Sophia's POV
"Baby, let's go," tawag niya sa akin.
Nagmadali kong kinuha ang bag ko saka ako mabilis na naglakad patungo sa sala namin kung saan naghihintay ang asawa ko. Mabuti na nga lang maaga ako nagising kung hindi magahol kami sa oras. Kumunot ang noo ko dahil maganda ang pagkakaupo niya sa mahabang couch samantalang halos tinakbo ang pagitan ng salas at kwarto.
"Are you done?"
"For what?"
"Staring at me?
Bigla akong natawa sa kanyang sinabi,naglakad ako para tumabi sa kanya sa kanyang kinauupuan. Pagkaupo ko ay sinalubong ako ng halik.
Bahagya ako nagulat ngunit tumugon din ako sa kanya.
Habol ko ang paghinga ko ng nag-hiwalay ang aming labi. Di pa kasi ako nakakabawi sa pag-takbo ko kanina ng tawagin niya ako. Ipinilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Pumikit ako ng malanghap ko ang mabango kong asawa.
"Are you okay now, baby?
He whispered.
Napa mulagat ako sa tanong niya. Bakit niya ako tinatanong kung okay ako?
" Why?"
"Kasi ng makita kita paglabas mo ng kwarto natin ay para kang hinahol ng aso sa itsura mo."
Malambing niyang sabi sa akin. Ganuon na ba ako haggard kanina? Eh paano kasi akala ko nagmamadali kami. Maaga pa pala, base sa oras na nakikita ko ngayon, alas-sais y media pa lang.
"When you told me let's go, I thought we are rushing."
"We are not rushing, baby, I just called you." Paliwanag nito sa akin.
"When you are okay, shall we go?"
"Okay, let's go."
Lumabas na kami sa aming condo unit hanggang sa ground floor kung nasaan ang garahe. Lahat ng naka- kakita sa amin ay ngumingiti. Ngumingiti rin akong pabalik sa kanila.
Pinag buksan niya ako ng pinto ng sasakyan at agad naman akong pumasok sa loob. Pagkasarado ay umikot siya para pumasok sa kotse. Umupo ako ng maayos at kinabit ko ang seatbelt ko. Pinaandar niya ang sasakyan ng makaupo sa driver's seat.
Nag-on siya ng music sa radio. Nagustuhan ko ang awit kaya sumabay ako sa awitin kahit di ko masyado memorize. Di kalaunan ay dalawa na kaming sumasabay sa awit. Di naman kami naririnig at nakikita sa loob kaya kahit malakas ay okay lang.
Nakarating kami ng opisina na nakangiti. Maganda ang araw namin kaya napapangiti rin ang mga empleyedo na nakaka salubong namin.
Pagdating namin sa loob ng aming work table ay agad n kaming nagsimula para sa araw na ito.
Katatapos lang namin ng isang meeting sa isang kilalang hotel. Kasalukuyan kaming kumakain sa isang sikat na kainan. Panay ang kwentuhan namin ng biglang may nahagip ng aking mga mata. Kumurap-kurap pa ako para matingnan ng maigi ngunit wala na ito.
Kumunot ang noo ko at napailing ako. Iniisip ko kung may ganito ba akong naranasan ng mga nag-daang araw. Kinabahan ako bigla, baka may sumusunod sa amin. Naging kalmado lang ako hanggang matapos namin ang aming pagkain.
Nagpa-alam ako kay Dale na mag-punta ng Comfort Room. Pag-balik ko ay nakita kong may kasama siyang babae. Maganda, sexy, maputi at matangos ang ilong. Nagmadali akong nglakad para makarating agad sa mesa namin.
Tumikhim ako para mapansin nila ako. Kumunot ang noo ko na nakatingin kay Dale. Nag-aalburuto ang aking kalooban baka makasampal ako ng tao. Ngumiti pa siya sa akin.
"Oh,baby, meet my cousin from my father's side. She's Xamilla, just came back from Japan. Xamilla, meet my wife, Sophia."
Napanganga ako sa aking narinig. Pinsan niya lang pala, kung makapag-isip naman ako wagas. Namula pa ako dahil sa hiya sa aking sarili.
"Hi!" Nakangiting pagbati ko.
"Hello," sabi nito sabay lahad ng kanyang kamay.
Tinanggap ko ito saka nahihiyang tumingin sa asawa ko. Tinapik niya ako sa aking balikat habang nakangiti. Binalik ko ang tingin ko kay Xamilla na ngayon ay nakatingin sa akin.
"You know, bagay kayong dalawa."
Ngumiti siya sa akin ng matamis. Ngumiti rin ako pabalik sa kanya. Nahihiya ako kapag tumitig siya sa akin at kay Dale. Pagkatapos ay ngingiti sa aming dalawa.
Masayang nag-kwentuhan ang mag-pinsan habang nakikinig ako sa kanilang dalawa. Minsan sinasali niya ako sa kanilang usapan at sumasabay naman ako. Hanggang sa matapos ang kanilang pag-uusap. Nag-paalam si Xamilla at nasa biyahe na kami patungo ng opisina.
Pagdating namin ng opisina ay nabigla kami dahil may nag-hihintay sa amin. Kausap siya ng Secretary ni Dale na nasa labas ng CEO Office. Nakatalikod ito sa amin kaya hindi namin makita ang mukha.
Dumiretso ako sa aking opisina. Oo, may opisina na ako pagkatapos ng tatlong buwan dahil nakabisado ko na ang aking trabaho. Katabi rin ng CEO Office at may connected door naman sa loob.
May sarili akong secretary, lalaki rin siya na kilalang lubos ni Dale. Mapagkakatiwalaan at maasahan. Nasa labas din ng aking opisina ang kanyang work area. Intercom ang aming komunikasyon sa loob ng opisina.
Nagsimula ako sa aking trabaho dahil tatlong oras na lang ay uwian na namin. Kasalukuyan akong nagbabasa ng files ng tumawag si Dale sa intercom. His inviting me to his office to meet someone. Nagsuot ako ng aking coat saka dumaan sa connected door.
Nakatalikod sa akin ang bisita pagkabukas ko ng pinto. Ng makita ako ni Dale ay agad silang tumayo ng kanyang bisita. Humarap sa akin at laking gulat ko ng makita ko siya.
Guwapo, matipuno, clean cut, medyo maiitim pero bagay sa kanya. Magkasing tangkad sila ni Dale pero mas guwapo ang asawa ko. Tumikhim si Dale at bumalik ako sa aking ulirat.
Hinapit ni Dale ang aking baywang palapit sa kanya. Ramdam ko ang mahigpit nitong pagyakap sa baywang ko. Hindi ko ito pinansin.
"David,meet my beautiful wife, Sophia. Sophia, meet David kaibigan ko mula pa sa Cagayan Valley."
Imbes na makipag shake hand sa akin ay kinuha ni Dale ang kanyang kamay. Iginaya na maupo sa mahabang couch. Umupo naman ako sa tabi ni Dale, tig-isa kami sa single couch.
"Your wife is so beautiful, Dude!" Sabi niya saka ngumiti sa akin.
Ngumiti naman ako pabalik sa kanya ng saglit lang. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata kung paano mag-igting ang panga ni Dale. Bakit ganito ang kanyang reaksiyon? Very possessive one.
Nag-excuse ako sa kanilang dalawa para ipagpatuloy ang aking trabaho. Nag-utos na rin ako sa aking secretary para bigyan sila ng coffee at cake. Ipinagpatuloy ko ang aking trabaho hanggang sa alas-kuwatro. Nawala sa isip ko ang bisita ng aking asawa.
Saktong alas-kuwatro ay natapos ko ang aking dapat tapusin. Naisip ko puntahan si Dale sa kanyang opisina upang kumustahin siya. Pagkabukas ko ng connected door namin ay wala siya sa kanyang swivel chair. Tuluyan akong pumasok sa loob ng maluwang na CEO Office.
Hinanap ko siya sa loob ngunit wala siya di ko makita. Naalala ko ang private room. Kumunot ang noo ko, kung nanduon siya, baka natutulog o nagpapahinga. Sinubukan kong ipihit ang seradura, mabuti hindi nakalock.
Pagbukas ko ng pinto ay tuluyang tumambad sa akin ang bulto na nakahiga sa maluwang na kama. Napagod ang aking asawa sa trabaho kaya hinayaan ko siyang matulog.
Isinarado ko ulit ang private room saka bumalik sa aking opisina. Ilang minutos na lang ay mag-alas-singko na. Naggagayak na ang kapwa naming sekretary ni Dale para umuwi na. Naiwan kaming dalawa ni Dale habang tulog pa siya.
Inayos ko ang aking opisina, bitbit ang aking bag saka ako pumasok sa opisina ni Dale. Nagtimpla muna ako ng kape at kumuha ng dessert sa ref saka ako naupo sa couch. Ini-on ko ang TV para manuod habang nagkakape.
Habang ako ay nakaupo at nanunod ay parang gumagalaw ang aking mug. Mabuti at medyo kalahati na ang aking kape kaya hindi ito tumatapon. Patuloy ang paggalaw ng mug. Agad ko nilibot ang tingin ko sa buong opisina, halos lahat ng nakapatong ay gumagalaw.
Nagpanic ako, alam ko lumilindol. Ano ang gagawin ko? Nag-inhale at exhale ako para makalma ko ang aking sarili. Sa hindi ko malaman na dahilan ay tumakbo ako sa private room kung saan natutulog si Dale.
Tumalon ako sa kama at yumakap sa asawa ko. Nagulat si Dale sa ginawa ko. Nabigla siya sa biglaang pagyaka ko ng mahigpit.
"Baby, lumilindol!" Sabay yugyog sa kanya.
Inangat niya ang kanyang braso saka yumakap sa akin ng mahigpit. Dinantayan pa ako sa kanyang mahahabang hita. Halos nakadagan na siya sa akin.
"Hayaan mo,baby. Lilipas din 'yan."
Hindi ako naka-imik sa kanyang sinabi. Ganuon ba siya ka-kampante na walang pakialam kahit lumilindol pa. Infairness , di maramdaman dito sa loob ng private room kung lumilindol.
"Don't worry, baby. The building is safe."
Bulong nito sa aking tainga.
Gumaan ang pakiramdam ko. Duon kasi sa UAE kapag lumilindol ay nakakatakot kaya tumatakbo kami palabas bitbit ang aming mahahalagang dokumento. Nakasanayan ko na iyon ng tatlong- taon.
Maya-maya ay narinig ko ng naghihilik na naman ang asawa ko. Dahan-dahan akong umalis sa kanyang pagkakayakap. Bumalik ako sa sala para tingnan ang aking kape at dessert na naiwan ko kanina.
Pagka-bukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang maayos na opisina. Wala naman nalaglag kahit ballpen man lang sa sahig. So ibig sabihin mild lang ang lindol. Ako lang pala ang exaggerated.
Di ko kasalanan dahil nga sa experienced ko nuon kaya kunting lindol lang ay nagpapanic ako. Nakabalik na ako sa mahabang couch. Ipinagpatuloy ko ang panunuod ng TV.
Biglang nag-flash report sa TV. Tama nga ako lumindol dahil iyon ang laman ng balita. Habang nanunuod ako ay nakarinig ako ng boses sa intercom. Alam ko ang guard ng building ang nagsasalita.
"Nais kong malaman kung lahat ay maayos, kung may tao pa sa loob ng gusaling ito. Salamat."
Nagmadali akong sumagot para malaman nila na nandito pa kami. Sinabi ko na rin na kami ay maayos dito sa loob ng CEO Office. Nagpasalamat ang guard dahil sa pag response.
Makaraan ng trenta minutos ay lumabas na mula sa private room ang asawa ko. Magulo ang kanyang buhok. Ang kanyang damit ay okay pa rin hindi man lang nakusot. Maingat din pala siya sa paggalaw sa kama. Walang nagbago sa kanyang ka-gwapuhan.
"Are you done checking me, out?
Ngumisi itong nagtungo sa mini ref habang nakatingin sa akin. Umirap ako sa kanya at umismid pa. Humalakhak siya sa tawa.
" You look more beautiful, baby." Sabay kindat sa akin.
" I know," sagot ko habang naka-taas ang aking mga kilay.
"Kaya pati kaibigan mo halos masuntok mo na kanina dahil in-appreciate niya ang kagandahan ko."
"Ganyan ako sa aking mga pag-aari." Matigas niyang sambit na nag-pa-kilabot sa akin.
Hindi namin namalayan na nakaabot na pala kami ng anim na buwan. Maganda ang naging takbo ng aming negosyo,maraming mga namuhunan at kumita kami ng mas maraming pera dahil pareho kaming nagsusumikap. Dahil sa aming matagumpay na pamamahala ay sobrang saya ng magulang ni Dale lalo na kay Daddy Faustino. Masaya rin kaming mag-asawa dahil sa mga biyaya na aming natanggap.
Dahil proud sa amin si Daddy Faustino ay naikwento nito sa kanyang mga kaibigan. One day, we received an offer to publish our story sa isang International Magazine. Si Dale ang nagbigay ng desisyon at inayunan ko ito. Wala naman masama dahil magbibigay naman ito ng inspirasyon sa mga tao, lalo na sa larangan ng negosyo.
Dahil sa galak ni Daddy Faustino sa aming tagumpay ay pinapili kami kung ano ang gusto namin bilang reward sa aming sarili.
Nagpasya kaming mag-asawa na pumunta sa Amerika para duon namin ipagdiriwang ang aming selebrasyon na mag-asawa maliban lang sa gaganaping pam-pamilya.
Gaya ng sinabi nuon ni Daddy Faustino pagkatapos ng aming kasal at ito ay magaganap na parang honeymoon namin ni Dale sa ibang bansa. Natuwa naman ang asawa ko dahil namiss niya rin kung saan siya nanatili mula pa nuong kabataan niya hanggang sa kami ay naipagkasundo na maikasal.
Naruon din ang isa niyang negosyo at may pinagkatiwalaan siya upang pamahalaan ito. Na excite siyang makita ang kanyang mga tauhan duon. Mas lalo pa kaming nagpursige na mapalago pa ang kompanya pagkatapos ng aming bakasyon sa America.
Masayang-masaya ako sa resulta namin at hindi lang kami kasama na rin ang mga empleyado. Nag dagdag si Dale ng kanilang sahod at bonuses. Abot naman ang pasasalamat ng mga ito sa amin.