Mahigit dalawang araw na rin simula noong huling binisita ni Kevin ang kaniyang professor sa ospital. Sa loob ng dalawang araw na iyon ay hindi rin mapigilan ni Kevin na mangamba. Gusto rin naman niyang kumustahin ang professor ngunit nabahala siya baka kung ano rin ang isipin ng ibang tao kung siya lang ang dadalaw doon.
“Oh, aling Dilia, ‘yong isda ko ha. Kahit ‘wag mo na akong ambunan, isang bangus lang pwede na." Pabirong sabi Kevin kay aling Dilia na nag-aayos ng kaniyang panindang isda.
“Alam mo naman, masarap ang bangus sa umaga. Lalo na ‘pag sinigang."
“Ikaw talaga oh." Sagot naman ni aling Dilia sa kaniya.
“Oo na, padalhan kita mamaya. Total maaga pa naman ay tulongan mo muna ako rito ‘no. Wala na rin kasi akong yelo, baka pwedeng makisuyo?"
Hindi na nag dalawang isip na lumakad si Kevin at sumakay ng kaniyang motor upang bumili ng yelo. Napaka-importante kasi ng yelo sa mga nagtitinda ng isda kaya pwede rin dito ang yelo business kung may sarili kang freezer.
Isang sako rin ng yelo ang binili ng Kevin at noong pauwi na siya ay biglang sumagi sa isip niya ang sinabi sa kaniyang ni Frances noong nakaraang araw. Papasok na raw kasi ngayong araw si professor Kenny dahil hindi naman daw ito nagtagal sa ospital. Ibig sabihin lang nun ay healthy naman at walang malalim na komplikasyon.
Sa halip na pumunta siya sa market at ihatid ang dala niyang yelo ay sinilip muna niya ang tahanan ng kaniyang professor. Pasado alas singko pa lang ng umaga ngunit mababakas na sa bahay ang liwanag. Nasa harap lang kasi si Kevin at minanmanan ang paligid sakto namang nasulyapan niya sa may bintana ang professor dahilan upang mapangiti nalang siya. Sure he was happy to see her. After all, he was really worried when he knew about what happened to her.
“How I wish I could ask you something, Prof. Kenny. I just really wanted to know what's going on…” Binulong nalang niya sa hangin ang mga iyon. He was not certain about what to feel, nor sure about what to do.
" Maybe I have to wait for that right moment when I can finally asked you something…” Muli pa niyang sabi ng bigla siyang hinagip ng malamig na hangin. Dinagdagan pa ito ng singaw ng yelo na karga niya kaya napayakap nalang siya sa kaniyang sarili.
Kompermado na niyang papasok ang professor ngayong araw dahil maaga naman itong gumagayak. Ngunit ganoon paman, hindi pa rin siya sigurado kung magbabago ba ang tingin niya rito o mananatiling professor pa rin ang kaniyang pagtingin. Hindi bale na nga, ang mahalaga ay malayo na sa kapahamakan ang professor at iyon ang mas ikinagagalak ni Kevin.
Madalas kasi silang magkatagpo sa unibersidad tuwing maagang papasok si Kevin para makapagbasa ng mga libro doon sa library.
“Aling Dilia, ito na po ‘yong yelo…” Ani niya at binuhat niya ito palapit sa may stall.
" Oh, natagalan ka yata ah…"
“Ah…eh… oo eh. Matigas na matigas naman ‘yang yelong nabili ko kaya sulit pa rin ‘yong paghihintay mo.” At kumidhat pa ito sa matanda sabay bitaw ng kaniyang ngiti.
" Sus, kunware kapa. Baka may dinalaw ‘ka mo.” Tumawa naman si aling Dilia.
“Oh siya sige na at tulongan mo muna akong mag re-ice nitong mga bangus ko."
Tinulungan niyang makapagre-ice ng kaniyang bangus si aling Dilia at nagpatuloy ang kanilang kwentohan.
“Napansin ko lang, bakit palagi kayong mag-isa rito, aling Dilia? Wala ba kayong kamag-anak? ‘Yong partner ninyo?”
" Ay nako, Kevin, napakahabang story. Basta ito lang ang masasabi ko sayo ha: gawin mo kung ano ang gusto mong gawin regardless kung may tutulong sayo o wala.”
“Korek!"
