Chapter 13

1168 Words
Nabigla nalang si professor Kenny sa nangyari at wala nang nagawa pa. Ipinaubaya nalang niya kay Kevin ang dala niyang mga gamit dahil naibigay na rin ng kaniyang mga kamay. “Oh, ano pang hinihintay mo d’yan, professor Kenny? Baka ma-late ka pa ng 30mins sa katatayo mo lang d’yan." Pabiro namang ani ni Kevin sa kaniya. “ahhh…hmmm…” Napatango nalang din ang professor bilang tugon nito. " Su-sure…" Sumunod na rin siya kay Kevin habang naguguluhan ang kaniyang isip. What is this all about? I mean, professor Kenny was just shocked sa nangyari. She was avoiding Kevin the whole time, and perhaps that's her goal: to not entertain him and engage in that unforgettable moment that happened to them that night. “Ke-Kevin…” " Kung iniisip po ninyo na ginagawa ko po ito dahil gusto kong mag sipsip sa inyo, nagkakamali po kayo, prof. This is just an act of service. Hindi ka dapat nagbubuhat ng mga mabibigat lalo na’t kakalabas mo palang ng ospital. You should have to take care of yourself, Professor Kenny.” Derikta namang sagot ni Kevin sa kaniya habang nakatalikod pa rin ito at binabaybay ang daan papunta sa kanilang silid. “No…” Sagot naman ni professor Kenny sa kaniya habang malalim ang iniisip. Gusto niyang malaman kung ano ang motibo ni Kevin sa kaniyang mga ginawa. There is something lurking behind all of his actions. " I mean, yeah,... thank you, but kaya ko naman.” “Yes you are, professor Kenny." Sagot naman ni Kevin dito. Nang marating nila ang silid ay naka-atensyon na ang lahat ng mga ka-block ni Kevin at hinihintay na lang ang pagpasok ng kanilang professor. Nagulat naman sila ng pumasok si Kevin dala ang mga gamit ng hinihintay nila, ngunit dahil nakasunod sa kaniya si Prof. Kenny ay wala na rin silang magawa. matapos ang klase ay naiwan lang si Kevin sa kaniyang upuan habang malalim ang iniisip. Tama kaya ang ginawa niyang hakbang upang makalapit sa kaniyang professor? “Kevin… ano ‘yon? Aba, ang tibay naman ng mukha mo ‘no, si professor Kenny ‘yon hoy, tapos kinuha mo lang mga gamit niya at dinala pa dito?” Pagsisimula ni Ralp habang papalapit sa upuan ni Kevin. " May tinatago ka rin naman palang tibay ‘no…” Umupo siya sa tabi nito habang nakangiti. Eyes can't lie and sure he was really curious about what's going on. Si professor Kenny kasi ang isa sa mga terror na professor sa unibersidad na ito, and perhaps, nagawa lang ni Kevin na offeran ito ng tulong? I mean, wala namang masama sa pagtulong ngunit talagang masama kung kay professor Kenny ka mag-ooffer ng tulong. Kilala kasi siya bilang isang independent woman advocate, kaya talagang standing on her shoes itong si Prof. “Oh, tumulong lang naman ako eh. Tsaka kakalabas lang niya ng ospital, diba? Syempre nakakasama sa kaniya ‘yong nagbubuhat ng mga mabibigat." Sagot naman ni Kevin sa kaniyang kaibigan. “Wala rin namang masama sa pagtulong…” " Talagang wala!” Pasigaw nitong ani na sinabayan naman ng kanilang mga ka-block. " Pero kay professor Kenny, meron!" At sabay ani. “Eh?" Napataas naman siya ng kilay dahil sa mga sentimento ng kaniyang mga ka-block, ngunit alam din niyang wala siyang ginagawang masama kaya hindi siya nababahala. “Hoy! Kevin, pinapatawag ka raw ni professor Kenny sa faculty office.” Ani nung isa sa mga ka-block niya. Nagulat naman siya sa narinig at napaisip kung bakit siya ipinatawag. “ Bakit daw?” " Hindi ko rin alam eh…" “Nako, mukhang yari talaga ako nito…" “Talagang mayayari ka!" Sa loob ng faculty office, habang naghihintay si professor Kenny sa ipinatawag niyang si Kevin, ay naguguluhan rin siya sa mga nangyayari. Kevin gave him this really strange stare, he visited her to the hospital, and then he carried her things up. He's very caring, and maybe this is because of what happened to them– that unforgettable moment during the Criminology Night. “Ipinatawag n’yo raw po ako, professor Kenny?" Pasimulang tanong ni Kevin nang makapasok na siya sa loob ng faculty office. “Ahh…yeah… upo ka.” Lumingon-lingon si Kevin sa paligid at saktong sila lang ang tao sa loob ng faculty office kaya malaking chance na rin ito para sa kaniya. Maaari kasi niyang sabihin ang kaniyang gustong sabihin sa professor, at itanong ang lahat ng tanong na gumugulo sa isip niya. Well, kahit naman siguro sino ay nababagabag kapag hindi tayo sigurado sa isang bagay. We only keep on giving assumptions, without having certainty. Perhaps, iyan ang reyalidad na ating ginagalawan. We are surrounded by uncertainties and if we could find someone where to ask for the right path to take, sure we would rush towards him. We might even give them the best present we have, just for us to be certain about everything beyond. “So, what's this all about, Kevin? That strange stare, that time when you visit at the hospital, and this? Why are you doing this to me? I mean, for all students, ikaw pa na first year lang ang gumawa sa akin nito? Hindi nga ganiyan kung makatitig sa akin ang mga seniors mo eh, tapos ikaw parang huhubaran mo na ako!?” After what he heard from her, nanlumo siya na para bang biglang may napunit na ugat sa kaniyang puso. Hindi man ito halata sa kaniyang postura dahil sa makisig na pangangatawan at tindig nito, ay hindi pa rin niya kayang itago ang kaniyang nararamdamang sakit. “That…that look… the way how you look at me, ano bang ibig sabihin niyan ha, Kevin!?” Puna pa ng kaniyang professor dahil sa panay na titig nito, ngunit walang bakas ng sagot ang nakikita niya sa mga mata ni Kevin. It was full of conviction. Para bang mata ng isang gutom na lion sa kagubatan, at naghahanap ng makakain. Nagmamasid, at humahanap ng perpektong tyempo. “Wala ka man lang sasabihin, Kevin, ha? Alam mo bang pwede kilang bigyan ng sanctions dahil sa mga ginagawa mo!?" “Edi mag sanction kayo, professor Kenny! Puro lang naman alam niyo eh, sanctions! Kapag may mali kami, sanctions agad, diba? Kasi tama kayo palagi eh?” Napatayo si Kevin sa kaniyang kinauupuan at napataas ang kaniyang boses. “Hindi ba pwedeng naghahanap lang ng malinaw na sagot sa napakadaming magulong tanong, professor Kenny? And I'm sure you already know why I am like this!” “Wow ha, Kevin, it was just normal s*x. Nothing more and nothing less. Now, kung iniisip mo na may dahilan ang lahat ng ‘yon, well, I'm telling you right now, walang kabuluhan ang lahat ng ‘yon!” She scoffed, the took a deep sigh, at hinawi niya ang kaniyang buhok. "It's non-deliberative and it only happened because we were drunk. You know what, Kevin? I'm done with it. Let's keep it from here at sana wala ng iba pang nakaka-alam ng nangyari sa atin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD