Mona Malalaki at padabog ang mga hakbang ko habang pabalik ako ng kusina. Kailangan kong makausap si Lilibeth ngayon. Hindi ko alam ang gusto nyang mangyari. Lagi na lang ba nya akong aapihin? Ilang beses na nyang sinira ang mga gamit ko. Tapos ngayon naman ay tinapunan nya ng pulang pintura ang mga damit ko. Pagdating ko sa kusina ay masayang nagkukwentuhan sina Manang Iska, ate Grace at Lilibeth. Sa itsura ni Lilibeth ay akala mo naman wala syang ginawang masama ngayong umaga. Nakukuha pa nyang humalakhak sa mga oras na ito. Galit na galit akong tumindig sa kanilang harapan. Ikinagulat nilang lahat ang aking presensya. "Oh hija, nandito ka na pala. Magtungo ka na sa kwarto ni Sir Trebor para maglinis, para matapos ka rin ng maaga." Wika ni Manang Pero nanatili akong nakatin