Matapos nilang mag ice ng mga bangus ay binigyan siya ng supot ni aling Dilia. May laman itong dalawang bangus katulad ng ipinangako nito na ikinatuwa naman ni Kevin. Sulit talaga ang kaniyang pagpa-part time job rito sa market dahil kikita na siya ng pera, makakalibre pa siya ng pang-ulam ng pamilya.
“Kunin mo na rin ‘to." At inabutan siya ng pera. Hindi na sana niya ito tatanggapin ngunit pinilit siya ng matandang kaya wala siyang choice.
“Sige na, kunin mo na. Hindi man ganun kalakihan, ngunit alam kong makakatulong ito sa iyo."
Nang makauwi na ay agad namang niluto ni Kevin ang dala niyang isda. Ang kaniyang inang Boging naman ay busy na rin sa paggayak ng makakain pati na rin ang kaniyang itang Paver.
“Anong oras klase mo, Kevin?" Tanong ng itang niya habang humihigop ng kape.
“Mamayang 7:30 pa, ‘tang."
“Oh, sige na magbihis ka na. Kami na ang bahala rito ng inang mo. Siguradohin mo lang ‘yang criminology mo na ‘yan, ha."
Tumango naman si Kevin sa ani ng itang bilang tugon.
Matapos niyang makaligo ay narinig niya ang usapan ng kaniyang itang.
“‘Yong anak nung kaibigan ko buntis at iniwan nung lalaki. Sayang kasi ipinagmamalaki pa naman niya ‘yon sa amin."
“Hayaan mo na. ‘Wag na lang tayong maki-alam sa kanila."
“Sa bagay tama ka nga naman. Swerte nalang siguro tayo dahil napalaki natin ng maayos mga anak natin…”
Habang nakikinig sa chismissan ng kaniyang magulang ay hindi maiwasang mabahala ni Kevin sa nangyari sa kanila ng kaniyang professor. Paano kung mabuntis ang kaniyang professor, ano na lang ang gagawin niya? Isa lang siyang first year student. Pinaka-lowest mammal sa loob ng criminology department, nakabuntis ng professor. Paniguradong magiging malaking issue ito sa loob ng unibersidad kapag nagkataon.
Napalunok nalang ng laway ang binata at isinasa-Diyos na lang ang lahat.
Wala pang masyadong estudyante ang unibersidad nang makarating siya. Ngunit hindi katulad noong dati na sa library siya dumeritso upang magbasa, ay dumeritso siya sa faculty office upang makita si professor Kenny. Gusto niya itong kausapin ngunit hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Ang daming gustong itanong ni Kevin, ngunit natatakot siya. Hindi rin maalis sa kaniyang isipan ang katotohanang estudyante pa lamang siya at si Kenny ay professor niya.
Habang nasa may kanto ng dalawang magkasunod na room at pinagmamasdan ang faculty office, iniisip niya kung paano niya lalapitan ang professor, ng bigla namang lumabas si professor Jayon at nakangiti pa ito kaya dali-dali rin siyang nagtago upang hindi makita.
Hindi rin nagtagal ay bumalik ang professor dala ang dalawang cup ng coffee, habang ang binata ay pasimple lang nagmamasid sa paligid.
Oras din ang lumipas at dumating na rin ang ilang mga staffs at studyante. Malapit na rin kasing mag-start ang unang klase kaya aalis na sana siya ng mapansin niyang bumukas ang pinto ng faculty office at doon ay lumabas si professor Kenny dala ang kaniyang mga gamit. Napahinto pa ito saglit at lumingon sa kinaroroonan ng binata. Mabuti na lang at agad siyang nakapagtago.
Sa isip niya ay gusto niyang maging malapit sa kaniyang professor, kaya inunahan na niya ito at inabangan sa may hallway.
Papalapit na sa room nila ang at agaran naman niya itong nilapitan at kinausap.
“Prof. Kenny…” Ani niya sa kaniyang professor. Ang kaniyang boses ay kabado ngunit makikita sa kaniyang mga mata ang kakaibang pagnanais.
Si professor Kenny naman ay nabigla ng kausapin siya nito.
“Ako na lang po ang magdadala ng mga gamit ninyo…” Biglang sabi ni Kevin.
Natulala ng bahagya ang professor dahil hindi niya iyon inaasahan.
" Kaka discharged mo palang, Prof. Hindi ka dapat nagbubuhat ng mga mabibigat.” Dagdag pa nito at kinuha sa kaniyang mga kamay ang dala niyang mga