Iniisip ni professor Kenny ang sinabi sa kaniya nung matandang nakasalubong niya kanina. Ang sabi kasi ay may hiwaga raw na naghihintay sa itaas ng bundok. Doon sa may nakadungaw na bato. Ano kaya iyon? Laking pagtataka rin niya noong malaman niyang pumupunta pala rito ang kanyang ina upang magdasal sa mga bathala. At ano naman kaya ang ipinagdarasal nito? “Hayst… kung saan malapit na akong magpahinga, tsaka naman darating ‘tong mga ‘to.” Nasabi na lang niya sa kanyang sarili habang hingal na ring naglalakad paakyat ng talampas. Bilang isang professor ay sanay na rin ang katawan ni Kenny dahil may weekly exercise naman silang ginagawa everytime na may pasok sila. And besides, nag-eenjoy rin naman siya dahil sa ganda ng tanawin mula rito sa itaas. Nakikita kasi niya ang buong probinsya k

