Philippians 4:6-7 "Huwag mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hayaan ninyong malaman ng Panginoon ang inyong mga kahilingan sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin ng may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na humihigit sa lahat ng pang-unawa at ang mag-iingat sa inyong mga puso at isipan kay Cristo Jesus." ***** Faustino POV Pinapalakas ko ang loob ng aking mga balae ngunit ako mismo ay nakaramdam ng kaba. Maraming, "paano kung?" ang nasa isipan ko lalo na't alam kong delikado ang gubat na 'yon kung saan napadpad ang chopper na bumagsak. Bigla kaming nataranta ng biglang umiyak ang balae kong babae. Agad dinaluhan ng aking asawa para patahanin siya. "Nakakaaawa ang anak kong si Sophia, simula pa ng mag-asawa siya ay hindi na nawala ang mga ganitong sitwasyon." "B

