Chapter 3

2093 Words
Ramona Tampipi POV “Ramonaaa!” sigaw ng bestfriend kong bakla na si Henry at walang habas na pumasok sa loob ng kwarto ko. Hindi man lang kumatok? Hindi man lang nagpasintabi? “Uhh my Gad!” bigla nya ding tili Napaigtad ako sa gulat! Pati sya ay nagulat nang masaksihan nya ang mga pinaggagagawa ko sa loob ng kwarto. Oh! Kala nyo rich kid? Porket may kwarto?  Pangkarinawang mamamayan lang ako ng CDO. Char! Anyways balik tayo sa sigaw ng bakla. “Ano ka ba naman Henry oh!!! Panira ka ng ritwal!” bulyaw ko sa kanya Nilapitan nya ako at ang mga parapernalyang hawak ko. Alam kong labag sa mata ng mga tao ang giangawa ko, pero wala na akong choice! Kailangan ko na talagang gawin ito! “Nakakakilabot na yang ginagawa mo Mona ha. Ano to gayuma o kulam??!” sigaw pa nya habang hinablot ang pulang kandila sa mga kamay ko. Napatayo ako at humaba ang nguso ko sa kanya. Baklang to! Agaw trip? “Sinira mo na talaga ang ritwal na ginagawa ko kay papa Trebor! Bwiset!” pagmamaktol ko Hawak ko ang picture ni Trebor at pinaghahalikan ko ito sa harapan ng kaibigan kong bading! At totoo ang sinasabi nya, sinusubukan kong gayumahin ang ultimate crush kong si Trebor Castellvi! Since high school days ay patay na patay na ako sa kanya. Alam kong doble ang agwat ng edad namin pero sya talaga ang pinapangarap ko. Sa kanya ko lang ibibigay ang iniingatan kong yaman. Sa kanya ko lang nais isuko ang Cagayan! Chos! “Baliw na baliw talaga kay Papa Trebor? Sabagay, kahit ako naman eh kinikilig ang p********e ko kapag nakikita ko ang mga billboards nya! Aww” sabi ng bakla Aba? Nakikiagaw pa sa akin ang baklang to. “No! No! No Way! Sa akin lang si Papa Trebor! Hindi ka pwedeng magkagusto sa kanya dahil akin sya! At anong p********e? Eh ang laki ng alaga mong ahas!” sabi ko "Aba bastos ka! Bastos ka!" Sigaw nya habang pinaghahampas ang braso ko! Maldita talaga! Tinaasan pa ako ng kilay ng bakla. Mas mataas pa kaysa sa grades nya sa Math nung grade 2 sya! Pwe! “Sakim na sakim? Gusto mo sayo lang si Papa Trebor? Sige, okay lang kung ipagdamot mo sya sa akin. Gusto lang naman kitang inggitinin. Dahil araw araw ay makakasama ko na si Papa Trebor Bleh!” pag-iingit nya sa akin Lumaki at bumilog ang mga mata ko kay Henry. Huwag na huwag nya akong binibiro tungkol kay Papa Trebor. At ano tong sinasabi nya na makakasama nya si Trebor araw araw?? "P-paano mo naman nasabi na magkakasama kayo araw araw aber? Feeling jowa ka ganun?" Sabat ko sa kanya dahil nasasabik ako sa mga susunod na sasabihin nya. Umikot ikot sya sa harapan ko at kitang kita ko sa mga mata nya na iniinggit nya talaga ako. "Nag-apply lang naman akong hardinero sa mansyon nila! Stay in! You know wat I mean? S.T.A.Y  I.N! At magsisimula na ako bukas!" Pang-aasar nya sa akin Paulit ulit na tumatak sa utak ko ang salitang STAY IN! Ibig sabihin ay sa mansyon din ni Trebor titira ang bestfriend ko? Kung gayon, araw araw ay makikita nya ito! Araw araw ay makakasama nya! Araw araw ay maamoy nya si Trebor! "Ahhhhhhh! Mag-aapply din ako!" Sigaw ko Halos lumuhod at magmakaawa ako sa kanya! Inuga uga ko sya! Hinatak hatak ko ang tshirt na suot nya hanggang sa mahubaran sya! Desperada na talaga ako!!! "Ano ba bitawan mo ako! Anong trabaho naman ang aaplyan mo? Kumpleto na katulong nila noh!" Naiiritang tanong nya "Kahit tagasubo ng ubas! Tagahilod ng likod nya o kaya tagamasahe sa kanya tuwing gabi! Sige na! Isama mo na ako sa raket mo!" Pagmamakaawa ko "Para kang tanga! Hindi naman ako ang mayordoma noh! Si Nanay Iska, sya ang nag-interview sa akin. Saka wala na talagang bakante, tinanong ko na dahil nga naisip kita!" Wika nya Ginusot gusot ko ang mukha ko! Hindi pwede! Kailangan ko ring makapasok sa mansyon ni Trebor! Kung kinakailangang maging katulong ako ng mansyon ay gagawin ko, mapalapit lang ako sa kanya! "Sasama ako sayo bukas!" Seryoso kong wika sa kanya Napailing si Henry sa mga sinasabi ko. "Baliw ka na talaga! Tse!!" Sigaw ni Henry sabay walk