Gregg's POV
Hinagis ko ang magazine sa couch kung saan nakasulat ang "Successful Story" ng mag-asawang Dale at Sophia. Pumunta ako sa bar counter at kumuha ng wine. Ibinuhos ko ito sa baso at sunod-sunod kong nilagok.
Hanggang ngayon ay hindi ko
makalimutan ang pagkatalo ko sa "Gun Shooting Tournament" ni Dale, limang taon na ang nakalipas. Mabuti pa sa kanya dahil naiaplay niya ang pag-kapanalo niya sa Gun Shooting Tournament sa business niya dito sa New York.
Business Partner kami dati dahil kinuha niya ako pagkatapos makuha ang tagumpay ng kanyang negosyo pero ngayon ay mag kaaway na.
Parang ang swerte niya sa lahat ng bagay: negosyo man, career at halos lahat na. Damn!
Naitanong ko din sa sarili ko, bakit hanggang ngayon naiingit ako sa lalaking 'yon? Mas matagumpay pa siya sa buhay ngayon. Anong meron sa kanya na wala ako? Kahit ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagiging insekyurity.
Masaya silang mag karelasyon ni Caroline Dela Vega. Dahil naiinggit ako sa kanya, sinubukan kong agawin si Caroline sa kanya. May nangyari sa amin at ng malaman niya ay pinabugbog ako saka hiniwalayan si Caroline.
Lubos ang paninisi sa akin Caroline ng hiwalayan siya ni Dale. Wala akong magawa dahil ginusto din naman niya 'yon. Hanggang ngayon inuusig ako ng aking konsensiya kung iisipin kong isa akong talunan sa kanya ay nasisiraan ako ng bait. Napahawak ako sa aking sentido na parang biglang sumakit ang ulo ko.
Napatingin ako sa langit, nanggagalaiti ang aking ngipin. I did everything to him already para mapabagsak siya ngunit walang nangyari. Ngumisi ako at saka inubos ang laman ng bote ng alak. Bumalik ako sa mahabang sofa saka humiga ng diretso.
Nag-ngit-ngit ang aking mga ngipin na unti-unting sumilay ang namumuong galit sa puso ko. Hanggang ngayon ay di ko makalimutan ang ginawa ni Dale sa akin nuon. Kinalimutan ko naman kaso hindi mawala sa isip ko. Kahit na matagal na pala iyon ay nakaukit pa rin sa dibdib ko.
Napangiti ako ng malapad sa isang bagay na pumasok sa isip ko. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Caroline. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
"Narinig mo na ba ang tungkol sa balita?" sabi ko nang marinig ko ang malambing niyang boses.
Kahit galit pa siya sa akin ay kinakausap pa rin ako. Kahit ano ang gagawin ko ay hindi ko na maibabalik ang nakaraan kaya itodo ko na lang ito. At idadamay ko siya rito, bahala na.
"Anong balita?" tanong niya sa naiinis na boses na parang kaka gising lang. "Calm down, pupunta ang ex-boyfriend mo sa New York."
"Talaga, paano mo nalaman?"
"I have my source, Lady."
"Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo?"
Sigaw niya sa kabilang linya kaya nilayo ko ang cellphone ko sa aking tainga.
"I want you to meet me in a coffee shop.
I will send you the address. Please come and I want to discuss with you something."
Ibinaba ko ang aking telepono at nag-isip muli ng mga mungkahi na hingian ko ng opinyon kay Caroline. Parehong may atraso sa amin ang Dale na iyon kaya alam ko na sumang-ayon siya sa akin. Bumangon ako at pumunta sa banyo para maligo. Magkikita kami ni Caroline sa address na binigay ko at pati sa oras.
Nauna ako sa meeting namin ni Caroline, umorder ako ng kape at dessert. Dahil maaga ako ay humihigop ng kape. Makalipas ang labinlimang minuto ay dumating na ang mala-diyosang kagandahan. Lahat ng lalaki sa coffee shop ay napalingon kay Caroline.
Napa-mura ako sa mga kalalakihang nakatingin sa kanya.Nakita niya ako agad kaya lumapit sa mesa na para sa amin.
"Hinayaan ba kitang maghintay ng matagal?" nag-alala nitong tanong sa upuan sa harapan ko.
"On time, Miss Beautiful," sabay kindat sa kanya.
Ganito kami ng babaeng ito kapag nag-uusap na parang lagi kaming mag-kaaway pero naging kaibigan ko na siya simula noong nag-hiwalay sila ni Dale dahil sa aming pag-kakamali.
"Let's talk straight, gusto mo bang makaganti kay Dale?"
Nagulat sa sinabi ko pero kalaunan ay unti-unting naglaho din ito sa kanyang mga mata.
"Anong gagawin mo laban sa kanya?"
"Oo, nuon galit na galit ako sa kanya dahil ayaw niya akong pakinggan dahil sa mga paliwanag ko. Nadala lang ako sa iyo, dahil nawalan siya ng oras sa akin. Kinuha mo ang pagkakataon na iyon para lasingin ako at may mangyari sa atin."
"Makinig nang mabuti!"
Pagkatapos kong sabihin lahat ay pumayag din siya sa akin.
"Okay, simulan na natin ang plano!"
Madaling kausap si Caroline dahil sa pagiging bulag ng pagmamahal niya sa lalaking iyon noon kaya sumama na rin siya sa akin.
"Tapusin na natin ang lahat ng ito at kailangan nating pumunta sa ligtas na lugar."
Nang matapos namin ang in-order ko ay pumunta na kami sa lugar kung saan namin pag-usapan ang plano.
"Oo, gagawin nating dalawa ang balak nating gawin. Kaya dapat pinag-uusapan ng mabuti kung ano ang dapat nating gawin. Pareho naman tayong galit sa kanya. Huwag kang mag-alala, di natin siya papatayin kundi papahirapan lang."
Kumuha kami ng pinaka matalinong tao para tulungan kaming gawin ang aming plano. Maingat naming natutugunan ang lahat ng mga pangangailangan na dapat ay mayroon kami para sa mas mahusay na pag ganap. Lahat ng impormasyon na gusto naming malaman ay tapos na namin makuha Pagkatapos ay sinimulan namin ito nang hakbang-hakbang.
Ang lahat ng kanilang mga iskedyul ay nakuha na namin lalo na ang sasakyan nilang eroplano papunta dito sa New York. Nag handa na rin ang iba naming kasabwat sa Pilipinas na sasakay din sa eroplano na sasakyan ng mag-asawa. Kukunin si Dale at iiwan ang asawa sa isang Isla.
"Gawin ninyong maayos ang inyong mga trabaho. Dapat walang palpak dahil kung mangyari 'yon lahat tayo dito ay mamatay!”
Sabi ko habang hawak ang papel kung saan nakasulat ang impormasyong nakuha ng mga tauhan ko. Natawa pa ako sa tuwa at narinig ko ito sa buong bahay ko. Anyway, I have my own private house kung saan ako nakatira.
I oriented and instructed my men and even Caroline about these so we are all ready. Ang aking mga tauhan ay naghihintay ng aking senyales.
"We should be very careful guys, remember we need only Dale, not his wife."
"Any complaint," tanong ko sa kanya ng makita ko ang reaksyon niya dahil kumunot ang noo ni Caroline.
Sinamaan niya lang ako ng tingin bilang babala. Maniwala ka sa akin, mas maganda siya kapag ginawa niya iyon.
Agad akong nagseryoso sa mukha dahil alam kong malapit na ang oras para isakatuparan ang plano namin.
Tumawa ako ng may sarcasm sa isip ko. Heto na! Sa wakas, magagawa ko na ito sa kanya. Mag makaawa siya na palayain ko siya sa bangungot niya!
"Okay, everybody go to your assigned work," utos ko sa kanila.
Nagsi-alisan ang aking mga tao sa harap namin ni Caroline. Naiwan kaming dalawa. Lihim akong natuwa dahil natulala siya sa kawalan.
"What's bothering you, Miss Caroline?"
"Shut-up, Asshole!"
"Okay, suko na ako!" Kasabay ng pag-taas ko ng aking dalawang kamay bilang pagsuko.
"Don't say, still Dale bothering your mind?!"
"If I tell you, yes! What will you do?"
"Kill him!"
"Are you crazy?"
"Crazier than you think!"
"Ahh! Stupid!"
Nang-gagalaiti si Caroline dahil sa galit. Halos umusok ang kanyang ilong sa pagsagot ko ng pabalang sa kanya. Nagngingit ang kanyang mga ngipin. I looked at her with admiration.
Hindi ko maikakaila, mula noong may nangyari sa amin ay hinahanap ko ito. Hindi na ako pinapatulog ng aking sistema. Pero hindi ko siya pwedeng pilitin na mahalin ako dahil mahal niya si Dale kahit hiniwalayan siya nito.
"Damn, him!"
Seeing this woman makes my heart sank. Kung ako na lang sana ang kanyang mamahalin. Gagawin ko ang lahat para mapasaya siya at hindi sasaktan.
"Seriouly, di mo sasaktan? Ikaw nga ang dahilan kung bakit hiniwalayan siya ng kanyang nobyo!" Kastigo ng isip ko.
"I have to go," biglang paalam ni Caroline.
"Do, you want me to drive you , off?"
"No, I have my own car!"
"Okay, take care!"
"Thank you!"
Pag kaalis niya ay agad akong pumasok sa aking tirahan. Naglabas ng alak muli at uminom mag-isa. Gusto kong malasing ng husto.
*****
Caroline's POV
While driving home, di maalis sa isipan ko ang mga plano na sinang-ayonan ko kay Gregg kontra sa mag-asawang Del Monte. It hurts me so much na hindi man lang ako pinakinggan ni Dale nuon na magpaliwanag. This happened long time ago but still so fresh in my mind.
Dale already married , I believed his happy now. Not like me, still guilty and frustrated too. Hindi pala ganito kadali makalimot sa nagawang pagkakamali ko sa kanya at kay Gregg pa talaga.Ganito ba talaga kapag nakagawa ng kasalanan?
I deep sighed. Yes,it's my fault kundi dahil sa karopukan ko ay may nangyari sa amin ni Gregg. I should marry Dale to save the bankruptcy of our company but I missed it. Kahit anong gawin ko na paghingi ng tawad ay wala pa rin.
Dahil sa kasalanan ko na 'yan ay mas lalo pang nalugmok sa sakit ang Ama ko. Nawala ang kanilang pangarap para sa akin at nasayang lamang. Galit na galit sa akin ang Mommy ko dahil ako na ang sinisisi dahil sa pag-kalala ng sakit ni Daddy.
Malaki ang galit ko kay Dale,kasi hindi man lang siya nakinig sa mga paliwanag at pagmakaawa ko sa kanya. Sobrang sakit! Wala ng mas ikasasakit pa lalo pa ng mamatay ang Daddy ko.
"Maghihiganti rin ako sau, Dale. Wala kang konsiderasyon. Wala kang puso!"
Sumisigaw at umiiyak ako sa aking sasakyan habang nag-mamaneho pauwi sa bahay ko. Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan. Pati ulan ay sumasabay sa aking simyento. Nagdahan-dahan ako sa pagpapatakbo ng sasakyan dahil madulas ang daan.
Atlast, nakarating ako sa bahay ko ng safe and sound. Wala na rin ang ulan, talaga itong ulan na ito eh sumasabay sa akin. Pumasok ako sa loob at nag-handa para maligo. Pagkatapos ko nag-bihis ay nagtungo ako sa bar counter.
My phone rang, tumaas ang kilay ko dahil hindi ako nag-eexpect ng tawag kahit kanino man. Hindi nga ako tinatawagan ng Mommy ko. Who the hell is calling?
Lumaki ang mata ng mabasa kong si Gregg ang tumatawag. Katatapos lang namin mag-usap ah. Tapos patawag-tawag pa? Dam him!
"Yes," sinagot ko ng walang kabuhay-buhay.
"Hey, Miss beautiful!
Napa-pikit ako sa aking narinig. Ito na lang lagi ang kanyang bukam-bibig. Alam ko na maganda ako. Pero kapag siya ang nag-sasabi, imbes na matuwa ako ay naiinis ako.
Paano kasi, those words reminds me nuong ginawa namin ang kalokohan naming dalawa. Ayoko na alalahanin kaya iwinaksi ko ang aking iniisip.
" What makes you silent, Miss beautiful?
"Nothing, you asshole!"
"Yeah, but you tasted this asshole, right?
Namula ang pisngi ko dahil sa kanyang sinabi. Pina paalala na naman ang asshole na ito ang aming nakaraan, dahilan para mangyari ito lahat ang pagkawala ni Dale sa buhay ko.
Everything is a mess now! Slowly anger comes out again from me. Ibinaling ko ang attention ko sa asshole na si Gregg. Nasa kabilang linya pa naman ito dahil naririnig ko ang kanyang pag hinga.
"Are you drunk?"
"Not, bad, Miss beautiful. Just had a hard time."
"For what?"
" For you"
"What, for me?
" Ah, nothing forget it. Bye!"
"Crazy!" I whispered.
Di ba gusto ko uminom? Ito kasing Gregg panira ng mood eh. Patawag-tawag pa, tapos na nga lang ang aming pag-uusap.
Kumuha ako ng wine at nag-salin sa baso. Tinungga ko ito ng sunud-sunod. Gusto kong malasing para makalimutan lahat ng masalimuot sa buhay ko kahit ngayon lang. Nalasing nga ako.
Daddy flashed in my mind. Ito na naman ako, ang nakaraan na naman!
Ramdam ko ang kalasingan ko pero kulang pa, gusto ko pa uminom ng marami. Hanggang naubos ko ang isang bote ng alak.
Sinubukan kong tumayo, nag-tagumpay naman ako pero natumba ako. Isa pang pagkakataon ang ginawa ko ngunit di ko talaga kaya tumayo mag-isa. Kumapit ako sa bar counter para alalayan ang sarili ko ngunit natumba ako.