Dale's POV Nagmasid muna ako ilang segundo bago ipihit ang seradura. Nagtagumpay ako, pana'y pader na kulay puti ang nakita ko. Dahan-dahan akong naglakad para makahanap ng daan. Laking gulat ko na makitang nasa itaas pala ako ng matayog na gusali. Tumingala ako, meron pa isang palapag sa itaas marahil roof top na ito. Umakyat ako at laking gulat ko na may nakita akong helicopter dito. Sa may kanan banda may parachute. Namangha ako, napalakad ako palapit sa sa balister na bakal bilang bakod. Napaatras ako ng makita ko ang tubig sa baba, nakakalulu dahil sa taas nitong gusali. Mga singkwenta palapag ang gusali na ito. Sa pinakababa, may mga rubber boats na nakapaligid sa gusali parang masarap magsurfing dahil sa malawak na tubigan. Mabilis akong nakaisip ng plano para makatakas. Magh

