Faustino's POV (Dale's Father) Pagkagaling namin ng mahal kong pamilya sa bahay ng aming balae ay dumireto kami sa aming bahay. Di muna ako papasok sa aking trabaho ngayon, hayaan ko muna ang aking inatasan na bahala muna sa mga trabaho duon. Na sa gayon ay makapagpokus muna ako sa sitwasyon ng aking anak. Nagbuga ako ng hangin sa kawalan dahil naisip ko ang sinabi ni Dale. Kailangan ko makakuha ng mga iba pang impormasyon dahil sa pagkidnap sa aking anak. Mabait na bata si Dale. Dahil sa mga negosyo na naipundar namin ng aking asawa ay kinailangan namin siya ipadala sa ibang bansa upang makapag-aral ng maayos na malayo sa amin upang mabuhay na independent. Dahil sa business minded din ito nagawa niya ang mga gusto kong maging siya, dahil sa pangarap niya ding magkaroon ng iba't-ib

