CHAPTER 12

1425 Words
                 ISANG linggo muna si Tyler kila Tita Leng. Akala ko ito na ang simula para sa aming mag-asawa na magkaayos pero hindi pa pala dahil mas lumala siya. Nagising ako sa isang ungol na nagmumula sa labas. Kahit masakit ang ulo ko, dali-dali akong tumayo. “Ugh.. faster please,” pakiusap ng babae. Madilim ang paligid ngunit natamaan ng aking mata kung sino iyon, ibang babae ang kanyang kaulayaw. Napaatras na lamang ang mga paa ko papasok muli ng kuwarto at magsimulang umiyak. Sobrang sakit. Hindi ako pinatulog ng gabing iyon. Bumigat ang pakiramdam ko at nawala na rin ako ng ganasa mga bagay. May dumaang mga gabi na ginawa namin ni Martin ang bagay na hindi ko gusto. Pinilit niyang hubaran ang buo kong pagkatao at hindi pa siya nakuntento, dito ko naranasan ang pagsabayin kami ng iba niyang babae sa iisang kama. Nagmamakaawa at humahagulgol na ako, isang malakas nasampal lang ang nakukuha ko sa kanya. Kahit gaano kahirap ay kailangan ko tiisin dahil sa kalagayan ni Tyler, may sakit siya at hindi ko makakayang may mangyari sa kanyang masama sa oras na malaman niya ang totoo. Marupok ba ang tawag sa akin? Siguro ay oo kasi masyado akong manhid sa asawa ko pero para sa akin, hindi ito isang karupukan kung hindi pagiging isang ina. Simula pa lang na nagdesisyon akong ituloy ang relasyon namin, pinangako ko sa sarili kong ang lahat ng ito ay para sa aking anak. Kung isang kamalian ang ginagawa ko sa mata ng iba, para sa akin ay ito na lang ang choices na dapat kong piliin dahil sa sitwasyon namin ngayon, nakataya ang buhay ng anak ko at ng aming pamilya. Kinabukasan, nagising akong mugto ang mata. Kahit bumigat pa lalo ang pakiramdam ko, kailangan kong bumangon. Papunta akong kusina ng matigilan ako, may kung anong likido ang nasa hagdan, hindi isang ordinaryong likido kung hindi galing sa tao at isa lang ang sigurado, hindi ito sa akin nanggaling dahil walang nangyari sa amin ni Martin ng gabing iyon. *****                        Napapadalas ang hilo at walang gana ko sa pagkain. Hinatid na ni tita Leng si Tyler sa bahay. Dahil magpapasko, unang linggo pa lang ng disyembre ay wala nang pasok si Tyler kung kaya’t nakapagbabakasyon ito kung saan. Malapit na ang kapaskuhan ngunit malamig pa rin ang relasyon naming mag-asawa. Noong una ay nais ko pang ayusin ngunit ngayon, napuno ng galit ang puso ko. Wala akong kahit isang kaibigan na napagsasabihan sa ginagawa niya, dinudumihan niya ang puri ko bilang isang babae at hindi na nirerespeto bilang asawa. Minabuti ko na muna magpacheck up. “That’s normal Mrs. Sandoval,” masayang sambit ng doktor sa akin. Nagtataka ko siyang tinignan dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. “Ang pagsusuka at nararamdaman mong hilo ay normal lang sa nagbubuntis,” ani niya. Parang paulit-ulit na nagfunction ang isip ko sa sinabi ng doktor. “B-buntis ako?” hindi makapaniwalang tanong ko. Dapat ba akong matuwa dahil muling magkakaroon ako ng isang anghel o ang malulungkot sapagkat ang batang ito ay bunga ng karahasan sa kamay ng kanyang ama. “Yes Mrs. Sandoval. Maselan ang pagbubuntis mo, mas mabuting masustansyang pagkain lang ang kainin at iwasan ang pagpapagod,” paalala niya. Nagpasalamat ako sa kanya bago umalis. Wala ako sa ulirat. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng kamay kong nakahawak pa rin sa manubela. Dapat ko bang sabihin ito kay Martin? Matutuwa ba siya o mas kasusuklaman lang ako? Iingatan kaya niya ako tulad noong malaman niyang nagbuntis ako kay Tyler?  Isa lamang ang sigurado, natatakot ako na baka hindi niya tanggapin ang batang dinadala ko ngayon. *****                     “Mom, bakit namumutla ka?” nag-aalalang tanong ni Tyler habang hinihipo ang noo ko. Niyakap ko siya. Si Tyler lang ang gamot sa tuwing may sakit ako. Dumating si Martin na may dalang laruan kay Tyler at masaya naman siyang sinalubong nito. Nandito pa rin ako sa higaan ng lumapit siya. “Tanghali na nakahiga ka pa, bumangon ka na riyan,” utos niya. Kahit sobra sama ng pakiramdam ko ay pinilit kong tumayo. Paglabas ko ay abala ang mag-ama sa paglalaro. Napangiti ako noong makita sila, kahit galit si Martin sa akin ay hindi paarin natitiis ang anak. Naghanda na ako ng makakain bago sila tawagin. Habang nasa hapag, pagbagsak na binatawan ni Martin ang hawak na kutsra. “Wala ka bang panlasa? Sana inilaga mo na lang yung baboy dahil walang lasa ginawa mo. Nagsayang ka lang ng mga gulay sa walang kwenta mong luto,” Pagkasabi niya ay umalis na siya. Si Tyler ay tahimik lang na nakatingin sa amin. Kinuha ko na yung mangkok na may mga ulam bagamat ayaw ibigay ng aking anak yung nasa kanyan. “Tyler anak, papadeliver na lang ako ng Jollibee,” panunuyo ko. “Mom, nag-aaway ba kayo ni daddy?” Umiling ako. “Hindi anak, biro lang ni daddy mo ‘yon,” kunwari kong sagot. Alam kong hindi siya maniniwala ngunit hindi na kumibo pa. Maging ako ay nagulat sa inastang ugali niya sa harap ng anak. Nagpaulit-ulit ang sistema ng aming pagsasama. Sumisigaw na si Martin kapag hindi kaharap si Tyler, sa ganitong paraan ay nagpapasalamat pa rin ako dahil nirerespeto pa rin niya ang aming anak. Sa tuwing nagagalit siya kahit sa maliit na bagay, napapahawak ako sa tiyan ko at bumubulong sa sarili. “Kumapit ka anak kay mommy, huwag mo akong iiwan,” sa katotohanang natatakot akong malaglag ang batang nasa sinapupunan ko. *****                     Sumapit ang kapaskuhan, hindi rito sumalubong si Martin. Hindi na rin siya nag-uuwi pa ng babae kahit madalas niya akong awayin. Natapos ang isang buong taon at laking pasasalamat ko sa bagay na iyon. Sa unang araw ng enero, wala pa rin ang asawa ko. Si Tyler ay patuloy sa pagtatanong. Natawa pa ako sa sinabi niyang paanong may trabaho si Martin sa araw ng pasko at bagong taon? Tinatanong ko sila Clyde kung kasama si Martin bagamat hindi raw dahil nasa kanyang-kanyang pamilya sila habang sumasalubong sa pagdiriwang. Kami lamang ni Tyler ang magkasama. Umarkila ako ng mga taong maaaring magpaputok ng binili ko para kahit papaano ay malibang ang aming anak. Dalawang linggo, dalawang linggong hindi na umuwi si Martin sa bahay. Si Tyler ay nagsimula na rin ang pasukan kaya’t ako na lang ang mag-isa rito sa bahay. Habang nasa sala ako at nanonood ng tv, bumukas ang pinto at niluwa nito si Dra. Villardez kasama ang aking asawa. Napadako ang mata ko sa mga hawak nilang bagahe. Inaalalayan pa ni Martin si Dra. papasok sa guest room na kuwarto. Hindi ko maintindihan kung bakit nandito sila, bakit may dalang mga gamit ang Dra. “A-anong mayroon?” tanong ko ngunit imbis na sumagot, napatingin ako sa hawak na tiyan ni Dra. at doon ay naguguluhan ko silang tinignan. “I’m pregnant, 2 months na,” Gumuho ang mundo ko. “Ano bang sinasabi niyo?” “Huwag ka na marami pang tanong atsaka lumayas ka nga sa harap ko, nandidiri ako sa’yo,” sabat ni Martin bago isarado ang pinto. Ang nangingilid kong mga luha ay sunod-sunod nasa bagsakan. Hindi ako makapaniwalang tama ang hinala ko noong umpisa pa lang. Anak ko, lumaban ka. Makakayanan natin ito, magpakatatag ka lang sa tiyan ko. Pumasok na ‘ko sa kuwarto at mag-iimpake na ako ng mga damit nang tinulak ni Martin ang pinto at madiing hinawakan ako sa braso. “At saan ka pupunta?” Pilit kong inaalis ang kamay niya ngunit mas lalo pang diniinan bago ako pahagis na binitawan. Nakaramdam ako ng sakit sa tiyan na hindi ko naman sa kanya ipinahalata kahit namamalipit na. “Dapat lang sa’yo ‘yan. Kulang pa ang lahat ng ginagawa ko sa ginawa mo. Gusto mong umalis? Sige umalis ka dahil matagal mo na sinira ang pamilya natin. Hindi ako papayag na isama mo si Tyler, alam mo ang kaya kong gawin Alisha. Huwag mo ako sagarin,” ani niya bago lumabas ng bahay. Hindi ako makapaniwalang tama ang hinala kong may relasyon si Martin at si Dra. Villardez pero bakit grabe ang galit sa akin ni Martin? Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari pero isa lang ang sigurado ko, hindi dito magtatapos ang kuwento naming mag-asawa. Hindi na ako papayag sa ginagawa niya lalo na’t sa oras na madamay si Tyler dito.   Paano ko makakayang kasama sa loob ng bahay ang totoong kabit ng asawa ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD