Mahigit dalawang araw ring na confined sa loob ng ospital si professor Kenny at ngayong nakalabas na siya ay hinanda na niya ang kaniyang sarili sa panibagong araw.
Sa loob ng kaniyang tinitirhan, minsan din niyang naalala ang nangyari sa kanila ng kaniyang studyante na si Kevin. Ang kanilang pagtatalik at ang kanilang paglalasing. Lalo na noong hinatid niya pauwi ang studyante dahil iniiwasan niya ang skandalo at baka kasi may makakita pa. Ano nalang kaya ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang ang kaniyang studyante ay pinalipasan niya ng gabi sa kaniyang tahanan.
“Hays!" Ani niya at hindi rin maintindihan kung ano ang kaniyang mararamdaman. She wasn't sure about it at kung bakit iyon nangyari. She even questioned herself kung bakit dumating sila sa puntong iyon. Gano'n paman ay kailangang walang makakaalam nito dahil malaking dagok ito para sa kaniyang karera bilang isang professor.
Matapos makapaghanda ni professor Kenny ay pumunta na rin siya sa unibersidad kung saan siya nagtatrabaho. Madalas ay maaga siya at siya na rin ang nagbubukas ng faculty office.
Kahit noon pamang nag-aaral pa siya ay gustong-gusto niya talagang makapasok sa loob ng unibersidad na ito hindi lang dahil kay professor Jayon na kaibigan niya kundi passion na rin niya ang pagtuturo. Dito niya nakikitang may halaga ang buhay niya kahit paano. She found it as her reason to keep on living, at kahit pa alam niyang may taning na ang buhay niya, she wasn't scared to die dahil alam niyang nagawa na niya ang mga gusto niyang gawin.
Ganoon talaga sa buhay. Kailangan lang nating hanapin kung saan tayo belong. Kapag nahanap na natin iyon ay doon natin ibubuhos lahat ng ating gustong gawin. Doon tayo mamuhay katulad ng tubig sa batis na malayang sumasabay sa agos. Ganoon dapat, regardless kung anong uri man ng hanapbuhay iyan o maging sa kung ano mang larangan, we just have to make things up.
“Oh, Jayon…” Pagsisimula ni professor Kenny ng makita niya si professor Jayon na nakaupo sa table nito.
Actually hindi niya inaasahan na bukas na pala ang faculty office ng ganitong oras. Alas sais pa kasi ng umaga at madalas 7:30 pa magsisimula ang unang klase.
“Ang aga mo yata ah."
“Oh, Kenny. Hi. Alam mo namam malapit na ang final examinations, diba. Kailangan kong mag handa tsaka may tinatapos rin ako eh."
“ Ganun?"
“Hmmm." Napalingon si professor Jayon sa kaniya at tinitigan ito mula paa hanggang ulo.
“You look fine naman."
Napatawa naman ang professor sa sinabi niya sa kaniya.
“Ikaw talaga oh. Maganda kaya ‘tong kaibigan mo kaya I always look fresh."
Muling natuon ang pansin ni professor Jayon sa kaniyang laptop.
“Hmmm…fresh na masungit.”
“Kung makapagsalita ha, Jayon, akala mo naman talaga perfect eh no. Natural lang naman ‘yong nagsusungit ako eh. You know, criminology."
Dahan-dahang ibinaba ni professor Kenny ang kaniyang mga gamit at inilagay ito sa kaniyang table.
“Tsk… coffee?” Offer naman nito sa kaniya.
“Hala, sureness Jayon! Basta libre mo."
Tumango naman si Jayon bilang tugon at umalis na rin ito sa loob ng faculty office upang bumili ng coffee para sa kanilang dalawa. Caramel macchiato kasi iyong favorite niya kaya siguradong magiging maganda ang simula ng kaniyang araw.