out. Ako si Ramona Tampipi, Mona for short, desi otso anyos tubong Cagayan de Oro! Mag-isa na lang ako sa buhay. Sabay na namayapa ang nanay at tatay ko. Talagang mahal na mahal nila ang isa't isa dahil hanggang kamatayan, magkasama sila. Sana all may pag-ibig na wagas! Nakasanayan ko na rin ang mag-isa. Wala rin akong mga kapatid para madamayan ko sana. Pero kahit ganito ang naging sitwasyon ng buhay ko ay pinipilit ko pa rin bumangon at maging masaya. Laban lang ganern! Kung ano anong raket ang pinapasukan ko mabuhay ko lang ang sarili ko. Huwag lang ang magbenta ng laman dahil di ko keri yun! Hindi na rin ako nakapag-aral dahil masyadong magastos ang pag-aaral. Sa pagkain ko pa nga lang nagkukulang na ako. Sa napakamahal na tuition pa kaya ng isang Universidad? Josko lord, hindi ko kayang pag-aralin ang sarili ko noh! Pero hindi pa rin naman ako nawawalan ng pag-asa na balang araw ay makapag-aral ulit ako! At ngayon ngang ibinalita sa akin ni Henry na papasok sya bilang hardinero sa mansyon nila Trebor Castellvi, ay aba dapat na makapasok din ako doon. Bukod sa may permanente na akong trabaho kung sakali, makikita ko pa si Papa Trebor, the love of my life! Sya ang pinakamayang tao dito sa buong Cagayan de Oro.  Sipag, tiyaga at pagsusumikap ang naging puhunan nya para mapagtagumpayan nya kung ano man ang narating nya ngayon. Isa syang inspirasyon para sa lahat. Pero hindi naman dahil sa sobrang yaman nya at gwapo sya kaya ko nagustuhan ang tulad nya. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko, gumising na lang ako isang araw na mahal ko na sya! Awww! Landee! Nang gabing iyon ay agad kong inaayos ang mga gamit ko. Bahala na! Basta pakikiusapan ko din si Nanay Iska na tanggapin nya rin ako bilang katulong sa mansyon! Desperada na kung desperada, gusto ko talagang mapalapit kay Trebor. At isa pa kailangan ko talaga ng trabaho. Kinuha ko din ang isang libro na iniingat ingatan ko. "Mga paraan kung paano mapapasaiyo ang taong mahal mo". Ito ay libro  ng panggagayuma. Binili ko na lang, dahil wala naman talagang pag-asa na magustuhan ako ni Trebor. Medyo maganda lang ako. Medyo sexy naman. Morena nga lang. Malayong malayo sa magagandang modelo na nakakasama nya. Malayong malayo sa namayapa nyang nobya na si Bianca!  Kaya ang pangagayuma ang naisip kong paraan. Baka sakaling may pag-asa pa. Pinag-ipunan ko pa ang pambili sa libro na ito. Tatlong araw lang naman akong hindi kumain mabili lang to! Charot! Kinaumagahan ay maaga akong nagtungo sa bahay ng baklang si Henry. Bubulabugin ko na sya at baka iwanan pa nya ako. "Bakla!" Ako naman ang nambulabog sa kanya "Ahhhh!" Sigaw nya habang nakatakip sa magkabila nyang dibdib. Nakatapis lang kasi sya ng tuwalya nung pumasok ako sa bahay nila. "Akala mo naman may makikita pa sayo! Kala mo babae!" Wika ko sa kanya Kumuha sya ng T-shirt at saka nya ito isinuot. Nilapitan nya ako na nakataas na naman ang mga kilay nya sa akin. "Hoy babae! Talagang makapal ang mukha mo? May dala ka ng bag agad agad? Ikaw tong feelingera na tatanggapin ka ni Manang Iska sa mansyon?" Bulyaw nya "Basta! Magmamakaawa ako kung kinakailangan!" "Eh paano kung walang mangyari?" Tanong pa nya Napanguso ako. "Ehh di sa labas lang ako! Hanggang papasukin na nya ako!" Sabay kindat sa kanya Napakusot ng mukha ang bakla. Isa talaga akong simbolo ng pagkadesperada! "Bilib ako sa fighting spirit mo! Ang taas! Grabe di ko maabot!" Inakbayan ko sya at inuga uga! "Bilisan mo na! Mahaba haba pang pakiusapan ang mangyayari mamaya!" Sabi ko Napailing si Henry. Wala na syang magagawa dahil kilala nya ako. Kapag ginusto ko ang isang bagay ay pinipilit ko talagang makuha. Kahit pa lumuha ako ng dugo at mahirapan ng todo, Go push lang! Pero sa totoo lang, bulto ng kaba ang nararamdaman ko! Di lang halata! Haha -- NapaWow kami sa ganda at laki ng mansyon ni Papa Trebor! Sa lahat ng mga bahay na nadaanan namin sa ekslusibong subdibisyon na ito, ay yung mansyon nya ang pinakakakaiba. Ang