Mona Kaagad ko nang pinauwi si RM dahil natatakot akong maulit ang dating nangyari kung saan sinapak ni Trebor ang walang kamalay-malay kong kaibigan. "Please RM. Umuwi ka na. Natatakot ako kapag ganito ang ipinapakita ni Sir Trebor." Sabi ko kay RM. Halos ipagtulakan ko sya sa kanyang kotse. Ayokong maabutan sya ni Trebor. Pinigilan ako ni RM sa ginagawa kong pagtulak sa kanya. "Okay Mona, uuwi naman ako. Wag mo na akong ipagtulakan." Sabi nya Nakaramdam naman ako ng matinding konsensya sa ginawa ko sa kanya. Hindi ko dapat iyon ginawa. Ramdam ko ang lungkot sa mga tinig nya. "Sorry RM. Ayoko lang na saktan ka nya ulit." Banggit ko Tumango si RM sa akin. Bigla na lamang nya akong hinalikan sa noo. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Mas kakaiba ang paghalik nya sa noo ko kump

