Mona Umaga ng Linggo ay nagising ako dahil sa maliliit na halakhakan na nanggagaling sa may kusina. Hindi kasi kalayuan ang kusina sa kwarto namin ni Henry. Bumangon ako at naupo sa aking kama. Napansin kong wala na sa kanyang hinihigaan si Henry. Nasaan kaya sya? Napakaaga naman nyang gumising. Nagtungo ako sa banyo upang maghilamos. Pagkatapos ay inayos ko ang aking kama at saka ako lumabas ng kwarto para tignan ang mga nag-iingay sa kusina. Naroroon yata ang lahat. Ako na lang ang naiwang natutulog? Napaka-aga naman nilang mag-sigising. "Ang galing nyo na maghiwa ng carrots Sir Trebor." Narinig kong wika ni ate Grace. Kunot noo ako habang papalapit sa may kusina. Anong ginagawa ni Trebor sa kusina? At naghihiwa pa sya ng carrots? "I am your chef for this day, so ayokong m

