Chapter 10

1316 Words
“Hindi naman kasi natin natuturuan ang puso eh, Kevin. Ang swerte naman natin kapag ganun, tsaka hindi naman kasi pagiging rational kapag na inlove ka. Emosyon mo ‘yon eh." Sagot nito sa kaniya. “Hindi naman po siguro ganun kadali ‘yan ‘no, aling Dilia. Paano mo ba malalaman kapag inlove kana?” Kunot noo namang tumingin si aling Dilia kay Kevin. Siguro ay iniisip niya kung bakit patungkol sa pag-ibig ang tinatanong nito sa kaniya. Sa bagay ganito naman talaga ang mga kabataan diba? Frone masyado sa mga ganiyang bagay. Madalas kasi kapag hindi pa natin nararamdaman ang katandaan, iniisip lang natin palagi sarili natin. We always make decisions non- deliberately. Iyon bang nagiging mindless tayo dahil kung ano iyong nagpapasaya sa atin, iyon yong gagawin natin. Kaya madalas nadi-disappointed tayo, o di kaya ay nadi-disappoint natin ang mga tao sa paligid natin. Pero wala namang masama sa ganoon. Part parin iyon ng growth natin as a person. Through all of those, we realised that we shouldn't always make decisions based on our emotions; shall we say, based on our happiness, but rather make decisions rationally. We have to think, gather facts, identify stakeholders, know the dilemmas, find alternatives, weigh consequences then make a judgement. We do not have to play favourites, or act non-deliberately, but with reasons. “Inlove?" Ulit pa ni aking Dilia sa tanong ni Kevin sa kaniya. “ Binata ka na talaga, Kevin. Pero alam mo, minsan hindi mo namamalayan inlove ka na pala. May kapangyarihan kasi ‘yang pag-ibig na ‘yan eh." Napalunok naman ng laway si Kevin habang malayo ang tingin sa may fish stall. “Kunware matapang ka, pero pagdating sa pag-ibig duwag ka pala. Kunware malakas ka, pero sa pag-ibig mahina ka. Minsan pa nga nakakabobo rin ang pag-ibig eh, at sobrang lawak. Alam mo ‘yon, kahit ilang milya pa ang layo, hindi ‘yan magiging hadlang sa pag-ibig." Kumuha siya ng pamaypay pambugay ng mga langaw na umaaligid sa kaniyang fishtall at tsaka niya iyon iwinasiwas habang patuloy pa rin naman sa pagsasalita. “Kaya ‘yong sinabi mong naniniwala pa ako sa love knows no time? Nako, oo naman. Kahit ‘yong buong mundo pa ‘yong balakid, kapag inlove ka, inlove ka talaga.” Nagpatuloy lamang ang kanilang pag-uusap habang si professor Kenny naman ay nasa ospital pa rin. Kahit masakit ang katotohanan ay kailangan niyang maging matatag. Tumingala siya sa langit, at natanaw niya ang kalmadong ulap sa langit. Manipis ang hangin at maganda ang sikat ng araw. Kahit papano ay gumaan na rin ang kaniyang pakiramdam. After all, she was not shock, nor terrified about what she heard. Alam na kasi niya na may cancer siya at ready na rin siya sa ganitong sitwasyon. But what really caught her was Kevin, at ang nangyari sa kanila noong gabing iyon. “Oh… Kenny, sabi ko naman sayo magpahinga ka muna, diba?” Biglang sabi naman ni Jayon matapos niyang buksan ang pintuan at madatnang nakatulala sa langit ang kaibigan. Napalingon naman si Kenny nang marinig ang boses Jayon. “ ‘Nga pala, on the way na rito ang parents mo pati na rin ‘yong kapatid mo. Tinawagan ko na sila dahil alam kung hindi mo gagawin ‘yon. Tsaka ka nalang magaling sa akin kapag gumaling ka na." Inilagay mi Jayon ang mga dala niyang prutas sa may table at naging watcher na rin for the mean time. Marami silang napag-usapam at paminsan-minsan ay nasambit niya ang patungkol kay Kevin, iyong studyante niya. “Si Kevin?" “Oo si Kevin. Kaninang umaga pa kasi ‘yon sa faculty office hinahanap ka. Nagulat nga rin ako kanina ng makita ko siya rito. He looked really concerned sa sa‘yo, Kenny.” Napatingin naman