umalis si Martin dahil kailangan niya pumuntang office. Wala akong gagawin kaya naisipan ko pumunta rin sa opisina nina Georgia. Pagkadating ko, laking gulat niya at masaya akong sinalubong. Natatawa ako sa naging reaksyon nila na parang ngayon lang kami ulit nagkita. Matapos ng working hours, nag-ayayaan na magpunta sa mall. Hindi na ako nagdalawang isip pang sumama. Nagkakausap naman na kami kahit papaano ni Martin at nasabi ko nga sa kanyang aalis ako kasama sina Georgia. Isa lang ang patakaran niya, bawal na kami magkita pa ni Renz. Nakaramdam ako ng kilig dahil nagseselos din pala siya. Nagtatanong ang mga kaibigan ko kung saan nanggaling ang mga pasang natamo ko sa balat ngunit tumatanggi akong sabihin ang katotohanan, ramdam kong nagsisisi na rin si Martin. Habang naglilibot, masyado nga talagang maliit ang mundo dahil nagtagpo ang landas naming muli ni Renz. Masaya itong palapit at lumihis naman ako ng daan. Hindi nagtagal, nagring ang phone ko ngunit huli na dahil naagaw ni Grace. “Renz? Who’s this guy?” taas kilay niyang tanong habang pinagmamasdan ang profile picture ni Renz sa phone book ko. “Him,” sabay turo ko sa direksyon nito at tila napanganga ang mga kasama ko noong makita siya. Simple lang naman suot ni Renz ngunit likas na yata ang kagwapuhan niya kaya kahit anong isuot ay babagay. Wala na akong nagawa noong lumapit siya sa amin. Hindi naman makapagsalita si Grace dahil natulala na yata sa lalaking kaharap. Mabuti na lamang at agad din nagpaalam si Renz dahil may bibilin pa ito. Pagkaalis niya, naghalo-halong mga tanong ang ibinato sa akin nina Grace at Georgia. Mabuti na lang at wala si Mariel, siguradong kung nandito siya ay nakikigulo na rin. Nag-ikot pa kami at bumili ng triple shirt bilang remembrance. Bandang hapon na noong maisipan namin ang umuwi. Pumunta na akong parking lot ng biglang bumusina ang isang pamilyar nasasakyan, ito ang pagmamay-ari ni Renz. “Hindi mo binabasa text ko,” malungkot niyang sambit na parang isang batang nagtatampo. “S-sorry,” May inilabas siyang isang box kaya’t taka ko siyang tinignan. “Pupunta ako sa Salvacion, papasama sana ako sayo para bisitahin si mommy,” Hindi na ako nakatanggi pa sa pangungulit niya. Alas-singko pa lang naman at ang paalam ko kay Martin ay bandang alas- syete na ako uuwi. Sumakay na akong sasakyan at sinundan ko siya. Nasa trenta minuto lamang ang itinagal ng byahe at nakarating kami sa isang simple ngunit napakagandang bahay. Ito ay maituturing na lumang bahay dahil sa mga antique na disenyo at ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang bahay na 1960’s ang theme. Niyaya na ako ni Renz pumasok sa loob. Kumatok muna siya at binuksan ito ng babaeng nasa kwarenta singko lamang siguro kung susumahin ang edad niya. Humalik sa pisngi si Renz at inabot ang dalang box. Bumati naman ako bilang paggalang at masaya niya akong ipinapasok sa loob. “She’s my mom,” pakilala ni Renz sa kanyang ina. Hindi rin naman maitatago, sa ganda ng kanyang nanay ay halatang dito siya nagmana. Binuksan ng ina ni Renz ang dalang box ng anak at doon ko lang nakita na puro pala mga bulaklak ang laman nito. Napakagandang dekorasyon, inilagay ito sa isang vase na lalong nagpatingkad sa ganda ng paligid. Inilibot ako ni Renz sa kabuuan ng bahay. Habang nasa gitna kami ng pagmumuni, biglang bumukas ang pinto at masayang sinalubong ito ng kanyang ina. Siguro ay may bisita sila, natigilan na lamang ako bigla noong marinig ang boses ng dumating, isang pamilyar na boses na nagpalingon sa akin at gano’n na lang din ang pagkagulat sa itsura niya noong makita ako. “Alexa, what are you doing here?” maawtoridad na tanong ni Renz. Hindi ako makapaniwala na ang kinekuwento ni Renz tungkol sa babaeng nais niyang pakasalan ay si Dra. Villardez. Hindi siya pinansin ng doktora, seryoso lamang ito nakatingin sa akin. “I just want to give some flowers to tita Lyne kaya napadaan ako. Magkakilala pala kayo ni Mrs. Sandoval,” bati niya. Mukhang may gulo na naman akong napasukan. “Yes. She’s…” hindi na natuloy pa ni Renz ang sasabihin dahil pinutol na ito ni Dra. “I can’t believe,” Hindi ko maintindihan kung ano ang mga nangyayari. Niyaya na ng ina ni Renz si Dra. Villardez sa garden at napaupo naman sa sofa si Renz habang hinihilot ang noo. “S-siya ba yung kinikuwento mo?” mabilis kong tanong noong makalayo na sila Dra. “Yes,” maiksi nitong sagot. Masyadong magulo ang mundo, sa dinami-rami ng tao, bakit kami pa ang pilit na ipinagtatagpo? Matapos ang kwentuhan ng dalawang nasa labas, pumasok na ito. Nagpapaalam na si Dra. Villardez at nagpaalam na rin ako para makausap siya sa labas. Saktong walang sasakyang dala si Dra. kaya nakisabay na siya. Tahimik lang ang paligid, maging ang radyo ay ayaw makisama sa akin. “Dra.,” tawag ko sa kanya. “Kung iniisip mo na may relasyon kami, nagkakamali ka. Magkaibigan lang kami ni Renz,” depensa ko pa sa nangyari. Maganda si Dra. Villardez, bagay talaga sila ni Renz. Naging malapit kami sa isa’t isa ngunit hindi ko akalaing magtatagpo ang landas namin at ng taong parte ng kanyang nakaraan. “No problem.” Hinatid ko na siya sa parking lot ng hospital para makuha na niya ang kanyang sasakyan. Hindi mawala sa isip ko na baka iba ang isipin niya dahil magkasama kami ni Renz na dumalaw sa kanyang ina. Umuwi na ako at wala si Martin sa bahay. Dumagan na ‘ko sa kama at inisip ang mga nangyari hanggang sa muling dalawin ng antok. *****                      Bakit kaya naghiwalay sina Dra. Villardez at si Renz? Siguro’y tulad lang din ng nangyari sa amin ni Martin. Dahil sa nakalipas na pagkakamali, gumuho ang lahat ng pangarap namin bilang isang pamilya. Naramdaman kong mahal pa rin ni Dra. Villardez si Renz pero tama sila, mahirap maghilom ang pusong sariwa pa rin ang sugat. Naalala ko pa bago kami umalis sa bahay ni tita Lyne, ina ni Renz. May sinabi siya na nagbigay katanungan sa akin ngunit hindi ko na lang masyadong inisip pa. “Ikaw ang ikalawang babaeng dinala rito ni Renz. Ang sabi niya, dadalhin daw niya ang babaeng nagpabago ng mundo niya sa loob ng isang gabi. Sayang lamang at kasal ka na dahil kung hindi, iisipin kong ikaw yung babaeng tinutukoy niya,”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD