Trebor Walang nakakaalam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Ang buong akala ng lahat ay hindi nakakaramdam ng kahit anong sakit si Agila. Ang nasa isip nila ay makakayanan ko palagi ang paghihinagpis na ibinibigay sa akin ng mundo. Ang akala siguro ng iba ay manhid talaga ang puso ko. Kung alam lang ni Mona na labag sa loob ko ang palayain sya. Kung alam lang nya kung gaano ko kagustong makasama sya habambuhay. Kung alam lang nya na sya ang pinangarap kong makasama hanggang sa pagtanda ko at maging ina ng aking mga anak. Ngunit magiging sakim lamang ako kung patuloy ko lang syang paaasahin na maaari pa naming ipagpatuloy ang naudlot naming pag-iibigan na pilit namang hinahadlangan ng kapalaran. Nakapagdesisyon na akong palayain sya. Buo na ito at wala ng makakapagbago