si Kenny sa kaniya. “May kailangan yata sa'yo ‘yon eh…” " Ah…eh…" Hindi naman sigurado ang professor kung ano ang isasagot niya kay Jayon. “Si-siguro nga." Sagot nalang nito at iniba ang usapan. “Pumayag ba si Dean na hayaan na lang akong pumasok after ko ma discharge dito sa ospital?” " Ahh…’Yan ba. Pumayag naman si Dean , pero mas mabuti daw’ng mag stay ka nalang muna sa bahay." “Hindi, Jayon. Okay na ‘yon. Just let me, even just this once…” Nagulat naman sila ng may biglang pumasok sa loob ng room ni professor Kenny. " Ate!” " Kenny, anak… maayos ka lang ba? Kamusta naman ‘yong pakiramdam mo? Bakit hindi ka naman tumawag ha…” Dumating na rin pala ang pamilya ni professor Kenny. Galing pa ito sa probinsya kaya hindi agad naka luwas ng Quezon City. “Maayo naman ako, ma…” " Oh…hayaan ko muna kayo diyan ha, Kenny…” Paumanhin naman ni Jayon sa kanila. Maybe because he wanted to give them time and privacy. That's a perk actually. “Maraming salamat talaga, sir Jayon. Nako kung pa dahil sayo baka patay malisya kami nitong kapatid niya sa probinsya." “Ah…eh… wala ho ‘yon aling…" “Nina…" “Aling Nina. Sige ho lalabas lang muna ako saglit.” Matapos makalabas ng room ay naiwan ang mag-anak sa loob ng room. “Ate Kenny! Sabi ko naman sayo mag-iingat ka eh." Ani ng kaniyang nakababatang kapatid na si Jessa. Nasa high school pa lang ito at sa probinsya nakatira kasama ang kaniyang ina. “Oh, Kenny, ‘wag kang magsinungaling sa akin. Dahil ba ito sa sakit mo?" Ani ng ina niyang si aling Nina. Hindi na rin ito bago sa kanila dahil madalas itong mangyari kay Kenny. Tumango naman si Kenny bilang tugon sa tanong ng ina nito. “Sinasabi ko na nga ba eh. Diba sabi ko sayo ingatan mo palagi ang sarili mo, Kenny? Alam mo naman na ‘yon eh.” " Ma, okay lang naman ako eh.” Huminga siya ng malalim. " Oo nga pala, kamusta naman ‘yong paghahanap kay itay?” " Ano ka ba naman, anak. Kenny, ever since noong maliit kapa hindi naman nagpaka-magulang ‘yong papa mo sayo. Nakaya naman natin kahit wala ‘yong papa mo eh, bakit kailangan pa natin siyang hanapin? Siguradong may pamilya na ‘yon. May sariling anak. Iba na priority sa buhay nun, Nak.” Argumento ng kaniyang ina. Ever since kasing nalaman ni Kenny na may cancer siya at mataas ang cell production nito ay gumastos siya upang hanapan ang kaniyang papa. Gusto kasi niyang kahit isang araw man lang ay makasama niya ng buo ang kaniyang pamilya. “Ma, alam mo naman kung bakit ko ginagawa ‘to eh. Kahit ito man lang , ma. Gusto ko lang namang makasama kayo isang araw man lang.” Sagot ng professor sa kaniyang ina at hindi mapigilan ang mga luha nito sa kaniyang mga mata. Tumulo ito, at hindi niya mapigilan pa. She burst down in tears, at inilabas ang kahinaan niya sa harap ng kaniyang pamilya. " Ate naman eh… pati ako naiiyak na rin." Sabi naman nung kapatid niya at yumakap ito sa kaniya habang nakahiga sa kama. “Oo na, anak. Kenny. Wala pa ring progress ‘yong paghahanap natin eh." Napahikap ito sa kaniyang mukha. “Hayaan mo at ipapaalam ko agad sa inyo kung may lead na tayo sa papa mo. Nga pala, sa probinsya ka muna mag stay kasama namin pagkatapos mong ma discharge.” " Hindi na ma. Kailangan ko pa ring pumasok eh after ko ma discharge dito. Uuwi ako ng probinsya pagkatapos ng semester.” " Ate eh…pinapagod mo naman masyado katawan mo sa pagwowork." Ani nito habang dahan-dahang kumalas sa pagkayakap. “Hmmm…” Then she took a deep sigh. " Kailangan mag trabaho ni ate, okay?” Sabi nito at sinulyapan ang kaniyang ina. " Pangako, mag iingat ako palagi.” " Promise?” " Promise.” Then she smiled, coldly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD