Isaias 41:13 Sapagkat ako, si Yahweh na iyong Diyos, ay hahawakan ang iyong kanang kamay at sasabihin sa iyo, ''Huwag kang matakot; tutulungan kita.'' ***** Dale's POV Dahil malamig ay naisipan kong bumalik sa maliit na sala para kunin ang aming mga bagahe. Nakita ko naman agad 'yon at hinila sa maliit na kwarto. Kasalukuyan akong naghahanap ng pangkumot sa asawa ko at ng nakakita ako ay tinalukbong ko sa kanya. Madilim na talaga dito, binuksan ko ang ilaw ng cellphone ng asawa ko saka ko iniwan sa kanyang tabi para may liwanag. Nakita ko naman ang maliit na liwanag sa maliit na sala. Agad ako nagtungo para alamin ang sitwasyon sa kasama naming piloto. "Boss, malakas ang ulan at malakas na rin ang hangin delikado sa rescue kung magpapatuloy pa sila para hanapin tayo sa masukal na gub