desenyo ng bahay nya ay nakakahumaling. Parang yung may ari lang. Ahhh, di na ako makapaghintay na makita sya. Ay teka, papakiusapan ko pa pala si Lola Iska. Hihi! Pagdating sa gate ay agad kaming inusisa ng guwardiya. "Kayo ba yung bagong hardinero? Bakit dalawa kayo? Isa lang ang sabi ni Manang Iska na darating ngayon?" Masungit na wika ni Kuya Guard Nagkatinginan kami ni Henry. Rumolyo ang mga mata nya sa akin. "Ah, eh Kuya papakiusapan lang namin si Manang Iska na kung pwedeng mag-apply din na katulong itong babae na to." Ani Henry Siniko ko ang tagiliran nya. Bastos talaga, hindi man lang ako binigyan ng pangalan. "Naku! Mag-aapply pa lang? Ewan ko lang kung tanggapin ka pa nya. Wala ng bakante Miss!" Pagbabalita ni Kuya Guard Ang sakit sakit ng mga sinabi nya. "Kakausapin ko po si Manang nasaan po sya? Please! Pagbigyan nyo po ako." Wika ko na may pakurap kurap pa ng mata sa kanya. Baka madaan ko sya sa ganito. Umiling iling ang guwardiya sa amin. At maya maya pa ay... "Ano ba yan Gardo? Bakit hindi mo pa papasukin si Henry?" Biglang wika ng isang matandang babae. Si Manang Iska! Nabuhayan na naman ako! "Hi! Good morning to you beautiful Manang!" Magandang pagbati ko sa kanya. Sobrang gaganda din ng mga ngiti ko sa kanya. Yung ngiting pang Miss U, panalo! "Oh sino naman ang isang ito?" Tanong nya ng makita nya ako. Napakamot na sa kanyang ulo sa itaas ang bestfriend ko. Pakiramdam ko ay ikinahihiya nya ako. Pasaway talagang kaibigan to! Hindi man lang proud sa akin? "Manang Iska, magandang umaga. Pasensya na po, gusto din kasing mag-apply ng kaibigan ko dito. Kahit anong trabaho. Wala na kasi syang kasama sa buhay. Kawawa naman po. Mabait naman po sya." Aba, very good naman pala si Henry. Inangat nya din ako kay Manang  Iska. Pinagdikit ko ang dalawang palad ko na tila lubos na nanlilimos sa kanya ng awa. Umakting din ako na tila nalulungkot para epektib ang pagmamakaawa ko sa kanya. Agad naman akong sinuri ni Manang Iska. May pahikbi hikbi pa ako para malaman nya na mahirap ang nag-iisa sa buhay. Mukhang makukuha ko na ang loob ni Manang, naaawa na yata sa akin. Kung tignan nya ako ay parang tutunawin nya ako sa kintatayuan ko. Oh! Manang please! Tanggapin nyo na ako! Sigaw ng isip ko! Napapikit ang isang mata ko sa tagal magdesisyon ni Manang! Over naman sa tagal magdesisyon ni Manang Iska. Pagod na akong umakting! "You're hired!" Isang baritong boses ang umalingawngaw sa tenga ko. Biglang kumalabog ang puso ko. Parang ayokong lingunin ang nagsalita. Nanlagkit na rin ang pawis sa noo, leeg at kili kili ko! Kinakabahan ako. Gosh! Dahan dahan kong nilingon ang pinagmulan ng boses. Yung puso ko halos magwelga sa loob ng dibdib ko! Gusto nitong kumawala! Kitang kita lang naman ng dalawang mata ko si Papa Trebor!  Si Trebor na tinitibok ng puso at ng p********e ko! Si Trebor na pinapangarap ko! "Ahhhhhhhhhhh!" Sigaw ko Natarantang napatingin silang lahat sa akin. Hindi ko na naalis ang tingin ko sa lalaking may bihag ng puso ko. Lumapit pa sya sa akin. Unti unting nawala sa paningin ko ang ibang mga bagay. Sya lang ang nakikita ko habang naglalakad syang papalapit sa akin. At nang marating nya ang harapan ko. Nalanghap  ko ang napakabango nyang amoy na pinapangarap ko lang dati. Pumikit ako at sinamsam ko pang lalo ang amoy nya. Nakakaadik talaga! At bgla nya akong hinawakan sa balikat. "Is there a problem young lady?" Aniya Nagulat ako! Tumigil ako sa paghinga. Hindi ko na kaya ang kilig na nag-uumapaw sa puso ko. Ngumiti ako! At maya maya pa ay natumba ako sa harapan nya. Napasubsob ako sa matipuno nyang dibdib. Parang gusto kong tumira doon. Doon na lang ako sa dibdib nya, kontento na ako doon! At ang huling tinig na narinig ko. "What the heck? Alisin nyo sya sa harapan ko!" Sigaw ni Papa Trebor Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nahimatay lang naman ako sa kilig dahil kay Trebor Castellvi! I love you Trebor! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD