Mona Isang baldeng kaba at takot naman ang bitbit ko habang pabalik kami ni RM sa CDO. Tatlong araw ko syang kasama. Tatlong araw ding nakapatay ang cellphone ko at walang nanggugulo sa akin. Pero ngayong tapos na ang tatlong araw na bakasyon namin sa Coron ay tila bumalik ako sa katotohanan. Alam kong puno na naman ng galit si Trebor sa oras na makabalik ako sa mansyon. Wala akong ideya kung ano ang mga nangyari sa kanila sa mansyon. Wala akong ideya kung nagwala na naman ba sya kagaya ng dati. Habang sakay kami ng eroplano ay mahigpit na nakahawak sa palad ko si RM. Pilit nya akong pinapakalma. Ramdam nya rin ang labis na takot na nag-uumapaw sa puso ko. "Huwag ka nang matakot. Isipin mo na lang at lilipas din ang araw na 'to." Bulong nya Paano nagagawa ni RM na kumalma gayong

