bc

Under His Secret Watch

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
friends to lovers
heir/heiress
drama
sweet
small town
like
intro-logo
Blurb

The female lead is a rich heiress with a very strong personality outside but deep inside she was very soft and kind. Her outside personality isn't who she really is but only a facade because she doesn't want to people to pity her. One day, she got almost killed by a hitman for hire and that forced her dad to send her away to a quiet and remote province to lie low until the mastermind comes to light. She was forced to pretend to be someone she's not, an ordinary villager in that quiet province. She will then meet the male lead there. He is a go-with-the-flow type of man who is very simple, friendly, and well-known in that place. She was forced to rent a room where the male lead and his grandma lives and was forced to bond with him every single day not her knowing that the man she's living with was the man his dad hired to keep her safe in secret, and the room she's renting is also part of his dad's plan to keep her safe. As they get closer they started to know more of each other and romance took place between them.

chap-preview
Free preview
A THREAT TO MY LIFE
[Daphne's POV] I am Daphne Sloane Domingo Macalintal, ako ang nag-iisang anak ni Victorino Reyes Macalintal at Shantal Domingo Macalintal. And yes, ang dad and mom ko ang founder ng DM Group of Companies wherein we specialize in manufacturing, importing, and distributing of cosmetics, pharmaceutical and medical devices here in the Philippines. Ngayon, ako ang current Chief Operating Officer of the company and directly reporting ako sa dad ko who is the founder, CEO, and as well the chairman of the board. Kasama ko sa C-Suite Executives ang aking stepsister na si Stella bilang Chief Marketing Officer, at ang stepbrother ko naman na si Travis bilang Chief Financial Officer. And if tatanungin niyo kung close ba kaming tatlo, ang sagot ay hindi. Pero parang hindi rin naman kami nagbabangayan na parang katulad sa telenovela, parang wala lang kaming pakealam sa bawat isa ganun. Kumakain kami na magkakasama sa bahay, nag-uusap tungkol sa kompanya, pero yung hidwaan parang wala naman. Hindi naman nila ako binully at hindi ko rin naman iyon ginawa sa kanila. Kaya lang kahit ganun ang setup namin na wala namang awayan or hidwaan, madalas napapansin ko na outcast ako sa pamilyang kinabibilangan ko ngayon. Stella and Travis are real brothers and sisters, so they have each other tapos meron pa silang additional member of the family na si Nicholas which is our half brother. While ako, I only have dad and kahati ko na rin sila sa pagmamahal na iyon. Hindi katulad nila na may nanay sila na buo ang pagmamahal sa kanila. My mom died when I was 8 years old due to an accident. It was the hardest days, months, and year of my life. But I have to be strong, kailangan ko maging matatag at an early age. "Kawawa naman si Daphne, ang bata pa namatayan na ng magulang." "Kaya nga eh. Kawawang bata, lalaki na walang nanay." Yes, puro kawawa ang naririnig ko mula sa ibang tao simula ng mamatay si Mommy. Kapag family day sa school, hindi rin ako nasasamahan ni daddy kasi busy siya na palaguin ang business na mag-isa, lalo na at wala na si mommy sa tabi niya. "Kawawa naman yung bata, yaya na naman niya ang kasama niya." "Wala atang pakealam ang mga magulang sa kanya." "Hindi. Namatay na kasi yung mommy niyan. Busy pa naman daddy niya sa business. May pera lang sila pero kawawa ang bata." Madalas na bulungan ng mga nanay ng classmates ko sa school yan kapag nakikita nila ako sa mga events na ako lang ang mag-isa. Naging pambubully din sa akin 'yan. Pinagtatawanan ako kasi sa klase na kinabibilangan ko ay ako lang ang walang buhay na nanay, ako lang ang kulang ang pamilya. I remember, napatawag pa ako sa principal's office when I was in 1st year high school kasi lumaban ako at nakipagsabunutan sa kaklase ko na tinawag akong motherless. And then one day, I was 16 yrs old noon, dumating sa buhay ko si tita Caroline, mommy nila Travis, Stella, and Nicholas. She was pretty, soft-spoken, well-mannered, and kind. Hindi ko sana gusto na mag-asawa ulit ang daddy pero nang makita ko ang ngiti sa labi niya ay may parang kumirot sa puso ko at napapayag ako. And so they got married, Travis and Stella moved-in with us and then after 2 years of their marriage Nicholas came into our family. At dahil siya lang ang baby sa amin lahat, he was everyone's favorite and that includes me. Tita Caroline supported me at everything, kapag pinapagalitan ako ni Daddy ay ipinagtatanggol niya ako. She tried her best to treat me in a way where I could feel na hindi ako iba sa kanila, at na anak niya rin ako. But there's something inside me na ayaw ko mapalapit, na ayaw ko masyadong magtiwala kasi even if she treated me nicely, alam ko sa sarili ko na hindi ako totoong nanggaling sa kanya. At may fear sa akin na darating ang araw na masaktan ako dahil dito. Gusto ko protektahan ang sarili ko kaya mas pinili ko maging mag-isa, maging matatag, at magtiwala lang sa sarili ko. So far, wala naman akong makekwento na masama about them kasi they never treated me awful in the span of 9 years of living together. Mabait naman sila sa akin plus napapasaya nila ang daddy ko kasi minahal din nila si daddy na parang totoong tatay nila. We were not close but we don't hate each other, as far as I' concern. But then one day a package arrived at my office, and when I opened it, there were picture of me na may mga nakadrawing na sungay and a note that says, "I will kill you soon." Inisip ko kung sino sa mga naencounter ko ang possible na may galit sa akin, pero wala naman akong maisip kung sino. Wala rin naman akong nakakaaway to the point na gusto niya akong patayin. I immediately called my best friend/cousin. "France." pagtawag ko sa pangalan niya when she picked up the call. "Hello, Daph. Bakit napatawag ka?" tanong niya sa akin. "Can you come here sa office ko? I have something to discuss with you." sabi ko naman sa kanya. "Okay, I'll be there in a while." She is also part of the company, and she's working as the Junior Vice President for operations. Kaya mas madali na mapag-usapan namin in person kasi nandito lang siya sa building kung nasaan din ako. Pagpasok niya sa office ko ay nakangiti siya sa akin. Hindi niya pa kasi alam kung ano ang nangyari. Hindi na ako nagpaligoy ligoy at kaagad ko sinabi ang dahilan kung bakit ko siya pinapunta. "I received a death threat." sabi ko naman kaagad sa kanya kaya napawi ang ngiti sa mga labi niya. "Huh?! Nasaan?" tanong niya sa akin in her most concerned tone. "Here." iniabot ko sa kanya ang package na dumating and when she opened it ay nabitawan niya kaagad ito. "Oh my gosh. Sino naman ang magpapadala sayo ng ganyan?! Like, may nakaaway ka ba? Someone in mind?" tanong niya sa akin. "Wala. Hindi ko alam." sagot ko naman sa kanya, "Wala akong idea." dagdag ko pa, "Wait... Malapit na ang board meeting diba para sa pagtatalaga ng bagong CEO?" tanong niya naman sa akin, "Ayoko naman sana sila bigyan ng masamang impact sayo pero hindi kaya isa yan sa mga step siblings mo? Or ang stepmom mo?" dagdag na tanong niya sa akin. Napaisip naman ako pero parang hindi naman nila yun kayang gawin sa akin. "I don't think so." sagot ko naman sa kanya. "Tandaan mo, sila lang din naman ang pwede mo makalaban para sa pagiging CEO so malaki ang possibility." sabi niya sa akin, "I don't know pero yun ang kutob ko. And lahat ng kutob ko hindi pa nagkakamali diba." Totoo siya sa sinabi niyang 'yun kaya mas napaisip ako. For now, I need to check their movements. Kung sakaling kaya nila akong saktan para sa posisyon, grabe pala ang nagagawa ng power sa isang tao. I was on my way home when I felt someone following me, and when I look at my rear view mirror, I saw a riding-in-tandem following me, both of them are wearing masks. Binilisan ko ang pagpapatakbo sa kotse ko pero binaril nila ang gulong ko, dahilan upang magpagewang gewang ako at bumangga ako sa isang puno. After that, nawalan ako ng malay. The next thing I know is nasa ospital na ako. "Ate, you're awake?" napatingin ako sa kanan ko ng marinig ko ang boses ni Nicholas. "Don't shout, anak." suway naman ni Tita Caroline sa akin, "Daphne, are you okay?" tanong niya naman sa akin in her soft voice. Tumango ako dahan-dahan bago ko inilibot ang mata ko sa loob ng kwarto. Nandito rin ang daddy, nakatayo sa kaliwang side ko. At nakaupo naman sa sofa si Travis and Stella na nakatingin sa akin. "What happened, Daphne?" nag-aalalang tanong din ni Daddy sa akin. Hindi ko siya sinagot, ibinalik ko ang tanong. "How'd you know na naaksidente ako agad?" tanong ko kasi nang mapansin ko ang oras parang ang bilis naman nila malaman na nandito ako at kumpleto pa sila. Malayo pa ako sa bahay when it happened, plus liblib ang lugar na dinaanan ko so how come na may nakapagrespond agad ang medics and nadalas ako agad sa ospital. "Travis told us." sabi naman ni tita Caroline. "Yes. Someone texted me na naaksidente ka." pag-eexplain naman niya. And he sounded so guilty when he explained himself. Kinabahan ako nang marealize ko na mukhang siya ang may kinalaman sa aksidente na ito. "I need to talk to dad. Alone." sabi ko naman sa kanila with my firm voice.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yüzbaşının Cerrahı

read
1.6M
bc

The Silver Wolf

read
609.9K
bc

The Billionaire’s Intern

read
1.2M
bc

Chosen, just to be Rejected

read
905.7K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
1.2M
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.3M
bc

Unscentable

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook