Sophia's POV Nagising ako dahil sa malakas na ingay sa labas ng aking kwarto. Mula pa kahapon di na ako lumabas ng kwarto. Mabigat ang pakiramdam kong bumangon para akong lalagnatin. Ngayong araw ang check-up ko dahil sa insidente kaya kahit ganuon na masama ang pakiramdam ko naligo pa rin ako. Habang tumutulo ang tubig mula sa shower sa aking katawan, nakapikit ako na nagdarasal na dapat matagpuan na ang aking asawa o kaya ang bangkay niya. I want him to come home now. Ngunit kailan? Ilang araw pa ang aking pagtitiis? Ilang araw akong mananabik sa kanya? Dahil hindi ko rin lang alam ang sagot sa tanong, ipinilig ko ang ulo ko para mawala saglit sa isipan ko. Nirelax ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagdama ng maligamgam na tubig na umabot na ng trenta minutos. Pagkatapos ko