Habang naghihintay ay paminsan-minsang sumasagi sa isip niya si Kevin. Hindi rin niya alam kung bakit, ngunit ang alam lang niya ay inaalala niya kung ano kaya ang nararamdaman nito sa ngayon. Ani kasi ni professor Jayon na hinahanap daw siya nito. Nagtataka tuloy siya kung ano kaya ang dahilan kung bakit hinahanap siya nito. Well, after all, having s*x with someone without romantic feelings is very rampant today, yet not in their case dahil pareho silang conservative. Kahit pa nga siya ay nalilito rin kung bakit sila dumating sa puntong iyon at sigurong nadala lang din sila ng alak.
Sobrang lala kasi ng tama nitong alak eh. It is considered as the most abused drug in the whole world kasi nga ginagamit ito tuwing may gatherings. Nanormalized na rin ang consumption nito regardless sa mga negative effects nito sa mental at emotional aspects ng tao. Minsan nagiging sanhi rin ito ng samo’t saring kriminalidad kaya napakadelikado nito. Ngunit kahit paman ganoon, marami pa ring advocates ang nagsasabing safe naman daw ito lalo na at mabisa bilang stress reliever. Kailangan lang daw ng sapat na kaalaman kung paano ito gamitin.
“Oh…your caramel macchiato coffee, Ms. Kenny. Naks, sosyalin din pala ‘yang name mo eh.” Bibo namang Ani ni professor Jayon ng makapasok siya sa faculty office dala ang dalawang cup ng coffee.
Napangiti naman si professor Kenny sa kaniyang awra. Well, such a lovely and positive umaga nga naman para sa isang stress na work.
" In fairness ha, Jayon, akala ko tuloy nakalimutan mo na ‘yong favorites coffee ko. Magagalit talaga ako sayo kung nagkataon.”
" ‘No kaba, Kenny. Parang hindi maubos allowance ko sayo dati kasi always kang nagpapalibre ng coffee eh.” Then with his cute posture na parang isang batang humihingi ng isang lollipop sa kaniyang nanay, “Can you please buy me some caramel macchiato, please, Jayon. Bayaran ko na lang bukas.” At bumalik siya sa normal na gawi at umupo sa kaniyang table.
“Epal, bayaran my face!"
Napahalakhak naman si professor Kenny sa kaniya. After all, they still have this very unique bond na full of kalokohan. They really have known each other way back when they were college students.
“Sira! Bukal naman sa puso mo ‘yon eh, diba?”
Masama naman ang tingin ni professor Jayon sa kaniya.
“Galit kana n’yan?" She was literally poking his best friend na kanina pa masama ang tingin sa kaniya.
“Alam mo, you should be a role model for the criminology department. You know, having a 1 inch haircut. Looks good on you." At tumawa pa ito habang hinihigop ang kaniyang kape.
“Kenny!"
“What? That's a compliment…"
“ Compliment. Eh kung ikaw kaya gupitan mo ng 1 inch, ano?”
" Uy… pikon si Jayon!"
Pasado alas syete na pala ng umaga at marami na ring students ang nagaabang sa kanilang mga respective classes. Hindi rin nila namalayan ang oras dahil sa kanilang kwentohan. Sumasabay rin kasi ang mga faculty officers and staffs kaya bibo rin kahit paano ang criminology department.
“Oh, Kenny. Kung hindi pa ako pinilit ni Jayon baka hindi talaga kita pinayagang magturo ngayon.” Ani ng Dean ng criminology students kay professor Kenny. Napangiti naman itong tumayo at inihanda ang kaniyang mga gamit.
" Nako, okay lang po ‘yon, sir Dean. Malaki nga po ‘yong pasasalamat ko dahil pinayagan pa ninyo ako eh. ‘Wag po kayong mag-alala, I won't be a burden.”
" Good. So, you have class this morning?”
" Yes sir.”
" Goodluck.”
Matapos makalabas ni professor Kenny sa faculty office ay napansin niya si Kevin na pasilip-silip sa may kanto ng dalawang room. Siguro ay hinihintay niyang lumabas rito ang kaniyang professor, ngunit hindi naman niya ito pinansin bagkus ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Malapit na sana siya sa room ng bigla naman siyang nilapitan ni Kevin.
“Prof. Kenny…” Ani nito sa kaniya. His voice were so clear and firm, and sure he has something to say.