1 Peter 5: 10 "Pagkatapos ninyong magdusa sa sandaling panahon ang Diyos ng lahat ng biyaya, na tumawag sa inyo sa walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, ang siyang nagbibigay sa inyo ng kaganapan, nagpapatibay at nagpapalakas sa inyo." ***** Dale's Father POV Di ako mapakali dahil alam kong ngayon ang uwi ng mag-asawa ngunit kakaibang balita ang aming natanggap. Nataranta kaming lahat dahil sa balita, dahil sa lakas ng strikes ng kidlat sa chopper na kinalululan ng mag-asawa ay bumagsak sa gitna ng kagubatan. Bulyaw ang utos ko para alamin kung buhay sila. Nalaman naman agad na buhay sila sa pamamagitan ng radyo ng piloto na sumundo sa kanila. Mainam na na-i-set-up ni Dale ang tracking gadget sa aking desk top at nalaman agad kung nasaan sila. Pinapakalma ko ang aking sarili d

