Dale's POV Tinawagan ko ang secretary ko para alamin kung ano ang iskedyul ko. Ngunit sabi niya ay bakante ako ngayong hapon. Gagamitin ko ang oras ko para pagtuunan ang mga iba ko pang negosyo. So far sa Pilipinas wala akong problema dahil nandoon si Daddy at mga iba kong pinagkakatiwalaan. Sinadya kong buksan ang camera sa laptop ko para makita ang asawa ko sa hotel. Napalunok ako sa itsura nito, napakasexy ng suot niya. Isa sa mga nabili ko ito. Napakagat na lang ako sa aking pang-ibabang labi. Pinatay ko na agad ang camera dahil maayos naman siya doon sa bahay at may kasama naman siya. Alam niya na na-mo-monitor ko sila habang nasa trabaho ako. Itinuon ko ang pansin ko sa susunod naming paglalakbay sa susunod na buwan. Pinagawa ko ang panibago kong mga destinasyon sa sekretarya ko.

