Dale's POV Kinuha ko ang aking cellphone na nakalatag sa aking mesa, nagtipa ako ng numero ng isang kilalang restaurant at flower shop. Nagpareserba ako ng isang ganap para sa isang dinner date mamayang gabi para sa pinakamamahal kong asawa. Ito ang sorpresa ko para sa kanya. Isang selebrasyon para sa katagumpayan ng aming pag-iimbestiga at higit sa lahat pasasalamat na rin namin sa Diyos sa aming mga pagpapala. Dumaan ako sa isang boutique para makabili ng bestida para kay Sophia. Mga limang piraso ang binili ko kasama na sandal at bag na rin na magkakulay na parang isang set. Dinamihan ko na para may pagpilian siya. Alam ko kahit na anong isuot niya ay maganda pa rin sa kanya kahit pa siguro sako ay elegante pa rin sa kanya. Naglibot pa ako habang inaayos ang mga pinamili ko. Nagbabak

