Mona "Mommy! Yung socks ko po nakita nyo?" Inaayos ko ng mga oras na iyon ang lunch box ni Sam nang magtanong sya sa akin. Lagi na lamang nawawala ang mga gamit nya at gusto nyang lagi si Mommy ang mag-asikaso sa kanya kapag nandito ako. Pagkatapos kong ayusin ang kanyang baon ay kaagad akong nagtungo sa kanya upang hanapin ang nawawala nyang medyas. Napailing ako sa kanya at napameywang. "Samantha? Ayan ang socks mo po oh, nauupuan mo na." Wika ko Kaagad na napatayo si Sam at kinuha ang kanyang medyas. Bahagya syang natatawa sa kanyang sarili dahil hindi sya marunong maghanap. "Sorry po Mommy." Nakangiti naman nyang wika sa akin Kinuha ko ang medyas sa kanya at ako mismo ang nagsuot nito sa kanyang mga paa. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang kasiyahan kapag ako mismo

